Part 3: 7.1

29 5 12
                                    

Part 3: Tourney
Chapter 7.1: Familiar

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising. Ako pa nga ang pinakaunang dumating sa classroom namin. Marami ngang pumuri sa pagiging maaga ko.

How I wish because actually, parte lamang 'yon ng mahabang panaginip ko at ang totoo niyan ay heto ako ngayon at patakbong binabagtas ang daan papunta sa classroom ko kuno.  Mabuti na lang at pinatuloy ko kagabi ang paglilibot pagkatapos kong kumain kahit gabi na. Kaya ngayon ay alam ko na kung saang listahan na nakapaskil sa labas ng bawat room nakalagay ang pangalan ni Glea.

Syempre, pangalan niya ang hahanapin ko dahil hello? Proxy nga raw ako, 'di ba?

Dahil alam kong wala namang totoong teacher talaga sa harap kaya dumiretsyo na ako sa loob at umupo sa kung saang upuan na bakante. Hingal na hingal pa nga ako nang makaupo. Ang layo kaya ng tinakbo ko. Mabuti at on time pa rin akong dumating. Wala namang sinabi sa rules na bawal ang ma-late pero malay niyo, oo. Edi dahil lang pagiging tulog mantika ko ay namatay ako. No-no, I wouldn't take that kind of risk. Pinapangako kong hindi na ito mauulit pa.

"Great! We're classmate." Napairap na lang ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi na ako nagpagod pa na lingunin siya sa likod dahil alam ko naman eh. Alam ko namang si Rogue Josol ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"And we're seatmate."

Kung kay Rogue ay hindi ko nilingon, si Truss ay 'di ko na napigilan pang tignan. Tama nga siya. Magkatabi nga kami! Dahil sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na napansin pa kung sino-sino ang malapit sa akin. Gulat pa nga akong napatingin sa harap nang mapagtanto kong si Dessy pala 'yon.

Ha! Salamat. Napalibutan nila ako.

Ang style kasi ng classroom namin ay parang Japanese at Korean classroom. Kung saan may tig-iisang mesa ang upuan at two seat lang bawat row. Sa column ay tatlo na may limang row. Maraming bakante, syempre pero bakit ba ako napadpad dito sa tabi ni Truss? Sa dami ba naman ng mga upuan na bakante, sa tabi niya talaga ako bumagsak? Kung saan nasa harap ko si Dessy at nasa likod naman si Rogue. Oh, great! What a coincidence.

Tatayo na sana ako para maghanap ng ibang upuan pero hindi na natuloy dahil may bumukas na pakahon na butas sa gitna ng kisame ng classroom. Mula roon ay may bumaba na maliit na projector na naka-attached lang sa tubo na naka-konekta naman sa loob ng pakahon na butas.

Bumukas iyon at umilaw papunta sa whiteboard na nasa harapan naming lahat. Mula roon ay may lumitaw na imahe ng isang tao.

Si Manong Johan Floss!

Hindi katulad kahapon ay may malapad na itong ngiti sa mukha pero hindi 'yong ngiti na matutuwa ka, 'yong klase ng ngiti na mababahala ka. He's wearing a black three piece suit na binagayan ng sinuklay niyang buhok pakanan. Ang formal niyang tignan.

"Magandang umaga, sa inyong lahat. Ngayon ay ang unang opisyal na araw ng larong 'School of the Fittest' at ito rin ang kaarawan ng mahal nating Sebastruss McLain. Atin siyang kantaan," sabi ng Manong Johan na nasa whiteboard pero nawala na lang bigla at napalitan ng mga picture ni Truss.

"Freak heads," usal niya habang pinapanood ang nasa screen at pinapakinggan ang 'Happy Birthday' na kanta.

Naaliw naman ako sa nakikita ko sa unahan. Gusto ko pa sanang tumawa pero pinigilan ko dahil nasa tabi ko si Truss. Mga picture ni Truss sa iba ibang edad. Meron pa ngang batang-bata pa lang siya pero may hawak na siyang baril.

Napasandal tuloy ako sa upuan at palihim na napabulong kay Rogue.

"Bakit may ganyan?" tanong ko na hindi inaalis ang tingin sa unahan. Napalapit din sa akin si Rogue at bumulong pabalik.

"It's the usual ritual and acknowledgement of him being the child of the former Mr. And Mrs. Fittest."

Napa-ahh na lang ako sabay sulyap kay Truss na binalingan naman ako ng masamang tingin. Napabawi tuloy ako ng tingin at bumulong kay Rogue ulit.

"Pero hindi ba't delikado 'yon sa parte niya? Masyado siyang binibigyan ng spotlight."

"That's the disadvantage of being the number 1. The higher you are, the more transparent your life is for others to see."

Meaning, malakas nga si Truss pero kung pagkakaisahan siya ng lahat ay posible siyang matalo at mamatay. Napangiti ako sa ideya na 'yon. Kung patay na si Truss edi bawas na ang papatay sa akin. Mabubuhay na ako sa larong ito. Edi ayos!

Napangisi ako nang dahil sa naisip. Mukhang hanggang salita lang din pala ang mga banta niya sa akin eh. Pero nawala ang ngisi kong iyon nang buong atensyon akong hinarap ni Truss.

"I heard that and I know what you're thinking right now." Then he leaned forward towards me but I didn't flinched in my position. "If you think I will be killed that instantly, then think again. Baka kapag naisip mo ulit ay mapagtanto mo na mas malaki ang posibilidad na mapapatay muna kita bago nila ako mapapatay. Understood, Stray Cat?"

Hindi ako nakaimik. Naghahabol kasi ako sobra ng hininga para makapagsalita pa. Grabe ang intensidad ng tingin niya. Sigurado na kung patalim ang tingin niya ay siguradong sugat sugat na ako ngayon. Gano'n niya ba ako kagustong patayin? Gano'n katindi?

Natigil lang ang titigan naming dalawa nang tumigil na ang kantang 'Happy Birthday' at bumalik ang imahe ni Manong Johan sa unahan.

"So then, let me remind all of you of the History of the School of the Fittest," panimula niya. Ginawa ko iyong palusot para makalayo ng kaunti kay Truss at maialis ang atensyon sa kanya. Kung bakit ba naman kasi sa tabi niya pa ako napadpad eh, bwesit!

"Taong 70's nang mabuo ang School of the Fittest na pinapangunahan nina Glamorous Calaveras, Marcolei Schulz, Ethyl Alferer, Jonathan Floss at Sebastian McLain. Ito ay para maayos ang magulong mundo natin o ang Dark Society na siyang malawak na organisasyon ng mga mayayamang pamilya na may sabit sa mga illegal na gawain. Ang mga sumusunod ay ang iba pang dahilan kung bakit nabuo ang School of the Fittest. Una, ito'y upang maprotektahan ang bawat isa sa mga awtoridad na siyang isa sa malaking kalaban ng organisasyon. Pangalawa, ito'y upang pumili ng mamumuno na siyang nire-respeto at hinahangaan ng lahat. Pangatlo, ito'y upang maanyayaan ang lahat at maengganyo na magpalakas pa lalo. Panghuli, ito'y upang magsilbing ritwal na iaalay sa mga yumaong ninuno ng buong Dark Society."

In short, sakripisyo kami para makamtan nila ang mga pangarap nila. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis lalo na nang maisip ko na kung wala pala ako at hindi ko nakilala si Glea ay siya ang sasabak sa larong ito at haharap sa mga patakaran at pamantayan nilang para lamang sa malalakas. Kung wala pala ako, paano si Glea mabubuhay sa lugar na 'to na puno ng mga demonyo?

Marami pang sinabi si Manong Floss tungkol sa pinagmulan ng School of the Fittest. Ang mga pinagdaanan nito. Mga iba pang patakaran noon na hindi na rin naman nai-apply ngayon. Kung sino-sino ang magbe-benefit kapag nanalo kami rito at marami pang iba. Kasali na rin ang mga listahan ng mga nanalo at muntikan nang manalo. Sa tingin ko ay hindi na rin naman importante ang mga bagay na sinabi niya lalo na sa katulad kong saling pusa lang sa laro na ito. Sapat na ang impormasyong naibigay ng pamphlet para maintindihan ko ang lahat.

Doon umikot ang buong oras namin sa loob ng classroom na 'yon. Na-bored na nga siguro ang iba dahil may nakasobsob na sa mesa at natulog. Hindi naman sila napagalitan o ano, mukhang hindi iyon bawal. Gustuhin ko mang gumaya ay mas pinili ko na lang makinig sa unahan at sa mga impormasyon nitong ibinibigay.

At para ba'y unti-unti ay nagiging familiar ang boses ni Manong Johan. Na para bang narinig ko 'yon, noon. Kaboses lang siguro, ano?

"Something's off," biglang bulong sa akin ni Rogue sa mismong tenga ko mismo. Babatukan ko sana dahil ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko pero hindi ko na nagawa dahil dinugtungan niya na ang sinabi niya. "They didn't tackle about the Facilitators. Are they hiding something?"

Inirapan ko na lang ang lalaki. Gusto ko sanang sagutin ng "Aba malay ko dyan, baguhan kaya ako dito" pero sinarili ko na lang lalo pa't ayan na naman ang matalim na mga tingin ni Truss na animo'y leon na mangangain na lang bigla.

Problema nito?

*****

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon