Part 3: 11.3

25 3 4
                                    

A/N: I-update ko na habang kumunti 'yong mga modules.

Part 3: Tourney
Chapter 11.3: Turning Point

"SO ano tayo rito, naglolokohan? Kung gano'n naman pala, bakit pa may patakaran at pamantayan?" hindi ko mapigilan maibulalas. Kasi totoo naman, 'di ba? Kung may dayaan din naman pala at kasabwat ang mga Facilitators, edi para sa'n 'yong rules and regulations?

Pero kalmado lang akong binalingan ni Truss, sa mga mata ay may ilang emosyon na hindi ko mabasa. He learned closer, reason why I already felt the heat of his breath on my face.

"Isipin mo na lang na katulad lang 'yan ng government ng bawat bansa. They will go and remind all of the citizens about the country's rules and regulations. They'll say scary things like there's a punishment if anyone disobeys. They'll keep on reminding, threatening and punishing those people who disobeyed. But behind of all that acts is a mountain of lies. Sila ang batas pero sila ang din ay hindi sinusunod ang batas. Sila ang namumuno pero sila rin ay dapat sanang parusahan. Sila ang nasa taas, controlling the people but they are also uncontrolled by the supposed to be the law. Ang dahilan kung bakit kahit gano'n ang sistema? Kung bakit nagku-kunyare silang disiplinado at kung bakit patago kung umatake? Iyon ay para manatili ang peace and order. Iyon ay para hindi magkagulo ang mundo. Even if it means continue feeding us with their lies, they'll hide it to the depth of the earth. Kanya-kanya na lamang hukay para walang gaanong witness na papatayin. In order to control people, the leader needs to be both a good exemplar and a hypocrite for the people to follow him," mahaba niyang sabi pero kahit minsan ay hindi ako umatras at hinayaan na lang maamoy ko ang mabango niyang hininga.

"There is a slight similarity when it comes to Dark Society. The founders foresaw a future where every villains are united and ruled by the strongest couple. Who are respected and trusted by many. In order to have that, they created the School of the Fittest. Maayos ang intensyon nilang lahat pero hindi mo naman siguro inaasahan na maipapamana rin ang intensyon, diba? Time flies and people change. Hindi ibig sabihin na galing ka sa magaling na pamilya ay magaling ka na rin. Hindi ibig sabihin na galing ka sa matalinong pamilya ay matalino ka na rin. Hindi ibig sabihin na galing ka sa masamang pamilya ay masama ka na rin. Hindi ibig sabihin na galing ka sa organisadong pamilya ay organisado ka na rin. People change when we met new people and experience new things. Kaya hindi na nakakagulat kung sa paglipas ng panahon, may nangyayari nang dayaan kung saan ay kakampi ang mga Facilitators. So just like the government, kanya-kanya na lamang tango ng mga baho nila,"

Mahaba-haba ang sinabi niya pero naintindihan kong lahat. Lahat tumatak sa isip ko at hindi ko makalimutan. Kuhang-kuha ko ang punto niya.

"Ang haba ng sinabi mo. Iyan ba ang salita ng taong hindi naniniwala sa mga sabi-sabi?" I squinted my eyes to act as if observing the hell out of him. Pero hindi tinablangan ng pressure ng titig ko ang lalaki, imbes ay mas lumapit pa pero sa tenga ko lumapit ang bibig niya.

"One more move, Stray Cat. I might make you moan my name. Just one more move, you'll be stepping inside my danger zone," he huskily whispered.

Kiniliti ako ng boses at init ng hininga niya sa tenga ko. Dumagdag pa ang abnormal na karerang nangyayari sa loob ng dibdib ko. Parang tanga ring gumigiling ang mga organs ko sa tiyan. May party ata, e! Dahil sa malalang sensyasyon na naramdaman ay hindi ko na napansin na kusa na palang lumayo si Truss mula sa akin.

"I'll be going, then. Unlike you kailangan kong pumatay para makakuha ng pagkain ko," iyon na ang huling sinabi niya sa akin bago kami nagkahiwalay kahapon pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init ng hininga niya sa mukha ko. Pati na rin ang mabangong amoy no'n. Langya, sana all mabango pa rin ang hininga kahit ilang oras na ang lumipat. Partida pa kung sa akin lang umimik ng sobra si Truss.

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon