Part 1: 1.1

79 17 80
                                    

Part 1: Preamble
Chapter 1.1: Glenn Calaveras

AGAD pinagpunit-punit ni Glenn Calaveras ang sulat na natanggap niya pagkatapos niya itong mabasa. Galit ang nag-umapaw sa dibdib ni Glenn at talagang hindi niya nagustuhan ang sana magandang balita mula sa 'kaibigan' niya.

Sino ba naman kasi ang matutuwa? Kung ang kaisa-isang anak mo na inalagaan mo ng labing walong taon at kahit maliit na lamok ay hindi mo pinapadapuan ay ngayon ay kukunin mula sa poder mo para isalang sa isang laban na halata namang walang panalo ang anak niya na si Gleanne Calaveras.

Walang laban dahil pinanganak na anghel ang anak niya. Hindi marunong magmura, manakit at magsalita ng masama. Napakabait pa sa ibang tao at bukas palad sa mga nangangailangan. Talentado rin ito sa lahat ng aspeto ng musika kung saan ginagamit niya para patuloy na suportahan ang charity na siya rin mismo ang gumawa. Matalino rin at saksakan ng ganda. Mahinhin pero palangiti. Kahit sinong lalaki ata ay mapapaibig ng dalaga. Sigurado na ang magandang kinabukasan nito. Sinigurado ni Glenn iyon at ng pumanaw niyang asawa.

Tapos ngayon ay ipapain lang sa gitna ng mga mababangis na hayop? Ngitngit ang mga ngipin na pinangako ni Glenn sa sarili niya na hindi siya papayag kahit anong mangyari at kahit anong mangyari ay gagawa siya ng paraan.

Hindi naman kasi dapat si Glea ang maiimbita sa laro. Dapat ay ang pinsan niyang si George na siya na ngang inihanda ng buong angkan para nga sa malaking pangyayari na ito. Kaso ang tarantado, nagyabang at nakipagkarira, ayon! Nadisgrasya at namatay. Meron din naman reserba na isa pa niyang pinsan na kung saka-sakaling magkaproblema. Kaso rin ay nabuntis ang akala nilang masunurin na Gina at ngayon, limang buwan nang bilog ang tiyan. May isa pa din isang reserba kaso isa din tanga na nag-donate ng puso sa nobya niyang may sakit sa puso na kung saan nang gumaling dahil sa puso niya ay naghanap din naman ng bagong nobyo. Ni-hindi nga nag-alinlangan, tuwang-tuwa pa!

Lahat ay biglaan ang nangyari kaya hindi niya na napansin na anak niya na lang pala ang natira. Kaya nang sabihin ng ama niya na si Geo Calaveras na wala na silang pwedeng ipadala kundi ang anak niya ay hindi siya agad nakaimik. Kinalaunan ay nagprotesta siya pero huli na ang lahat dahil Facilitator mismo ang nagdesisyon para sa pamilya niya.

Kahit gano'n ay hindi pa rin siya pumayag at kahit kailan ay hindi siya papayag.

"Daddy, may problema ba?" Hinila sa kasalukuyan si Glenn dahil sa malambing na boses na iyon ni Glea. Makasuot na ito ng magarbo niyang gown at ayos na ayos na din ang buong mukha. Siya na lang ata ang hinihintay nito na maghahatid dito pababa sa hagdan. "Bakit mukhang galit ka, Daddy? Masama ba ang loob ng sulat? Pinunit mo rin ito. May problema ba, Dad? Pwede kang umatras kung may mas impor—"

Pinutol niya na ang sinasabi ni Glea. Kilala niya ang anak niya. Siguradong hindi nito mae-enjoy ang party niya kapag patuloy siyang gano'n ang itsura. Kaya binawi niya at tsaka ngumiti. Napawi rin ang alala sa mga mata nito.

"It's not important, my princess. Mukhang magsisimula na ang party mo. Tara na?"

Nakangiti na tumango ang anak niya at yumakap sa braso niya. Tuwa at excitement ay ramdam mula rito na mas nagpalakas sa kagustuhan niya na gumawa ng paraan sa malaking problema na kakalabanin niya.

Naging masaya ang selebrasyon nila na iyon. Ang makitang tuwang-tuwa ang anak niya sa mga nangyari ay sapat na para sa isang ama na katulad niya. Hindi niya rin pinaglagpas ang pagkakataon para makihalubilo sa mga kasosyo niya sa negosyo. Naging okopado si Glenn kaya hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ng pamilyang akala niya ay hindi makakarating sa pagsasalo na ito.

"Mr. and Mrs. McLain, what a surprise! Kailan pa kayo nakarating sa Pilipinas?" Kahit kinakabahan ay pumilit ng ngisi si Glenn at nilakasan niya rin ang loob para makikamay sa mag-asawa ng hindi nanginginig. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot at matataranta kung ang kasalukuyang Mr. and Mrs. Fittest ang nasa harap mo?

"Huwag kang mag-alala, Mr. Calaveras. Kahit kami ay nagulat din," sagot ni Reina Schulz McLain. Palakaibigan na ngiti ang nasa labi nito.

"Dumating kami ng isang araw para sa paghahanda sa alam mo na," makahulugang sambit ni Sebastre McLain na tinanguhan ni Glenn. "Balita ko ay anak mo raw ang magpre-presenta sa pamilya mo at alam kong hindi ka papayag do'n. That's one of the reason why we're here. If you need help, we're open-arms."

Katulad ng dati, direstyo pa rin sa pakay si Sebastre. Walang padaloy-daloy. Prangkahan talaga. Dahil do'n ay unti-unting naubos sa dibdib ni Glenn ang takot sa mag-asawa. Lalo na't napatunayan niya ngang hindi kalaban ang mga ito kundi kakampi.

"May plano ako," kalmadong sabi ni Glenn. "At kailangan niyo lang manahimik tungkol dito."

"Maari ba namin malaman kung ano iyon?" tanong ni Reina.

Ngumisi si Glenn. "Maari pero hindi pwedeng sabihin dito sa gitna ng maraming tao. Doon tayo sa opisina ko at habang papunta doon ay pag-usapan muna natin ang anak niyong si Truss."

*****

Vote and Comment

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon