Chapter 17

2.8K 96 14
                                    

"MAY HINDI ka ba sinasabi sa 'kin?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MAY HINDI ka ba sinasabi sa 'kin?"

Nakatingin siya sa 'kin. Hindi ko mabasa 'yong mood niya. At paglingon ko kay Jen nakatingin lang din siya sa 'kin habang hinihintay 'yong isasagot ko.

"P-po?"

"Napapansin ko kasi na napapadalas na late ka nang umuwi at palagi kang nag-o-overtime sa trabaho. 'Tapos 'pag nandito ka sa bahay, halos hindi ka naman makausap dahil palagi kang nagkukulong sa kuwarto mo." Tita Mommy said.

Parang biglang tumigil 'yong tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya.

"Kung may problema kang gustong pag-usapan, Cara, don't hesitate to talk to me... or you can talk to Jen."

Marahan akong tumango dahil parang umatras 'yong dila ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

May sinabi ba si Jen? Ano ang sinabi niya? May alam na ba si Tita Mommy? Alam na ba niya ang tungkol kay Arlo?

Ang dami kong iniisip na possibleng sinabi ni Jen. She definitely saw us! She knew and I didn't know if I should talk to her or just act like she was wrong about whatever she was thinking.

Mababaliw na ako kakaisip!

If I would talk to Jen about Arlo, hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Alam kong hindi pa rin siya nakaka-move on at nasasaktan pa rin siya sa biglaang pag-dalaw ng tatay niya rito. At hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita siyang masaktan uli kapag sinabi ko na may dine-date na akong iba.

I feel like I'm betraying Nate... and his whole family.

Natapos ang dinner namin na tahimik lang ako. Sumasali ako sa usapan nilang mag-ina paminsan-minsan para hindi makahalata si Tita Mommy na may iniisip ako. Mahilig kasi siyang magtanong, lalo na at mabilis siyang makaramdam kapag may problema ka, mother's instinct siguro. Kaya hanggang maaari, hindi ko ipinapakita na may iniisip ako para hindi na siya magtanong pa.

"Good night po," sabi ko at saka ko niyakap si Tita Mommy. She had been so good to me and I didn't want to hurt them... I just couldn't.

"Good night, anak. Sleep well," Tita Mommy said, then she kissed my cheeks.

Naglakad na siya pataas ng hagdan at narinig kong sumara 'yong pinto sa kuwarto niya habang ako, napako pa rin sa kinatatayuan.

Sa ikalawang palapag kasi ang kuwarto ni Tita Mommy, 'tapos kami ni Jen sa ibaba naman. Magkatapat ang kuwarto namin ni Jen. Ang kuwarto naman ni Nate ay sa second floor din. Gusto nina Tita Mommy na gamitin ko ang kuwarto ni Nate noon pero hindi ako pumayag dahil hindi ko kaya. Masyadong madaming alaala sa kuwarto na 'yon at hindi ko kayang matulog sa kama niya nang hindi ko siya katabi. Kaya mas pinili ko na lang na gawing kuwarto 'yong office room na katapat ng kuwarto ni Jen. Kahit maliit lang 'tong kuwarto ko, mas okay na 'to para sa 'kin.

Maglalakad na sana ako papasok sa kuwarto ko nang makita ko si Jen na papasok na rin sa kuwarto niya kaya tinawag ko siya.

"Bakit, Ate?" casual na tanong niya.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon