Part 1: Preamble
Chapter 3.2: PreparationDAHIL linggo, maraming tao ngayon sa palengke. Iba't ibang klase ng mga tao ang nasa lugar, mayaman man o mahirap, dahil lahat ay gustong makabili ng mga sariwa pang mga gulay, prutas, isda at karne. Bawal ipasok ang mga sasakyan kaya lahat ay naglalakad lamang. Halo-halo ang mga tao. Siksikan at halos magdikitan na ang mga lahat ng nando'n.
Mula sa malayo ay kita mo si Jia na may binubulungan na batang lalaki. Isang pulubi na naglilimos sa mga taong ando'n. Pansinin mo na nakangiti ang batang lalaki at tumatango-tango sa kanya. Mayamaya ay lumakad na si Jia at nakihalo na rin sa mga tao. Ilang minuto ang nakalipas ay makikita mong bumalik na sa dating pwesto si Jia, sa tabi ng bata. Tumingin siya sa kaliwa't kanan tsaka inilabas mula sa bulsa ng jacket niyang itim ang maraming pera. Binigyan niya ng ilan ang batang pulubi na malawak na rin ngayon ang ngiti sa mukha. Nang maiabot ay tsaka na lumakad paalis si Jia sa lugar na para ba'y walang ginawang masama sa mga taong nando'n. Habang ang mga taong dinukutan niya ay hindi na makapa sa bulsa, bag at sa kung saan pa man nila itinago ang perang ibibili sana nila ng pagkain.
Napailing na lang si Sebastre dahil sa natunghayan. Ang ngisi ay hindi niya mapigilan.
"This girl is a natural evil," bulalas niya sa sarili niya. Tsaka lumakad na rin pabalik sa sasakyan niya na nakaparada sa labas ng lugar. May katabing itim na kotse sa sasakyan niya at sa labas no'n ay may mga lalaking naghihintay sa utos niya.
Tumango siya sa mga lalaki. Isang sinyales na sumipot na ang mga ito at gawin ang pinag-uutos niya. Walang nagsayang ng oras at agad sinunod siya. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan niya ay nakaalis na ang katabing kotse.
Kinalaunan ay pumasok na rin siya at pinaandar ang sasakyan niya pakaliwa. Kung saan nadaanan niya ang inutusan niya na ngayon ay karga-karga na si Jia papasok ng kotse ng mga ito. Walang malay ang dalaga. Well, lahat naman siguro lalo na kung ginamitan ka ng tranquilizer para mahuli lang at makidnap.
"WAAAHHH!" Iyan ang unang lumabas na salita kay Jia. Kakagising palang nito. Una ay nakasobsob ito sa mesa habang nakaupo sa upuan. Tapos mayamaya ay bigla na lang itong bumangon at nag-ala Bruce Lee ang postura at pati ang mukha.
Doon hindi mapigilan ni Sebastre ang matawa at humalakhak. Naka-upo siya ngayon sa harap ng dalaga. Mesa ang nasa pagitan nila na punong-puno ng masasarap na pagkain. Oo, nasa isang restaurant sila ngayon at nasa loob ng isang VIP room na binayaran ni Sebastre para lang makausap ang dalaga ng masinsinan.
Natauhan si Jia at umayos ng tayo. Inagaw din ng mga pagkain ang atensyon niya dahilan para kumalam ang sikmura niya at tumunog ng pagkalakas-lakas. Hindi nga pala siya nag-agahan dahil maaga siyang nag-abang sa palengke.
"Mukhang gutom ka na. Kain ka," alok ni Sebastre na may malawak na ngisi sa mukha. Hindi niya pa kasi nakakalimutan ang itsura ng dalaga kani-kanila.
Kaso iba ang naging kahulugan no'n kay Jia.
"Ayaw. Baka may lason 'yan, e 'di dedo ako ng wala sa oras." Umismid pa ang dalaga at inilayo ang tingin sa pagkain kaso nga lang biglang lumakas ang daloy ng hangin sa aircon at mas nagkumawala ang masarap na amoy ng mga pagkain. Idagdag mo pa ang masarap din nitong itsura.
Naglaway si Jia sabay upo sa inuupuan niya kani-kanina lang noong tulog pa siya.
"Pero naalala ko nga pala, hindi tinatablan ng lason itong tiyan ko kaya bon appetite."
Sebastre can't help but laugh again. Ibang klase talaga. Ibang-iba. Mas lalo pa siyang natawa sa salita nitong 'dedo'. Is there even a word like that? Hindi mapigilan magtanong sa sarili ni Sebastre.
Habang si Jia naman ay nagkibit-balikat lang at hinayaan tumawa ng tumawa ang manong sa harap niya. Mas itinuon niya na lang sa pagkain ang buong atensyon niya.
At nang matapos...
"Ano nga pala ang kailangan mo sa akin?" tanong bigla ni Jia habang nagpupunas-punas pa ng table napkin sa paligid ng bibig niya.
Nakangising napailing na lang si Sebastre. "I just wanna know you better."
Casual lang ang pagkakasabi niya pero si Jia ay nanlaki ang mga mata at biglang napatayo. Taka niyang tinignan ang kausap.
"Pasensya na, Manong Sebastre este Sire Sebastre. Masarap po't lahat ang pagkain na pinakain niyo po sa akin at handa po akong magbayad sa lahat ng 'yon pero hinding-hindi po ako papayag na maging kabit niyo. Takot ko na lang sa palangiti niyong magandang asawa na kahit gano'n ay alam kong ipapa-salvage ako kapag nalaman niyang kabit niyo ako kaya huwag na lang po. Salamat pero pasensya na po," Nagbow pa si Jia sabay labas ng lahat ng perang ninakaw niya.
"No, no. Hindi kita gagawing kabit," agap ni Sebastre na awtomatik na nagpabalik ng mga pera sa bulsa ni Jia at nagpaupo sa kanya. Para bang bell iyon na nagsalba sa pinaguran niya.
"E, di ano po pala, Sire?" Parang wala lang sinabi na mahaba kanina si Jia. Natawa na lang ulit tuloy si Sebastre at si Jia ay hinintay na lang siyang matapos.
"I heard Mr. Calaveras hired you as her child's proxy for the game."
"Ah, oo." Tumango-tango pa si Jia. "Isang bilyon ang hiningi kong kapalit."
Napangisi ulit si Sebastre. "Sa isang tao na isasabak sa gira, hindi normal na ganyan ang reaksyon niya."
Wala kasing nakikitang kaba si Sebastre mula sa dalaga. Kahit ni isang butil lang ay wala.
"Bakit naman ako kakabahan? Gira lang naman iyon."
Napaka-inosente pa talaga ng reaksyon ni Jia. Iyon ang gustong baguhin ni Sebastre bago pa man sumabak sa laro ang dalaga.
"Did you read what's written inside the pamphlet?" Tumango si Jia. "Did you read it well especially about the game?"
"Oo naman. Sabi pa nga ro'n ay matira matibay daw. Hindi naman ako natatakot dahil matitira naman ako dahil matibay ako."
Nahanap na ni Sebastre ang dahilan ng pagiging kalmado nito. Hindi ito binigyan ng mas maliwanag na paliwanag ni Glenn kaya wala siyang kaide-ideya kung ano ang papasukin niya.
"You got it wrong, Miss Jia Zamora. Hindi iyon 'matira matibay lang', imbes ay 'matira ang pinakamatibay' iyon."
Nakuha niya ro'n ang atensyon ni Jia na mangungulangot pa sana. Natigilan ito at ibinaba ang kamay mula sa ilong. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Those young adults you're going to go against? Hindi mo mapapatay gamit lamang ng simpleng tibay. Those kids, including my son? They have experiences. Trained to kill. Programmed to massacre. Ang mga iyon ang isa sa dahilan ng milyon milyon na namamatay sa buong mundo. Idagdag mo pa ang mga bangkay na hindi pa natatagpuan. Ang mga makakalaban mo sa laro na iyon? Hindi mga halimaw lang kundi mga demonyo na ngingitian ka pa habang unti-unti kang pinapahirapan."
Sinabi niya iyon ng buong pagbabanta, pananakot at pagbabala. Kita ni Sebastre na nanginig ang mga kamay ni Jia at iniyukom na lang para maitago. Kita niya ang pagbago ng nasa mga mata ni Jia.
Pero ang nakakagulat, hindi takot ang nakita niyang nangibabaw sa mga mata ng dalaga, imbes ay excitement.
Doon napangisi si Sebastre dahilan para mawala ng parang bula ang mainit na tensyon kani-kanina lang.
"That's the reason why I'm here, Ms. Jia Zamora. Hindi para pagbantaan ka kundi para ihanda ka. Ihanda ka sa laban na sa tingin ko ay magpapabago sa mundo ng mga assassins."
Tsaka may inilabas na isang kahon si Sebastre mula sa ilalim ng mesa. Nang buksan niya iyon ay tumambad kay Jia ang dalawang kutsilyo na kumikinang sa sobrang talim.
*****
BINABASA MO ANG
School of the Fittest (Hiatus)
ActionJia Zamora can be called as the Cat Burglar. A thief, a bad girl and surely, a criminal. Meanwhile, Glea Calaveras, her best friend, is an angel. Glea's very opposite of her but Glea didn't mind having her despite of it. Jia loves Glea like a true s...