"SO, WHAT'S the score between you and Arlo?"
"Nothing."
"'Wag mo akong ma-nothing-nothing diyan, baks! Halos araw araw kayong magkasama, 'tapos nothing? Utot mo, blue!"
I sighed. "Wala nga, baks. Magkaibigan lang kami. I enjoy his company, 'yon lang 'yon," paliwanag ko.
Inirapan lang ako ng gaga."Sure ka ba diyan? Baka naman hindi lang pagkakaibigan ang tingin ni Arlo, ha. Baka umasa 'yong tao."
"Hindi ko alam. Alam mo namang hindi puwede. I'm still in love with Nate. I love him so much that I don't think I can ever love someone that much again," sabi ko.
Napailing na lang si Gael. "Basta ang sa 'kin lang naman, baks, 'wag mong paasahin 'yong tao kung hindi mo kayang suklian 'yong nararamdaman niya. 'Wag mong hayaang mahulog sa 'yo, 'tapos hindi mo naman sasaluhin," she said.
Napainom ako sa tubig na hawak ko. Alam ko namang tama siya. Masasaktan ko lang si Arlo. Kailangan kong itigil 'to habang maaga pa.
Nanood lang kami sa Netflix sa condo niya. Mas napapadalas ako dito sa condo ni Gael dahil madalas kaming magkita ni Arlo. Malapit kasi 'to sa Empire building.
Noong nakaraan na nagkita kami sa Empire ay gulat na gulat si Dhalia na magkakilala na kami ng kuya niya. Ikinuwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Arlo and that I was at the welcome party too. Unfortunately, hindi pala nakasama si Dhalia dahil exam week niya at that time.
"Ano na nga pa lang balita sa kuwintas na hinahanap mo? Nakalimutan mo na yata 'yon."
"H-ha? Hindi, ah," deny ko. Pero ang totoo ay nawala talaga sa isip ko 'yong kuwintas dahil palagi kaming magkasama ni Arlo.
Madalas nag-iikot kami sa Manila para igala siya dahil ang tagal pala niyang tumira sa Canada dahil doon siya nag-aral ng Architecture. Isang taon siyang nagtrabaho roon before he decided to come back here for good. Minsan naman nagpu-food trip kami. Minsan naman Dhalia invited me over sa Empire para makipagkuwentuhan but mostly ay inaasar lang niya ako sa kuya niya!
"Talaga lang, ha," sabi ni Gael. Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Oo nga sabi. Kausap ko si Dhalia at sabi niya naging busy lang daw kasi siya kaya hindi pa niya natatanong 'yong ibang kilala niya sa Empire," paliwanag ko pero parang hindi naman nakikinig 'tong si Gael.
"Bakit hindi ka magpatulong kay Arlo? Mukhang mas marami naman siyang free time kagaya mo na parang walang trabahong iniintindi. Palagi rin naman kayong magkasama."
"Gaga ka talaga!" saka ko siya binato ng unan. "Akala ko ba iwasan ko na 'yong tao dahil baka umasa?"
"Magpapatulong ka lang naman, eh. At saka malay mo mas marami siyang kilalang lalaki na nakatira don. In all seriousness—"
"Kailan ka pa nagseryoso?" putol ko sa kanya kaya ako naman ang binato niya ng unan.
Inirapan muna niya ako bago nagpatuloy sa sasabihin niya. "Seryoso nga kasi. Papatulong ka lang, ha! Walang malisya at walang chansing-chansing o hawak-hawak!"
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...