A/N: Jia's weapon on the multimedia ☝👆. Source of information: https://www.history.com/news/knives-that-changed-history
Part 3: Tourney
Chapter 10.2: FightMADILIM ang attic ng Library Building. Ang tanging nagbibigay ilaw sa lugar ay ang pakahon na bintana na nasa kaliwang bahagi ng kisame. See through glass lang ang bintana na 'yon dahilan para malayang bumabagtas ang sinag ng araw sa loob. Nag-iisa lang ang bintana na ito kaya sa bahaging 'yon lang ang may liwanag.
Sa paligid naman ay may mga gamit na hindi na ata ginagamit, natatabunan na lang ito ng mga puti na tela dahilan para hindi ko matukoy kung anong klaseng mga gamit ang ando'n. Meron namang mga gamit na hindi natatabunan ng tela pero pawang mga baul lang 'yon na ewan na lang kung may laman.
Kahoy ang sahig ng attic at rinig mo ang pag-angal nito sa bawat hakbang ko. Nagbibigay 'yon ng weird na sound sa paligid, feeling ko tuloy ay nasa The Grudge ako. Kinilabutan ako sa naisip ko.
Wala naman atang gumagapang dito na iba bukod sa mga daga at ipis, ano? I doubt it pa nga kung may daga na nabubuhay rito. Kaya ipis lang, ano, ang pwedeng gumapang sa akin dito? Hindi ba?
Napatingin ako sa pinto na pinasukan ko kani-kanina lang. Nasa sahig 'yon at kahoy rin. Kapag gusto mong buksan ay iaangat mo lang iyon o kung nasa labas ka naman ay mahihila mo rin siya palabas. Oo, it's either you pull or push the mini door.
Sa labas naman ay hindi mo halata na pinto siya papunta sa attic. Mukha lang siyang bahagi ng kisame ng library. Kung hindi ko pa aksidenteng nahawakan 'yon dahil sa kakamadaling makahanap ng taguan para matakasan si Hainah ay hindi ko pa malalaman. Ngayon ay naka-lock iyon at pinatungan ko pa ng isang baul para double lock.
Since secured na ang pagtataguan ko ay naghanap na ako ng pwesto ko. Inilabas ko na rin ang bento box ko, charot. What I mean ay 'yong pagkain ko na galing sa Neutral. Mabuti at hindi ito nahulog kanina pagtakbo at pag-akyat ko. Lalo pa't nakalagay lang ito sa pinakamalaking bulsa ng jacket na suot-suot ko. Nasa kanan bahagi 'yon sa loob ng jacket ko. Mabuti talaga at kumapit siya ng mahigpit. Alam niya ata na importante siya para sa akin lalo pa't hindi pa ako nakakakain ng tanghalian. Bawal pa naman akong magutom.
Akmang bubuksan ko na sana ang kahon nang akala mo'y bomba na tumilapon ang baul na ipinatong ko sa pinto ng attic. Lumipad 'yon at bumagsak pa sa mismong harap ko. Muntikan pa ngang maipit ang mga paa ko kung hindi ko ito naiangat wala sa oras.
Nabitawan ko ang kahon ng pagkain na hawak ko nang mula sa pinto ay pumasok si Hainah na may ngisi sa labi.
"Ah, at last nahanap din kita," iyon ang unang sinabi ni Hainah sabay tapon sa akin ng maliit kutsilyo, mabuti na lang at nakaiwas ako o baka, dedo na ako ngayon. Napatayo ako sa tanawin ng babae sa harap ko.
"Bastos ka, ah! Kita nang kumain iyong tao oh!" At hindi lang siya simpleng bastos, wala rin mudo. Kita nang nagtatago ako, bukuhin ba naman ako. Tapos kanina rin, wala ring pasabi niya akong hinabol. Siya na ang pinakabastos na babae na nakilala ko.
"Funny, you still have time with that." Isa na naman na kutsilyo ang tumilapon papunta sa akin, mabuti na lang at sinadya niya lang na dumaan lang sa gilid ng mukha ko. Para siguro takutin ako.
"Paano mo ako nahanap?" hindi ko mapigilang magtanong.
Nagkibit-balikat si Hainah. "It's luck, I think? Especially that I can clearly hear the cringes of the wooden floor from below."
Shet, iyon ba ang nakapagturo sa akin? Kung alam ko lang edi sana kanina pa ako lumipad-lipad dito sa attic. Akala ko pa naman sound proof ang attic na 'to.
BINABASA MO ANG
School of the Fittest (Hiatus)
ActionJia Zamora can be called as the Cat Burglar. A thief, a bad girl and surely, a criminal. Meanwhile, Glea Calaveras, her best friend, is an angel. Glea's very opposite of her but Glea didn't mind having her despite of it. Jia loves Glea like a true s...