Part 3: 9.3

36 3 33
                                    

Part 3: Tourney
Chapter 9.3: Dark Red

"WHERE did you hide last night? I couldn't find you," iyan ang ibinungad sa akin ni Rogue, pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom.

"Wala ka na ro'n," wala gana kong sagot pero sa loob-loob ay puno ng galak. Si Hainah, si Truss at kahit si Rogue ay hindi alam ang pinagtaguan ko. Well well well, mukhang doon ulit ako magtatago mamaya.

Ngumuso ang Koreano at nagpa-cute pa sa akin. Sarap tuloy siyang batukan. Ano naman ang trip nito? Nakalog ata utak nito kagabi, ah. Irap lang ang isinagot ko rito at tsaka tumuloy na sa pwesto ko sa classroom. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkasalubong ang linya ng mga mata namin ni Truss. Awtomatik ang ngisi ko lalo na nang mapagtanto ko na kanina niya pa pala kami pinapanood.

"What are you grinning at?" mahina lang ang pagkakasabi ni Truss pero nabasa ko ng malinaw sa galaw ng mga labi niya.

Kibit-balikat ang isinagot ko sa kanya pero mas ngumisi ng mas malawak. Dahilan 'yon para mas bumusangot ang lalaki at sinamaan ako ng tingin. Mas lalo tuloy akong natuwa. Ang sarap asarin ng lalaki na 'to, lalo na kapag nasa malayo ka at AM hours.

"Fishy."

Marahas ang paglingon ko kay Rogue dahil sa bigla nitong pagbulong sa mismong tenga ko, ramdam ko nga ang mainit niyang hininga sa balat ko. Kinilabutan ako ng slight. Pagkalingon ko ay muntikan ko nang mahalikan ang bwesit. Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko at pinalapit pa dahil sa paglingon ko. Isang lamok na lang ata ang makakadaan sa pagitan ng mukha naming dalawa.

Napalayo ako ng wala sa oras. "Ta'dong Ryan Bang na 'to. Lumayo ka nga. Nakakatakot pa naman iyang mukha mo sa malapitan."

Sumunod naman siya pero bumusangot na ang mukha at may masama na rin na tingin sa akin. Mukha na tuloy siyang isda na nalulunod dahil sa itsura niya.

"I'm not Ryan Bang and my face is not 'nakakatakot', you fishy girl."

Irap na lang ulit ang tugon ko sabay taboy sa kanya paalis. Mabuti na lang at nagtagumpay naman ako.

Ilang minuto lang at nagsimula na nga ang klase. Kung sa unang araw ay brief history ng laro ang itinalakay at isang Head Facilitator mismo ang nakita sa screen, sa pangalawang araw ay ibang tao pero I bet ay facilitator pa rin ang nagtalakay ng tungkol sa iba't ibang klase ng armas, ngayong araw naman na ito ay ang iba't ibang estilo ng pagpatay ang tinalakay. Astigin din talaga ng eskwelahan na ito. Ibang klase ang sinusunod na curriculum.

Well, oo nga pala. Hindi naman talaga ito eskwelahan at ang discussion kuno sa unahan ay for preparation sa incoming Mr. and Mrs. Fittest. Siguro para kapag nakalabas sila ay siguradong hindi sila kulang sa kaalaman sa mundo nila. Pwede rin makatulong ang discussion para sa every PM hours kaya na rin ay nakikinig ako kahit papaano. Kahapon lang naman talaga ako hindi nakinig dahil sa dalawang babaeng nasa likod ko— speaking of them, ramdam na ramdam ko ang intensidad ng tingin ni Hainah sa likod ko.

Bakit ba kasi hindi ako lumipat ng pwesto? Nakalimutan ko ata. Hays.

Sa pinakaunang pagkakataon ay napaaga ang tapos ng pinapalabas na video sa unahan. Nakakapagtaka man na napaaga ay mas ayos na 'yon kaysa abutin pa ng alas-dose ng tanghali sa classroom.

Sa pinakaunang pagkakataon ay hindi nagmamadali ang mga pladents dahilan para magkumpulan sa corridors ang mga ito. Well, ito ata ang totoong pakay ng facilitator ng maagang pagtatapos ng klase. Para mabuksan naman ang pinto at makita ng iba ang mga nasa ibang assigned classrooms.

Kinuha ko rin ang pagkakataon na 'yon para makilala ang iba pang kalaban. Unang tapak ko palang sa labas ng classroom ay isang tao na agad ang kumuha ng atensyon ko.

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon