Part 4: Somersault
Chapter 13.3: OthersTUWANG tuwa sina Careen at Dailey nang marinig nila sa earbuds na nakabuo ng tatlong hugis si Natty mula sa mga patay na civilian sa Open Field. Idagdag mo pa ang ibang broken shapes na pwede pa nilang hanapan ng kapares.
Si Natty kasi ang bumaba para kunin o more like, balatan ang mga napatay nilang civilian sa Open Field. Habang nakabantay naman sila ni Dailey kung sakaling may aatake sa kaibigan sa baba. Maganda na nga ang teamwork na meron sila ni Natty pero mas gumanda pa nang dumating si Dailey. May addition skill kasi, addition force at binigyan din sila ng malaking assurance na baka nga, manalo na sila sa laro.
"Okay, Nat. You should go back now before you encounter a strong pladent," sabi ni Careen sa tawag.
"Okay," sagot sa kabilang linya.
Dahil nakita nilang wala na sa Open Field si Natty ay tumayo na si Careen at Dailey. Supposed to be tapos na sila pero si Dailey ay pumwesto sa kabilang banda, paharap sa Canteen.
"I just don't understand. Why did we stopped when that epic battle happened?" Napabaling si Careen kay Dailey dahil sa tanong nito. "While they are busy fighting, why didn't we shoot them? It's a big chance, you see. We might actually kill that Dessy Schulz you were referring to."
Napailing na lang si Careen. Kahit kailan talaga itong mentor nila, basta manalo, kayang kalimutan ang dignidad. Hindi niya sinasabing pandaraya ang sumabay umatake habang may kalaban si Dessy. Tama nga naman ito. Malaking oportunidad 'yon kanina pero pinalampas niya lang nang pinigilan niya si Dailey at inaya itong manood na muna. Totoo nga, sayang ang pagkakataong 'yon. Pero mas sayang kung hindi niya mapapanood at malalaman kung sino ang babaeng nakalaban ni Dessy.
"I already told you. We need to see the capability of that girl. She have the guts to fight Dessy one on one while protecting another girl. That's rare, you know. Even though we let Dessy go, it's okay because we obtain another information. We just found another strong opponent."
"Strong opponent that you'll avoid?"
Napangisi si Careen at umiling. "Nope, strong opponent that we'll be aware of, not avoid."
"Are you always this chicken, Careen? Where's the gutsy student of mine? I don't remember teaching you how to be afraid."
"Dail, this game is not about being brave. Being realistic will help us win, rather than being careless and reckless."
Hindi siya sinagot ni Dailey. Dahilan para malawak na katahimikan ang namayani sa kanila. Sa parteng ito ang hindi niya gusto kay Dailey. Masyado itong atat sa aksyon. Masyadong risky ang mga galaw. Sa katulad nila ni Natty na alam ang estado nila sa combat, totoo ngang magkakaiba ang pananaw nila. Totoo ngang baka para rito ay masyado na siyang maingat. Pero hindi naman ibig sabihin na maingat ka, duwag ka na. May mga sitwasyon kasi na dapat munang pag-isipan. She's not a chicken, more like a careful hidden scorpion under a mountain of sand.
"Dail...," sinubukan niyang basagin ang katahimikan pero pinutol na siya nito.
"Enough talk, Reen. How about we kill those four right there and we'll see if you are correct?"
Tinignan din ni Careen ang tinutukoy ni Dailey at nanigas siya nang makilala ang tinutukoy ng mentor niya. Si Truss! Kasama niya rin ang babae kanina at ang babaeng pinoprotektahan nito. May kasama ring bata. Tumatakbo sila papunta ata Fire Exit gymnasium. They are in disadvantage!
Pumwesto na rin si Careen. Minadali ang pag-ayos sa armas at kinalma ang paghinga. Wala na siyang oras pero hindi niya naiwasang magtanong sa sarili kung bakit magkasama ang babae at si Truss. Nasa alliance ba sila tulad nila ni Natty? Ibig bang sabihin nito na hindi talaga ordinaryong babae lang ang naghamon kay Dessy kanina? Malakas ba ang loob nito kanina dahil kakampi niya si Sebastruss McLain? Pwedeng oo, pwedeng hindi.
BINABASA MO ANG
School of the Fittest (Hiatus)
AkcjaJia Zamora can be called as the Cat Burglar. A thief, a bad girl and surely, a criminal. Meanwhile, Glea Calaveras, her best friend, is an angel. Glea's very opposite of her but Glea didn't mind having her despite of it. Jia loves Glea like a true s...