Part 1: 2.3

35 12 70
                                    

Part 1: Preamble
Chapter 2.3: Stray Cat

NANG inihanda sa harap ko ni Glea ang sangkatutak na pagkain ay hindi na ako nagpakipot pa at kumain na agad. Sanay na rin naman sa akin at kita niyo naman, mas natutuwa pa siya kapag busog na busog ako. Minsan nga pakiramdam ko ay isa akong baboy na pinapataba niya kaso hindi nga lang nagtatagumpay.

"Nga pala, ito ang regalo ko." Kahit punong-puno ang bibig ko ay nasabi ko iyon tsaka ko kinuha sa loob ng jacket ko ang regalo ko. Inayos ko pa iyon dahil nalukot doon siguro sa rambulan na nangyari kanina. Mabuti nga at hindi napunit. "Pasensyahan mo na lang, Glea. Nadamay ata sa nangyari kanina."

"Naku, okay lang." Inabot iyon ni Glea at agad binuksan. Kapareho ng bata na binigyan ng laruan ang naging reaksyon niya. Tama nga talaga ako. Mahilig sa libro si Glea. "Nancy Drew! Salamat, Jia. Walang nakaisip na regaluhan ako ng libro kaya salamat talaga."

Dahil siguro sa sobrang tuwa ay niyakap pa ako ni Glea.

Katulad ng dati ay nagkwentuhan ulit kami at nanood ng horror movies. Isa na namang mahabang gabi ang dumaan.

"Nga pala, Glea. Kaano-ano niyo ang asong gala na iyon? Iyong ngumatngat sayo kanina?"

Kahit madilim ay kita ko pa rin na namula si Glea dahil sa sinabi ko. Napangiwi na lang tuloy ako.

"A-ah, family friend siya. Galing Amerika at may dadaluhan atang importanteng event dito sa Pilipinas."

"Ahh, kaya pala may accent ang kumag. Truss ang pangalan no'n, 'di ba?" Tumango si Glea. "Bakit nga pala nginangatngat ka no'n kanina? Nagmukha ka bang karne sa paningin niya?"

Mas namula si Glea kaya mas sumimangot ako. Ano bang meron do'n at ganyan ang reaksyon niya sa lalaking 'yon? E, hindi naman iyon gwapo, saksakan lang talaga ng puti at nagpa-appeal lang ay ang blue nitong mga mata at ang tindig nito. May brown din itong buhok, mukhang natural ang kulay no'n, at ang matangos na ilong at....

At bakit ko naman dine-describe ang asong gala na iyon? E, asong gala nga iyon.

"H-hindi ko rin alam." Umiwas ng tingin si Glea. Halatang ayaw pag-usapan ang bagay na iyon.

"Matagal mo na ba iyon kilala?" tanong ko ulit.

"Ah, oo. Simula pa noong elementary ako. Minsan umiuwi sila dito o hindi naman kaya'y kami ang bumibisita sa kanila."

Napa-hmm na lang ako. Duda pa rin ako sa reaksyon ni Glea sa Truss na iyon. Possible kayang crush niya 'yon? Tinignan ko ng may taas-kilay ang kaibigan ko.

"B-bakit?"

Umiling na lang ako kay Glea. Mukhang hindi ngayon ang tamang panahon para tanungin siya.

"Mauna na nga pala ako, Glea. Happy Birthday ulit!" Pasimple kong hinalikan sa pisngi si Glea. "Sige, bukas na lang ulit."

Umamba na ako sa balcony ni Glea at huling beses na kumaway. Kumaway siya pabalik at may matamis na ngiti si Glea na pinanood akong bumaba mula sa balkonahe niya. Tsaka ako umakyat ulit sa puno na magiging daan ko palabas ng bakod nila.

Kaso natigilan ako dahil, oh well, marunong din palang umakyat ng puno ang asong gala, ano? Tignan mo at nasa harap ko ngayon si Truss.

"Nice friendship you got there, Stray Cat."

Napairap na lang ako sa lalaki. Gaya-gaya. So ngayon may bansag na rin siya sa akin at talagang ipinareha niya sa tawag ko sa kanya, english nga lang? Well, Amerikanong hilaw nga pala ang isa na ito kaya gano'n.

"Bakit? May problema ka, asong gala?" Ginaya ko ang tono niya kaso hindi siya nainis imbes ay ngumisi pa.

"You know what, you're a bit lucky you're not in my world or else you'll be dead by now." Ayan na naman ang pagbabanta niya. Blackmailer ata ang lalaki na ito, ang hilig manakot.

"Ikaw din, maswerte ka rin wala ka sa mundo ko o baka hubad ka na ngayon."

Mas ngumisi pa siya. "Bakit? Prostitute ka ba at huhubaran mo ako?"

Aba't bwesit talaga. "Itong asong gala na 'to. Naturingan pa naman din na imported pero ang utak pang bar lang. Hindi ka ba nainform na pati magnanakaw, holdaper at akyat-bahay ay nanghuhubad na ngayon? Uso na ang ukay-ukay kaya kahit brief mo ay pwede nang maibenta ngayon sa kalye."

Lukot na mukha na may tagilid pang ulo ang naging tugon niya sa sinabi ko. Mukhang 'di nakuha ang paliwanag ko kanina. Well, oo nga pala. Sa abroad ito nakatira kaya ano naman ang alam niya sa mga nangyayari dito sa Pilipinas?

Kinalaunan ay itinuwid ulit ang ulo at bumaling sa balkonahe ni Glea na sarado na ngayon.

"Funny. Sabi mo kanina ay hindi ka tomboy, boyish lang pero kung makahalik kay Glea ay parang boyfriend na nagpapaalam," sabi niya at tuluyang kinalimutan ang sinabi ko kanina.

"Bakit? Selos ka?" asar ko sa kanya. Nakangisi pa ako ng tudo.

"And why would I be jealous?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. Nagmukha tuloy siyang Amerikanong bakla.

"Dahil nginitian ako ni Glea pagkatapos ko siyang halikan at tandaan mo, sa pisngi pa lang iyon pero ikaw, nilaplap mo na nga ng sobra pero tinulak ka lang at inawat pa para ipagtanggol ako. Iyon, iyon ang ikinakaselos mo."

Pagkatapos ko iyon sabihin ay malawak na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Tumitig lang siya sa akin na parang leon na handa nang takunin ang isang maliit na hayop para kainin niya. Syempre, hindi naman ako tanga para makipagtitigan sa kanya. Nagduling-dulingan ako para malupet.

"Tsk!" Mukhang si Truss na ang sumuko. "Just make sure that we'll never meet in my world because the first time I lay my eyes on you again, I'll make sure my bullet will pass through your head."

"I love you too, baby." Ngumuso pa ako na mas ikinabusangot niya pero pinabayaan niya na lang din at tumalon na pababa mula sa puno. Pinagmasdan ko saglit ang papalayo niyang likod tsaka umiling-iling sa sarili.

Tumalon na rin ako kinalaunan palabas para makauwi na pero isa na namang tao ang pumigil sa akin.

"Manong Glenn, anong ginagawa niyo dito sa labas?" Napatingin pa ako sa paligid upang tignan kung may kasama pa si Manong Glenn pero siya lang talaga mag-isa.

"Sa sabado, bumisita ka ulit kay Glea pero pagkatapos ay dumiretsyo ka sa opisina ko. May pag-uusapan tayo na importante." Sobrang seryoso ang pagkakasabi niya. Hindi pagalit o pasigaw, basta seryoso lang. Napaseryoso din tuloy ako.

"Tungkol saan?"

"Tungkol kay Glea."

*****

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon