Part 4: 12.2

36 3 9
                                    

Part 4: Somersault
Chapter 12.2: Rare

NANG ilang hakbang na lang si Dessy kay Glea ay inilabas niya na ang katana niya mula sa kaluban nito. Sumabay sa kinang ng talim ng armas niya ay ang intensidad ng mga mata niya.

Nakita na siya ni Glea at agad itong namutla sa harap niya. Ilang ulit pa itong umiling na animo'y nagmamakaawa. Glea tried to struggle really hard to be free but no avail. Talagang wala na itong kawala sa harap ni Dessy.

Mukha mang nagmamakaawa. Mukha man mahina. Walang laban at one-sided ang laban pero wala na roon pakialam si Dessy. Ang tangi lang paulit-ulit na umiikot sa isip niya ay ang mapatay ang babaeng naging dahilan ng pagkamatay ng minamahal niya. Hindi niya na inisip ang karangalan, paghihiganti lang ang tangi niyang alam sa mga oras na 'to.

Isang bagsak na lang ng katana pababa sa leeg ni Glea ay panalo na si Dessy. Isang hampas na lang sana ng armas niya kamit niya na ang inaasam na tropiyo niya. Kung hindi nga lang may bumaril sa hawakan ng katana niya dahilan para mabitawan iyon ni Dessy at bumagsak sa lupa.

Una, akala niya ay si Sebastruss ang bumaril. Well, sino pa ba ang liligtas sa prinsesang nasa harap niya? At kanino nga bang kahinaan si Glea? At kung bakit nasa gitna ito at tadtad ng gapos? Syempre, para sa prinsipe ang prinsesang ito.

Ngunit hanggang akala niya lang pala 'yon kasi hindi mukha ni Truss ang nakita niya nang sundan ng mga mata niya ang pinanggalingan ng bala. Mukha ni Jia ang bumungad sa kanya. Si Jia na hindi niya binigyan ng katiting na interes. Si Jia na makairita. Si Jia na mukhang mahina. Si Jia na ni hindi kasali sa priority black list niya. Si Jia na saling pusa lamang.

Nakatutok ang baril nito kay Dessy at wala rin kurapan ng ilang sandali. Nang sing bilis ng hangin na bumaba si Dessy para abutin ang nahulog niyang armas ay nagsimula nang kumalabit ng ilang beses sa gatilyo ng baril si Jia habang tumatakbo palapit. Lahat ng bala ay naiwasan ni Dessy pero hindi niya naiwasan na mapalayo kay Glea. Kinuha iyon na pagkakataon ni Jia para malapitan ang kaibigan.

Patuloy lang ang pagbaril ni Jia habang isahang kamay pinakawalan si Glea. Eksperto niyang ginamit ang dalawang kamay niya sa pagbaril ang isa at paghiwa ng mga lubid ang kabila. Sabay na dominanteng gumagalaw ang dalawang kamay na animo'y sanay na sanay.

Ang unang naalis ni Jia ay ang gapos sa mga paa ni Glea at sumunod ang gapos sa mga kamay nito. Eksatong pagkawala ng huling bala ng baril na gamit ni Jia ay ang pagbangon ni Glea at pagtago sa likod niya.

Dahil wala nang long range na armas na aatake kay Dessy ay oras na para si Dessy naman ang umatake. Unang atake ay nasalo ng kutsilyo ni Jia ang matalim na katana ni Dessy. Dahil alam ni Jia na wala siyang laban gamit ang isang armas lang ay binitawan niya ang baril ni Truss sabay kuha pa ng panibagong kutsilyo sa legs niya.

Desperado ang mga galaw ni Dessy lalo na't nakikita niya pa ring humihinga si Glea at may pumoprotekta pa. Hindi rin niya magawang lagpasan si Jia na ikinagulat niya ng sobra. Wala sa mukha at postura ni Jia na kaya pala nitong magprotekta habang may kalaban. Kalaban na isang Schulz. Kalaban na isang Tadashi. Kalaban na hindi lang basta kalaban pero isa sa nangungunang pwedeng manalo sa laro. Nakakagulat na kahit isa si Dessy sa kinakatakutan na makalaban ng mga pladents sa St. Valentine ay nagagawa siyang pantayan ni Jia, partida pa't may tao itong prino-protektahan.

At ano pa ang nakakagulat? Ang katotohanang hindi naputol ng katana niya ang simpleng kutsilyo lang na gamit nito. Kita mo rin ang panggigigil ng pareho nilang armas na tanda na pantay ang talim ng mga ito.

Ilang beses na umatake si Dessy. Mula sa kanan, kaliwa, sa baba at sa itaas. Sa lahat ng iyon ay nade-depensahan ni Jia. Habang si Glea ay nasa bandang likod lang nito at protektadong-protektado.

What the hell? Hindi mapigilan maisip ni Dessy nang kahit isang beses ay hindi niya nasugatan ang babaeng kalaban niya. Ni hindi niya rin nasasakop ang puwesto nito at siya pa nga itong napapaatras minsan.  Nang minsang umiikot ito na hindi niya inaasahan ay nahuli siya ng atras at naabot ng kaunti ang mahaba niyang buhok dahilan para magkaroon siya ng pangalawang bangs sa harap. Muntikan pa nga ang mukha niya.

Doon napagtanto ni Dessy ang mga bagay bagay na pinagsisihan niyang hindi niya napagtanto ng simula pa lang. She realize that this Jia girl is not an ordinary as she looks. It's rare to protect while in one-on-one battle. It's rare to stay alive while sparring with a Schulz. It's rare to see a girl as fearless as she is.

Patuloy ang naging laban sa pagitan ni Jia at Dessy. Nakaagaw na nga sila ng atensyon sa pladents na nando'n. May nagbigay na sa kanila ng malawak na pwesto. Ang iba ay nagpatuloy sa pagtakas mula sa Open Field. May ibang kahit may banta ng sniper ay patuloy na nagpapakawala ng civilian na kakilala nila. Pero walang naglakas ng loob na makialam kina Dessy. Kahit ang sniper ay tumigil at nanood ng live show ng laban sa pagitan ng isang nobody at ng isa sa nangungunang candidate sa trono ng Fittest.

The camera is on them. For that moment, they are highlighted and the whole Black Society is anxious to know whose going to win in this unexpected battle.

In the central room, nakangising nanonood sina Johan at Earl. Pumapalakpak sa magandang kinalabasan ng Turning point nila.

Samantalang sa bahay ng McLain ay napatayo si Sebastre at hindi makapaniwalang nakatutok sa screen na nasa harap nilang mag-asawa. Totoo ngang may kutob na siya na hindi lang simpleng babae si Jia pero hindi niya akalain na sa sobrang kakaiba nito ay kaya nitong pantayan ang isang Schulz habang may pinoprotektahan pa!

Hindi na nakakagulat ang makita si Glea sa loob ng laro pero ang nakakagulat ay ang kakaibang galing ni Jia sa pakikipaglaban na sa totoo lang ay isa lamang magnanakaw sa Maynila. Pero totoo nga ba? Parang pati kasi si Sebastre ay may iba nang kutob sa nasasaksihan niya ngayon. Kapareho ng reaksyon niya ang reaksyong nasa mukha ng asawa niya, hindi rin ito makapaniwalang lumingon sa kanya.

Sa loob naman ng laro ay tulalang nanonood si Truss sa laban ng pinsan niya at ni Jia. Gusto niyang tumulong. Gusto niyang makisawsaw. Ngunit hindi niya magawang makahakbang. Masyado siyang okupado sa panonood sa akala niyang Jia na magnanakaw lang bago ang lahat ng ito. Ni hindi niya nga napansin na si Glea pala ang pino-protektahan ng babae e.

In the same time, Truss and Dessy asked to themselves. Who the heck is this girl?

At sa isa ngang maling galaw ang nagawa ni Dessy dahil nakahanap ng tiyempo si Jia para atakehin siya sa eksaktong bandang leeg niya. Mabuti na lang at nadulas siya sa metal ng container na kinakatapakan niya dahilan para hindi niya sinasadyang madulas at mapaupo sa baba. Dahil doon ay aksidente niyang naiwasan ang atake ni Jia.

Lucky. She got really lucky.

Ngunit hindi swerte ang makitang nakatayo si Jia habang ibang-iba ang tingin sa kanya. Para bang ang mga mata nito ay mga mata ng pusa. It looks vulnerable but very alert.

Sa pinakaunang pagkakataon ay napasinghap sa kaba si Dessy. Wala sa sarili siyang napahawak sa leeg niya na hiwa na sana ngayon kung hindi lang sana siya nadulas paupo. For a minute and the very first time, she felt like she met a girl who surpasses her ability to kill.

Masyadong naokupa ang isip ni Dessy sa nangyari at nakita niyang mga mata ni Jia, dahilan para hindi siya nakahabol pa ng makatakas ang dalawa mula sa range niya.

Then she felt the regret. She regretted that she didn't kill Jia the first time that she saw her. Pinagsisihan niya na hindi niya ito binigyan ng interes ng una. Pinagsisihan niya ng sobra na inakala niyang mahina ang saling pusa na sing bangis pala ng tigre niya kapag kinalaban.

She's rare and she's so stupid she didn't realized that from the very start.

*****
*****
A/N: Update ko na. Tignan ko kung makaka-update ako sa sunday. Thanks for reading! Muah!

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon