MABILIS NA naglakad palapit sa 'kin si Arlo habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. Nakatitig siya sa 'kin na para bang ayaw niyang mawala ako sa paningin niya.
"Arlo,"
"Cara, wow! That wedding gown was made for you."
"Thank you, but hindi naman sa 'kin 'to. Sinusukat ko lang para sa client namin,"
"I know, sayang..." sabi niya na parang nanghihinayang dahil hindi sa 'kin 'to.
Napaka-cute talaga!
"Akala ko po, Sir, kayo 'yong ikakasal," singit n'ong babae kaya agad akong napalingon sa gawi niya. Kulang na lang may lumabas na heart sa mga mata niya sa way ng pagtingin niya kay Arlo!
"Today's our first day as a couple. But soon, we will get there," he replied to her while staring intently at me. Kita kong nagbago 'yong reaction n'ong babae.
Akala niya siguro may pag-asa na siya. Hmp.
Parang kailangan ko ng throw pillow para ilabas lahat ng kilig na nararamdaman ko!
Arlo, naman kasi!
Tumalikod na ako at tiningnan 'yong reflection ko sa salamin for the last time before I signal her to shut the curtains off. Ibinalik ko sa pagkakaayos 'yong wedding gown at saka na ako nagbihis. Napahawak ako sa leeg ko at hinawakan 'yong kuwintas na bigay ni Nate.
Dati... kay Nate ko pinangarap ikasal. Siya lang kasi talaga 'yong lalaki na minahal ko nang sobra. Siya lang 'yong lalaki na nakikita ko 'yong future ko na kasama. Pero ngayon, nagbago na. Alam kong mabilis, pero Arlo made me happy the way Nate made me happy.
Magkaiba man ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa, pero para sa 'kin, pareho ko silang mahal at patuloy na mamahalin. They both made me feel loved. They both cared for me, so much.
Iniabot ko na sa may babaeng nag-a-assist sa amin 'yong gown. I also booked another appointment dahil mas mabuti pa ring mai-fit uli ni Miss Leslie 'yong sarili niyang gown. Mas mabuti nang sigurado at perfect lahat. I didn't like it when our clients were not satisfied and happy with the service that we offered. As much as possible, dapat lahat ng wedding ay perfect.
Nakita ko si Arlo na nakaupo pa rin sa couch habang busy sa ginagawa niya sa phone. Naglakad ako papalapit at umupo sa tabi niya. Hinayaan ko pa rin sa kung ano ang ginagawa niya. Mukha kasi siyang seryoso, eh.
"Ano 'yong ginawa mo?" tanong ko nang itago niya 'yong phone sa bulsa niya.
"Secret," sabi niya habang nakangiti sa 'kin na parang nang-aasar, saka siya tumayo. Llalo tuloy akong na-curious!
"Ano ba kasi 'yon?"
"Do you have any more appointments that you have to go to?"
"Wala na, napuntahan na natin lahat, I think," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...