Part 1: 3.1

45 12 58
                                    

Part 1: Preamble
Chapter 3.1: Negotiation

HINDI ako dumiretsyo talaga. Mula sa balcony ni Glea ay nagpanggap akong bumaba at umakyat ng puno pero kinalaunan ay bumaba rin ulit at umakyat naman ngayon sa balcony na magiging daan ko papunta sa opisina ni Manong Glenn.

Hindi sarado ang pinto ng opisina kaya pumasok na lang ako tsaka pinihit ito ng pasara. Nadatnan kong nakaupo sa pang-opisina niyang upuan si Manong Glenn habang may binabasa na kung anong papel. Hindi siya umangat ng tingin pero alam kong alam niya na pumasok na ako, na nandito na ako.

"Maupo ka pero don't feel at home. Hindi ko gusto ang postura mong nakataas ang mga paa kapag umuupo sa sala namin."

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Pati ba naman iyon ay napuna niya rin? Sinunod ko pa rin naman ang sinabi niya. Hindi ko itinaas ang paa ko, imbes ay ang mga kamay ko na lang habang komportableng nakaupo sa office chair na nasa harap ng mesa niya. Kaya nagmukha akong may unan sa ulo ko.

"Tsk," rinig kong singhal ni Manong Glenn. Masyado talaga siyang pala puna. Palagi pang namumula dahil sa sobrang galit. Ay, oo nga pala. Allergic nga pala ang isa na ito. Allergic saan? Sa akin siguro.

"Anong pag-uusapan natin tungkol kay Glea?" Sinimulan ko na agad ang usapan. Tagal kasi ni Manong Glenn. Mahilig pa 'yan magpaikot-ikot muna.

"Marunong ka bang magbasa?" bigla niyang tanong, sa boses ay may pagtutuya. Kita niyo na! Hindi lang niya pinaikot muna, nang husga pa. Pwede namang diretsyahin na lang, wala na sanang lait.

Ano kaya ang pakay ng isa na ito?

"Oo, bakit? Magpapaturo ka?"

Hindi kinagat ni Manong Glenn ang pang-aasar ko. Imbes ay may inabot sa aking papel at parang magazine na bagay pero mas maliit nga lang at manipis.

"Ano 'to?" Doon ako napababa ng kamay at kinuha ang inabot niya.

"Basahin mo at kapag tapos ka na, tsaka mo ako tanungin." Ibinalik ulit ni Manong Glenn ang atensyon niya sa binabasa niya. Tumaas ang kilay ko pero bumaba rin at sinunod na lang ang sinabi niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay ibinagsak ko sa mesa niya ang dalawang bagay na ibinigay niya.

"Huhulaan ko. Itong sulat na ito ay hindi na ang original na kopya dahil pinagpunit-punit mo na ang original copy." Puno ng kayabangan ang tono ko.

Tumaas ng tingin si Manong Glenn. "Tama dahil ang orihinal niyan ay nasa basurahan na at nabubulok. Pangalawang sulat iyan na natanggap ko ulit at kasama na ang pamphlet na iyan."

Napatango-tango ako. So pamphlet pala ang tawag sa kalahating magazine, kalahating notebook na ito.

"So anong masasabi mo?"

"Hindi naman ako nagulat na may madilim kang sekrito pero ang pinagtataka ko lang ay kung nadamay ang anghel na si Glea? Wala man lang ba siyang ibang pinsan na pwedeng sumabak?"

"Meron naman," sagot niya.

"Kung gano'n pala e 'di—"

"May tatlo. Dalawa patay na ngayon at isa ay limang buwan buntis," putol niya sa sasabihin ko sanang 'edi sila na lang ang isabak niyo at hayaan niyong mabuhay ng matiwasay si Glea!'

Hindi ako nakaimik agad pero kinalaunan ay nakapagsalita rin. "So wala nang choice kundi si Glea na talaga?"

"Oo at pangalan niya na rin ang nasa imbitasyon kaya wala nang takasan 'yon," para lang wala niyang sabi.

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon