Part 3: Tourney
Chapter 7.5: Connected'I'LL bet my life, he is looking for you'. Well, siguradong panalo sa pustahang ito si Rogue. Totoo ngang si Jia ang hinahanap ni Truss at mas totoo nga na ang gusto niyang si Jia muna ang mapatay niya bago ang iba. Syempre, paglalaruan at papahirapan niya muna ang babae ng mga ilang oras tapos tsaka tatadtadrin ng bala ang buong bahagi ng katawan nito kapag na-bored na siya. Kaso nga lang, paano niya magagawa ang plano niya kung hindi niya mahanap-hanap kung nasaan ang babae?
Kitang-kita sa surveillance cameras kung paano nilibot ni Truss ang buong eskwelahan para mahanap lang si Jia. Sa mga kwarto, classrooms, gymnasium, sa Mini Forest, Open Field at rooftops. Ilang beses din siyang bumalik sa ilang lugar. Ngayon ay nasa rooftop na siya ulit kung saan huli niyang nakita si Jia. Kitang-kita kung paano at gaano na-frustrate ang isang Sebastruss McLain. Busangot siyang nakasandal sa railings at pinagmamasdan ang buong paligid.
"I think your son was hit by a cupid's arrow," bulong ni Reina McLain sa asawa niya habang pinapanood ang nangyayari sa School of the Fittest sa flat screen TV nila. Nasa isang loveseat sila ng asawa niya sa loob ng tinitirhan nila pansamantala sa Pilipinas. May popcorn sa kanan na side table at wine sa kabila naman. Animo'y nasa sinehan silang mag-asawa.
Kanina pa kasi na fi-feature si Truss dahil sa wala pa nga itong napapatay na siyang nakakapagtaka sa katulad nitong anak mismo ng former Mr. And Mrs. Fittest. Siguro, itinoon sa rito ang camera para abangan kung papatay nga ba ito ngayong gabi o maghihintay na lang ito pagpatak ng alas dose ng gabi, since malapit na rin naman.
"Sa tingin ko rin, love," sabi ni Sebastre pabalik. "At parang gusto ko kung sino ang ipinareha sa kanya ni kupido. Cheer?" Itinaas niya ang hawak niyang baso ng wine na tinanggap naman ng asawa niya.
Hinalikan ni Reina sa labi si Sebastre na buong puso naman nitong tinanggap. "Cheer, love."
Pero teka lang, sa screen ay parang may kumuha ng atensyon ni Truss. Ilang minuto niya itong pinagmasdan. Mariin na tinignan. At nang lumingon, awtomatiko ang ngising naglaro sa mga labi ni Truss.
"Found her," sabi niya sa sarili. Tsaka sumipot na papunta sa kanina niya pa hinahanap.
Mukha na siyang leon na nakahanap ng lalapain. Ang ngisi niya sa mukha ay parang baliw na may masamang gagawin. Huwag kang mag-alala, gwapo pa rin naman siya sa itsura niya. Sa suot niyang pang-modern day vampire. Black coat, grey t-shirt, and black pants. Ang pagtakbo niya ay mabigat pero mabilis, sinasabayan ang pagdaloy ng hangin sa ere.
Mabilis niyang natakbo ang distansya papunta sa stage sa Open Field. Hindi niya alintana ang mga bangkay na nadadaanan. Nang maabot ang stage ay kumanan siya at dumiretsyo sa hagdan ng stage na nasa gilid pero hindi roon ang naging daan niya papunta sa kinaroroonan nina Jia. Imbesy ay ginamit niya lang ang tubong hawakan ng hagdan para gawing unang tapakan, sunod ay tumalon papunta sa kanan at ginawang ika-dalawang baitang ang tubo ng flagpole at huli ay inabot ang pader na nasa bubong ng stage tsaka dinuyan ang sarili paangat dahilan para lumipad siya at tamang-tamang bumagsak sa harap nina Jia na akmang tatakas na sana ngayon.
But too bad, he outrun them, kahit si Rogue na sobrang bilis.
Nagmistulang usa ang dalawa na nakorner ng isang mabangis na leon. Parehong nagulat at hindi makapaniwalang gano'n gano'n lang ay lumitaw siya sa harap ng dalawa.
Mabilis man si Rogue ay hindi ito nakapalag nang saktong pagbagsak ni Truss ay sinabayan niya rin ng tutok ng baril sa dalawa. Twin pistol ang hawak ni Truss sa magkabilang kamay. Isa lamang 'yon sa dala niyang pares ng baril sa bagahe niya. May isa pang magkapares sa ilalim ng coat niya pero ito munang nailabas niya ang gagamitin niya.
BINABASA MO ANG
School of the Fittest (Hiatus)
ActionJia Zamora can be called as the Cat Burglar. A thief, a bad girl and surely, a criminal. Meanwhile, Glea Calaveras, her best friend, is an angel. Glea's very opposite of her but Glea didn't mind having her despite of it. Jia loves Glea like a true s...