Part 2: Advent
Chapter 6.1: Rules and RegulationsANG sunod na nagsalita sa unahan ay ang Instructor ng mga guidelines. Doon nakinig ng maigi ang lahat. Walang kahit anong bulungan at ingay sa paligid. Hangin lang ang maririnig sa buong paligid bukod sa nagsasalita sa microphone. Tensyon ay ramdam ng bawat isa.
Binasa ulit ng Instructor ang laman ng pamphlet. Tagalog, oo kaya kung sino man ang 'di tumupad sa kautusan na dapat marunong ng Tagalog ang lahat ay siguradong nasa disadvantage sa mangyayaring laro.
Ang sunod na sinabi ay siyang ikinahihintay ng lahat. Ang rules and regulations ng St. Valentine ngayong taon.
"Ito ang mga dapat sundin ng lahat kapag nasa loob na ng St. Valentine Academy," simula ng Instructor.
Ang laro ay nahahati sa dalawang parte. Ang AM hours at PM hours. Ang AM hours ay ang alas-dose ng madaling araw hanggang sa alas-onse ng tanghali. PM hours naman ang simula sa tanghali hanggang hating-gabi.
Ang AM hours ay ang tinatawag na normal na mga oras. Normal dahil kapag sumapit ang madaling araw ay pwede kang makatulog ng walang kahit anong disturbo. Kapag pagkagising mo ay pwede kang makakain sa canteen ng maayos. Kung baga, AM hours ang pahinga ng mga manlalaro/estudyante o maari ding matawag na 'pladents', sa laro. Ngunit may isa lamang silang dapat gawin. Iyon ay ang pumasok na pawang mga normal na estudyante pagsapit ng alas-syete sa mga assigned classrooms nila. Ito ay hindi lamang nagsisilbing attendance ng lahat, kundi isa ring show room ng lahat, kung sino-sino pa ba ang natitira na pwedeng kalabanin. May magtuturo sa unahan na pawa bang normal na guro pero through screen viewing lang. At kung ano ang ituturo? It's for the pladents to find out.
Matatapos ang pasok ng mga alas-onse ng umaga at pwede nang maghanda ang lahat ng pladents para sa darating na 12 o'clock ng hapon.
Alas-dose ng hapon. Sa saktong pagpatak ng oras na 'yon ay may bell na tutunog, sinyales na nagsimula at oras na para sa totoong pakay ng mga pladents. Ang patayan.
Sa mga oras na ito ay pwede nang ilabas ang lahat ng armas. Pwede nang gumawa ng gulo na bawal sa AM hours. Pwede nang gumawa ng krimen, ano pa mang klase. Ang madugong labanan ay mangyayari sa mga oras na ito. Matatapos ang madilim na mga oras na ito sa pagpatak ng 12 o'clock AM.
Ulit, may tutunog na bell banta na tapos na ang oras na nakalaan sa patayan. Awtomatiko ang pagtatapos ng lahat. Kahit nasa gitna ka pa ng laban. Kahit sasaksakin na lang sana ang kalaban pero kapag tumunog na ang bell ay wala nang ibang magagawa kundi ang huminto sa ayaw o sa gusto man ng pladent.
Ang hindi sumunod sa patakaran ng oras ay disqualified at alam na ang pwedeng mangyari pagkatapos. Paulit-ulit lamang mangyayari ang AM hours at PM hours na ito hanggang sa may manalo na.
Inulit pa ng Instructor ang lahat ng sinabi niya at pinasimple pa para maintindihan ng lahat.
"Sa madaling salita, kapag oras ng AM hours ay ang pahinga at ang pag-iisip ng strategies, dito rin makikita kung disiplinado nga ba ang pladents at hindi pawang mga lagok lamang sa dugo. Kapag PM hours naman ay oras niyo na para ilabas ang tinatago niyong abilidad sa pagpatay."
Pagkarinig no'n ni Jia ay 'di niya napigilang mapairap. Iniisip niya na ang rami naman alam. Kung patayan na lang agad para malupet agad. Sa tingin niya rin ay walang kwenta ang mga tinutukoy nilang pamantayan dahil sa tingin niya ay hindi naman iyon masusunod kapag nasa loob na ng lahat ng eskwelahan.
Kaso lahat ng iyon ay nawala ng parang bula sa isip ni Jia nang makuha ang atensyon ng lahat ng isang lalaking tumatawa ng sobrang lakas. Kahit ang mga matataas na opisyal na nasa gilid ng entablado ay napatingin sa lalaki.
"That's absurd! Why don't we all start the fun this instant and stop the funny rules and regulations you were talking about?" Tapos tumawa na naman ang lalaki pero alingawngaw niya lang ang narinig sa buong paligid. Tahimik ang lahat bukod sa hangin at ang lalaki. Pare-parehong pinapanood at pinapakinggan ang tawa nito habang ang lalaki naman ay clueless lang sa paligid niya at patuloy pa rin tumawa na animo'y wala nang bukas.
Tapos bigla na lang naputol ang umaalingawngaw na tawa. Hindi dahil bigla siyang nahiya kundi dahil sa balang tumama sa mismong noo nito. Tsaka bumagsak sa lupa habang dilat na dilat ang mga mata.
Lahat ay napatingin sa paligid para hanapin kung nasaan ang sniper pero wala. Walang makita na sino man na may hawak na armas. Para ba'y nahulog na lang ang bala mula sa langit at bumagsak mismo sa noo ng lalaki.
"Ganyan ang mangyayari sa lahat ng hindi sumeryoso sa mga utos namin. Para malinawan ang lahat, hindi ginawa ang gano'ng patakaran para dumagdag lamang sa dekorasyon sa laro. Ito ay isang pagsasanay at pagtutuklas kung meron nga bang disiplina ang lahat sapagkat para sa amin, mahina ang taong hindi nag-iisip at hindi disiplinado. Samakatuwid, ang mahina ay hinding-hindi karapat-dapat manalo sa larong ito." Tumingin sa buong paligid ang Instructor. "At kung may plano man kayong gumawa ng kalokohan sa loob ng laro na siyang hindi umaayon sa patakaran at pamantayan namin ay huwag niyo nang ituloy. Sapagkat, nasa paligid niyo lang ang mga Executor na handang-handang tapusin ang buhay niyo kapag hindi kayo sumunod. Remember, we are not looking for the greatest killer but we are looking for the strongest assassin that will lead the next generation of this Dark Society."
Iyon lang at tumalikod na ang Instructor. Iniwan nitong sabik na sabik, kating-kati, takot na takot, kabadong kabado at tulala ang lahat ng kabataan na nando'n.
Habang si Jia naman ay napalunok. Strongest assassin, huh? And Executors? Sounds like something legendaries. Mukhang tama nga si Manong Sebastre sa sinabi nito. Hindi simpleng matira matibay ang laro kundi matira ang pinakamatibay. Sabi ng isip ni Jia.
Marami pang nagsalita sa unahan at sa lahat ng iyon ay matamlay na nakinig si Jia. Kaso ang pinakahuli ang nagpatindig ng maayos sa kanya.
"Give a round of applause for Sebastruss McLain, the number one candidate for Mr. Fittest." Nagpalakpakan at may nag-ingay pa nga habang si Truss ay lumakalad pataas sa entablado. Dumiretsyo ito sa gitna at tumapat sa microphone. Mula sa malaking screen sa itaas ay malinaw na malinaw na nakikita ni Jia ang mukhang maawtoridad ni Truss sa unahan.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nanahimik ang lahat at naghintay ng sasabihin ni Truss. Subalit minuto na ang lumipas pero wala pa rin itong sinasabi. Nakatingin lang ito sa mga tao na para ba'y nag-iisa isa ng mga mukha.
Napataas tuloy ang kilay ni Jia at napatanong sa sarili kung ano naman kaya ang trip ng isang 'to? May plano ba itong tumayo na lang dyan magdamag? Parang tanga. Isip niya. Iirap pa sana si Jia kaso natigil iyon nang magdugtong ang linya ng paningin nilang dalawa. Naestatwa agad si Jia. Parang huminto ang pagtibok ng puso niya nang biglang ngumisi si Truss sa kanya. Parang huminto ang oras at parang naiwan silang dalawa na mag-isa sa lugar na 'yon. Doon nagsalita si Truss.
"Hey, Stray Cat. Remember what I told you? Welcome to my world, baby," he said using a seductive and husky voice that sent shivers to Jia's whole body.
Iyon lang at tumalikod na si Truss pero may ngisi pa rin sa mukha habang si Jia naman ay naiwang tulala at hindi makapaniwala. Ayan tuloy, hindi niya napansin ang mapagmantiyag na tingin ni Rogue Josol sa tabi niya.
*****
A/N: Lokong Truss, 'di ba? Ang lakas magpakilig. 😄
Anyways, thanks for reading and please don't forget to vote and comment. 😉
BINABASA MO ANG
School of the Fittest (Hiatus)
AksiJia Zamora can be called as the Cat Burglar. A thief, a bad girl and surely, a criminal. Meanwhile, Glea Calaveras, her best friend, is an angel. Glea's very opposite of her but Glea didn't mind having her despite of it. Jia loves Glea like a true s...