Part 2: 6.4

33 5 13
                                    

Part 2: Advent
Chapter 6.4: Steal

NAGMADALING pumunta si Jia sa Girl's dorm. Gusto niyang makasigurado na tama nga ang sinabi ng babaeng nakausap niya. Na kung totoo ngang lahat ay meron ng tatlong card na magsisilbing susi para makakuha ng pagkain.

May sampung palapag ang building ng dorm at sampung kwarto sa bawat palapag bukod sa first floor. Syempre, iba ay bakante dahil sobra naman 'yon para sa kanila. Nasa fifth floor ang kwarto niya at pang-siyam mula sa kaliwa at pangalawa mula sa kanan. Paano niya namalaman iyon? Sa first floor ay may listahan ng mga pangalan ng pladents at ang mga numero ng kwarto na kanilang tutuluyan.

Hindi katulad ng isolated na Faculty Building ay matao sa Girl's dorm. Rinig mo ang ingay sa bawat corridor at rinig mo ang mga yapak ng mga paa sa hagdan o elevator. May dumadaan din na parito't paroon. Kaya nasagot na ang katanungan sa isip ni Jia. Sa dorm pala dumiretsyo ang karamihan sa pladents.

Nang mahanap na ni Jia ang kwarto niya at natapat na rito ay natigilan siya bigla. Dahil sa katapat niyang kwarto ay nakatayo si Dessy na animo'y sasaraduhin pa lang ang kwarto niya. Natigilan din ito nang mapansin siya.

"Tss," ngunit 'yan lamang ang naging tugon nito at tsaka tumalikod na at iniwan siya.

Hindi naman halata na ayaw niya sa akin, ano? Nasabi na lang ni Jia sa isip niya. Hindi niya na lang dinibdib iyon at pumasok na sa kwarto niya.

Ayos naman ang kwarto. Hindi man mala-hotel ay hindi rin naman sobrang liit. Tama lang sa katulad niyang matutulog lang naman sa kwartong ito at hindi magmamala-syosyal.

Nakalatag sa malambot na kama niya ang maleta na dala-dala niya. Sa itsura nito ay mukhang wala namang gumalaw kahit pa walang susi o lock ang pinto ng bawat kwarto sa dorm. Mukhang seneryoso nga ng mga pladents na sumunod sa patakaran ng laro. Na kapag AM hours ay mga anghel ang mga ito habang sa PM hours ay tsaka na pwedeng pakawalan ang mga inaalagaan nitong mga demonyo sa loob nila.

Hinalungkat ni Jia ang gamit niya. Hindi man familiar sa ibang bagay dahil hindi naman sa kanya 'yon, pinadala lang ng Manong Glenn niya ay magulo niya iyon ikinalat sa kama niya para mahanap ang hinahanap niya.

Nahanap niya nga. Tatlong card na itim, tulad no'ng sa babae at isang one page pamphlet na may instruction patungkol sa mga card. Ngunit kapalit ng mga iyon ay ang letter at pamphlet niya. Hindi niya na iyon makita pa kahit saan pero ayos lang. Napunit niya na rin naman ang pinakaimportanteng bahagi ro'n.

Mula sa one page pamphlet ay nalaman niyang tama rin naman ang sinabi sa kanya ng babae. Isang beses lang 'yon pwedeng magamit at kapag nagamit niya na ang tatlo, ay diskarte na lang kung paano makakakuha ulit ng bago. Ang card ay may numero na naka-engrave at kapares no'n ay ang naka-engrave rin na numero sa pinto ng Neutral. Ibig sabihin, hahanapin mo pa kung nasaan ang numero na nakalagay sa card mo bago ka makakakain. The good thing is arranged naman ang pagkakalagay ng numero sa mga Neutral at madali mo rin naman mahahanap kung magbibilang ka. At kung nagbabalak kang sirain na lang ito para mabuksan, 'yon ang huwag na huwag mong gagawin kung ayaw mong sumabog kasama ng pagkain mo. Tsaka matibay rin naman ang metal ng Neutral at hindi ito basta matitinag kahit sumabog pa ang katabi nitong Neutral. Gano'n kalupet ang mukhang locker lang na 'yon.

Nalaman niya rin na Neutral ang pangalan ng mala-locker slash mala-ref na 'yon dahil paheras nagpapalamig at umiinit ito ng pagkain. When it is still close, the Neutral is like a refrigerator. It freezes the food so that it will stay as it is when it was first stored and when the card was swiped on the detector screen, the Neutral will automatically stop freezing the food. From there, the Neutral will became an oven. In one minute, it will heat the food so that it will be edible for the pladents. At katulad ng nangyari sa Neutral na binuksan ng babae kanina sa Canteen, awtomatik na mag-ooff ang Neutral kapag wala nang laman.

Sinabi rin sa one page pamphlet na iyon na isang bagong imbensyon ang Neutral na ngayon pa lamang gagamitin sa loob ng laro. Na kaya pala walang sinabi si Manong Sebastre ay dahil hindi niya rin alam na may gano'n na mangyayari sa laro. Napaisip tuloy si Jia.

Kung dati ay wala pang Neutral, e paano noon kumukuha ng pagkain sina Manong Sebastre niya? Anong klaseng School of the Fittest ang nangyari twenty years ago?

Naalala tuloy ni Jia ang itsura ng Canteen. Isang palapag lamang ito at malawak din naman. Pero kung totoo ngang may tig-tatlo lang na cards ang meron ang isang pladents, chances are when PM hours strikes, there will be a war. Dahil hindi lang buhay ang makukuha mo kapag pumatay ka, kasali na rin ang cards na meron ang kalaban mo. The more you kill, the more food you'll get, the more you'll last long in the game.

Ngunit may ibang paraan si Jia kung paano makakakuha ng maraming cards.

Iyon ay ang magnakaw.

Expert siya ro'n at hindi niya akalaing magagamit niya rin 'yon dito. Tadhana nga naman, bakit ang bait-bait mo?

However, the question is… how can she steal when if it's AM hours any crime is prohibited? Makakanakaw ba siya kapag PM hours na nang 'di nasasabak sa laban? She doubt it.

Tumayo si Jia mula sa pagkakaupo sa kama niya at lumakad palapit sa nag-iisang bintana ng kwarto niya. View ng Canteen ang nakita niya at ang mga pumapasok at lumalabas mula roon. Inilibot niya rin ang tingin sa ibang building at hinanap ang mga camera na tinutukoy ng facilitator na nasa paligid lang. Wala siyang matanaw na kahit ano, mukhang maliit lang ito at hindi mo talaga mahahalataan.

Hindi mahahalataan. The word echoed in Jia's head.

Ang isang krimen ay minsan ay nauuwi sa unsolved cases dahil naging maingat ang kriminal. Hindi siya nahalata. Hindi siya napagbintangan. Hindi siya nakuha sa camera. Nagmala-invisible ang galaw niya sa nangyaring krimen.

Iniisip ni Jia kung magagawa niya rin kaya iyon sa pagnanakaw? Makakapagnakaw rin kaya siya na hindi makukuha sa camera at mahahalata ng ibang tao?

Jia beamed widely when she realized something...

Mukhang pati pala sa kakayahan ko sa pagnanakaw ay masusubukan dito.

*****

A/N: Shout out ko lang si Densetsu!

Hey, Belated Happy Valentine's Day😅 😂 TY sa libre, sa susunod ulit.

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon