Part 3: 8.1

31 4 7
                                    

Part 3: Tourney
Chapter 8.1: Concern

PAREHO kami ng itsura ni Truss. Mukha kaming bata na unang beses na nakalasa ng panis na pagkain kaya parehong nahihilo at punong-puno ng pagsisisi.

Segundo pagkatapos naming magising sa kahibangang 'yon ay napatalon palayo si Truss mula sa akin na animo'y napaso. Una ay litong-lito ang itsura ni niya pero mayamaya ay bumalik na ito sa normal niyang ekspresyon sa mukha, kunot ang noo at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"W-What the heck have you've done?!" sigaw niya na akala mo ba ay nakagawa ako ng pinakamalalang kasalanan sa mundo.

"S-Secret weapon?" Pati ako ay hindi na rin sigurado sa sinagot ko.

Bakit ang sarap naman ng secret weapon na 'yon— wait, what?! Erase, erase, erase. Hindi 'yon masarap! Hindi naman 'yon pagkain para maging masarap, e! Tama! Tama, pagkain lang ang masarap at wala nang iba.

"S-Secret weapon?! May ganyan bang secret weapon?! I thought such weapons can only be use by beautiful assassin, not a lady like you!"

Hindi ako nakaimik saglit. Shemay, masakit kaya 'yon! Hindi raw ako maganda?!

"Edi birthday gift na lang! Kung ayaw mong tawaging secret weapon edi birthday kiss na lang! Happy birthday, ta'do ka!"

Tapos humakbang na ako paalis pero natigilan din dahil nagsalita na naman siya.

"And where do you think you're going? Hindi pa tayo tapos, Stray Cat!"

Inis ko siyang nilingon. "Oh, bakit? Nakulangan ka? Akala ko ba hindi ako maganda?"

"W-What the hell are you talking about?! Papatayin pa kita kaya you come back here!"

Nalasing ko nga ata talaga ang ta'do na 'to. Hindi niya na narinig 'yong kampanang tumunog kani-kanina lang dahil sa labi kong malupet. Tsaka ano ako hilo? Bakit naman ako lalapit sa kanya kung papatayin niya pala ako?!

"Sa susunod namang PM hours, AM hours na eh," walang emosyon kong sabi tsaka tuluyan nang umalis. Siguro napagtanto niya rin ang ibig kong sabihin kaya hindi ko na siya narinig na nagsalita pa.

Pagkababa ko mula sa itaas ng stage, una ang lakad ko ay normal lang at mabagal pero kinalaunan ay bumilis at halos patakbo na. Ilang beses ko rin binatukan at sinapak-sapak ang sarili ko. Lalo na kapag naalala ko at bumabalik ang pakiramdam ng mga labi ni Truss sa mga labi ko.

Secret weapon pala, ah, Jia? Well, tignan mo kung ano ang nangyari. Shet naman kasing mga labi ni Truss. Paang stun gun, nangunguryente. Lahat ata ng katalinuhan sa utak ko ay nakuryente ng mga labi niya.

Shet talaga! Tanga! Bobo! Ta'do! Wengya! At kung ano-ano pa mang pwedeng i-singhal.

Hindi naman 'yon ang unang beses na nahalikan ako. Kita niyo nga, 'di ba? Expert na nga at ginawa pang secret weapon pero ang shemay! Kay Truss lang ako nadala ng gano'n. At talagang sa Asong Gala pa na 'yon?

Imbes na isipin pa at hayaang magbalik-balik ang katangahang nagawa ko sa kani-kanina lang ay iginala ko na lang ang tingin ko sa paligid.

May mga ilang bangkay sa paligid at pansin ko rin na ang iba ro'n ay binubuhat ng mga natirang pladents papunta sa Mini Forest. Kalat ang mantsya ng dugo at mga naiwang mga armas. May magandang klase ng baril pa nga sana kaso mas gusto ko na ang kutsilyong nasa akin.

"They're putting all the bodies in the Mini Forest. I bet they believe that the corpses will smell less if they are in a nature's care," sabi ni Rogue na bigla na lang lumitaw sa gilid ko.

Hindi ako umimik.

Kapal din pala talaga ng mukha ng isa na 'to, ano? Pagkatapos akong iwan na lang ng gano'n gano'n na lang kay Truss ay andito siya at makikipag-usap na animo'y wala lang nangyari?

Aba, malupet.

"Hey, don't look at me like that. You know I can't save you from Truss. That's one is a killing machine," he said in a matter-of-fact tone.

Inirapan ko ang Koreano pero sa loob loob ko ay napagtanto ko rin na, oo nga pala. Hindi ibig sabihin na kinakausap niya ako at walang laban na nangyayari sa pagitan naming dalawa ay magkakampi na kami kung saan handa nang ilagay sa alangin ang  buhay ng bawat isa. We are still that strangers that are just coincidentally on the same side.

Napabuntong-hininga ba lang ako. Tsaka nagsalita.

"So lahat ba ng mga bangkay ay plano nilang ilagay sa Mini Forest? Sa tingin nila ay hindi ang mga 'yan mangangamoy?"

"Maybe or maybe not, I don't know. But one thing is true, the number one candidate in the Mr. Fittest throne didn't kill someone tonight. I wonder if he still has a card or will he starve today?"

Napahinto ako sa sinabi niya. Mayamaya ay hindi ko napigilan na napalingon pabalik sa stage sa Open Field.

Oo nga, no? Wala siyang napatay ngayon kaya siguradong wala rin siyang nakuha na cards. May kakainin pa kaya siya mamayang agahan? Kakayanin niya rin kaya na wala rin makain sa tanghalian. At ang pinakamalupet na tanong, may lakas pa kaya siya kapag dumating na naman ang bagong PM hours?

"Are you two in a relationship or something?"

Napabalik ang diwa ko nang magsalita ulit si Rogue. Tinignan ko siya ng masama.

"In a relationship pero gusto akong patayin? Meron ba namang gano'ng relationship?"

"Yeah, yours," walang alinlangan niyang sagot. Napairap na lang tuloy ako ulit.

"Bakit mo naman 'yan naisip? Nababaliw ka na ba? Ako sa Truss na 'yon, papatol? Hindi pa ako hibang, Tol!"

Although, hibang ata ako ng kaunti dahil nagpadala ako sa halik ng kumag na 'yon. Pero slight lang, pwede pa 'yon mawala, tamang layo-layo lang ang kailangan.

"Because you look concern, especially when I said that McLain didn't get any cards today,"

Napatingin ako ng diretsyo kay Rogue at nakita ko sa mukha niya na hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Concern? Kay Truss?

"Imposible. Pagod lang siguro 'yan kaya kung ano-ano na ang nakikita mo. Ipahinga mo na lang. Sige, mauna na ako," tuloy tuloy na sabi ko sabay lakad na paalis at iniwan ng mag-isa si Rogue pero kahit nakalayo na ako ay ramdam ko pa rin ang pagmamasid nito sa akin. Hindi ko na lang pinansin.

Dumiretsyo ako sa Girl's Dorm. Sa corridor ay may nakasalubong ako na ilang babae na nagrereklamo na minasaker daw ang kwarto nila at may narinig din ako na lilipat na lang daw sila sa ibang kwarto na malinis at maayos.

Hindi ko na 'yon lahat pinansin at tinahak na lang ang dahan papunta sa kwarto ko. Nakasabay at nasa unahan ko pa nga si Dessy na may dalang dalawang katana sa kamay. Kahit may kaluban ay may tumutulo pa rin na pulang likido sa dulo n'on. Nagkalat nga sa corridor pero hindi ko na lang rin pinansin.

Sa kwarto ko, makalat kaunti pero ayos lang. Sino ba naman ako para magreklamo e sa ekwater nga ako nakatira bago ako pumunta dito, 'di ba?

Ininagsak ko ang sarili ko sa kama at pumikit ng mga mata. Wala nang palit-palit ng damit since hindi rin naman ako namantsyahan ng dugo o ano. Natulog at nagtago lang naman ako buong PM hours bago ako natagpuan ni Truss at…

Nagflash bigla sa isip ko ang mukha ni Truss na sobrang lapit sa mukha ko.

Napadilat tuloy ako ng mga mata wala sa oras. Sabay sapo ng dalawa kong kamay sa mukha ko at pinanggigilan 'yon. 

Ugh! Mukhang hindi ako papatulugin ng bwesit na 'yon.

*****
A/N: Asong gala, ta'do, kumag at bwesit... Ahaha, ano-ano pa kaya ang tawag ni Jia kay Truss?

#TeamJiruss

Credits to Densetsu para sa kumag word. Ahaha, ano masaya ka na? 😂😂😂

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon