Chapter 21

2.9K 97 51
                                    

TODAY WAS Saturday, and my eyes are swollen from crying myself to sleep last night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TODAY WAS Saturday, and my eyes are swollen from crying myself to sleep last night. Hindi pa rin nawawala 'yong sakit na nararamdaman ko dahil sa mga narinig ko kagabi.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakahiga dito habang nakatitig lang sa kisame. Alam kong gising na rin sila dahil naririnig ko 'yong ingay mula sa kusina. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang harapin ngayon dahil sa mga narinig ko sa kanila.

Especially Jen... Hindi ko alam na gano'n pala ang tingin niya sa 'kin. Hindi ko in-expect na gano'n na pala katindi 'yong galit niya sa 'kin.

I really don't know what to do anymore...

Kinuha ko na lang 'yong phone ko sa bedside table dahil hindi na ako nakapag-check ng phone simula kahapon dahil sobrang busy ko rin.

May text galing kay Gael at kay Atlas na lang daw siya sasabay pagpunta sa party. Apparently, lumipat na pala si Atlas sa Empire kaya malapit na lang siya sa condo ni Gael.

Napailing na lang ako. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang mayroon sa dalawang 'yon, but I'd rather not think about it. Masyado na akong maraming iniisip. Tatawagan naman ako ni Gael if she needed me or kapag ready na siya na sabihin sa 'kin.

Napakunot 'yong noo ko dahil ang daming text sa 'kin ni Dhalia. Kahapon pa 'yong ibang text messages niya pero hindi ko siya magawang reply-an dahil wala talaga akong time at tanging si Gael lang ang nai-text ko kagabi noong pauwi na kami.

From: Dhalia

Ate Cara! Nakita mo na 'yong post ni Kuya?! OMG 😍

Grabe walang reply... Nagha-honeymoon na ba kayo bago pa ang kasal?!

Can I please be your bridesmaid, Ate...?

Magtatampo na talaga ako 'pag wala akong ganap sa kasal n'yo. Huhuhu

I texted Kuya rin dahil I showed Mom your picture. She's okay raw na mauna kayong ikasal sa kanila ni Dad!

Pakiramdam ko lalabas na 'yong puso sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito. Nagmamadali akong nagpunta sa IG at nakita ko 'yong post na sinasabi ni Dhalia. At totoo nga!

I didn't know that Arlo took a picture of me habang nakatalikod ako at bago isara 'yong curtain para magpalit ako ng damit!

Oh, my gosh!

@ArloJadraque: I couldn't wait for the day to see you walking down the aisle wearing your dream wedding gown. @CarmelaRaleigh

I quickly grabbed the pillow beside me at saka doon ako tumili!

Wow. What is Arlo doing to me?

Kahapon pa pala niya ito ipinost sa IG! Ito 'yong seryoso niyang ginagawa sa phone niya bago kami umalis ng boutique.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon