Part 3: 9.1

31 4 1
                                    

A/N: Hold still, marami-raming characters ang dadagdag at mahaba ring mini-chap. 😊

Part 3: Tourney
Chapter 9.1: Demons

HINDI katulad ng nakaraang hapon ay pansin mo na nabawasan na nga ang mga pladents. Marami ang nawala, may ilan pang sugatan pero tinitiis na lang at nagsi-self aid sa sarili. Bukod kasi sa walang nurse ay wala rin clinic ang eskwelahan. Meron nga lang mga first aid kit sa bawat kwarto kaso hindi naman 'yon mapapakinabangan kung hindi ka marunong ng first aid. Subalit hindi problema, lahat ng pladents ay mga kriminal kaya inaasahan na lahat ay marunong ng basic knowledge ng paggamit sa first aid kit.

Habang patuloy ang klase kuno ng mga pladents ay lumakas pa lalo ang ulan. Nakatulong 'yon na mawala pansamantala ang amoy ng mga nagsisimula nang magde-decay na mga katawan. Ngunit ng malapit nang magtanghali ay biglang huminto at sumilip ulit ang haring araw. Uminit at nagsimula nang matuyo ang mga tubig sa paligid. Unti-unti ay napalitan ng mainit na hangin ang malamig na ihip.

Natapos ang klase ng parehong oras kahapon at ulit, kanya-kanya nang patutunguhan ang mga pladents. Lahat ay iniisip na nabawasan na sila ng mahihina at ngayong panibagong PM hours ay mababawasan na ulit iyon.

Hindi katulad hapon ay mas nagmadali ngayon si Jia na matapos sa personal niyang ritual sa sarili. Kailangan niyang mas maghanda ngayon dahil hindi na lang iisa ang may gustong patayin siya, dalawa na sila o baka nga ay tatlo pa kahit sinabi mismo ni Trinity na si Hainah lang ang maghahanap sa kanya. Hindi na siya pwedeng magpabaya katulad ng kahapon. Kailangan niya nang makatago sa lugar na talagang walang makakahanap sa kanya.

Naka-ekis na ang Mini Forest sa listahan na pagtataguan niya. Umulan kanina at biglang uminit ngayon, suicidal lang ang tatambay sa ganoong klase ng lugar kung saan maraming bangkay. Nagmistula na nga itong sementeryo na walang mga puntod.

Hindi na rin pwede sa taas ng stage ng Open Field. Nahanap siya ng gano'n kadali ni Rogue ro'n at nasundan din ni Truss. Ekis na rin ang lugar na 'yon.
Kaya ngayon ay sa mga naglalakihang building siya mamimili ng pagtataguan.

Alas-onse y media na at gutom na rin siya. Gusto niya nang kainin ang pagkaing dala-dala niya. Kailangan niya nang makahanap ng lugar sa lalong madaling oras.

Samantala, si Truss ay nasa kwarto niya pa rin at nagde-desisyon. Ang desisyon kung uunahin niya na bang patayin si Jia o ipapahuli muna. Dahil kasi sa nangyari kagabi ay may napagtanto siya. Delikado para sa kanya ang babaeng 'yon kung gano'n malakas ang epekto nito sa kanya. Hell! Ibang klase ang halik na 'yon para sa kanya. With one touch of their lips, he felt his body heat up way too much. Nanginig ng sobra ng kalamnan niya at umikot sa sobrang hilo ang ulo niya. Hinigop ng mga labi ng babae ang buong lakas niya at huli niya na na-realize na nakontrol na nito ang katawan niya. Huli niya na napagtanto na naloblob na siya sa pagnanasa kay Jia.

Hindi naman kulang sa babae si Truss. Hello? Taga-Amerika si Truss at hindi siya nauubusan ng babae roon. Ang halik ay normal na pagbati na ng babae sa kanya at ni-kailan ay hindi pa siya nawalan ng kontrol sa larangan na 'yon. Habulin siya ng mga babae at babae na mismo ang lumalapit sa kanya.

Pero ngayon, gano'n gano'n na lang ay nagulo ni Jia ang sistema niya.

Gleanne Calaveras was his long time crush, yes. He may be become a little aggressive to Glea in her birthday party but he didn't lost control. Planado niya na 'yon. Iniisip na dahil nasa legal nang edad ang babae ay pwede niya na itong maikama bago pa man siya masabak sa larong ito at maikasal sa kanino man na babae.

Glea is a goddess. Sexy, beautiful, kind, and soft spoken. Ngunit bakit nang halikan niya ito dati ay parang normal lang pero nang si Jia naman ang nahalikan niya ngayon ay dinaig niya pa ang nasabugan ng fireworks sa katawan niya?

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon