Pamphlet

83 17 62
                                    

Page No.1

ANO ANG 'SCHOOL OF THE FITTEST'?

Noong unang panahon ay sobrang gulo ng mundo ng mga masasama o kilala din bilang 'Underground World' o 'Dark Society'. Bawat pamilya ay kalaban ang bawat isa. Walang pag kaka-isa at ordinasyon. Ang pangunahing dahilan nito ay ang kawalan ng pinakanakakataas na pinuno. Walang presidente. Walang Hari. Walang pinaka malakas na nahahalal. Walang nasa tuktok na siyang aayos sa lahat.

Kaya sina Glamorous Calaveras, Marcolei Schulz, Ethyl Alferer, Jonathan Floss at Sebastian McLain ay nagkaisa para mapunan ang kakulangan sa mundo na tinukoy pero para matukoy ng lahat kung sino ang pwedeng maging pinakanakakataas ay idinaan nila ito sa laro.

Ang larong 'School of the Fittest'.

Kung saan ang laban ay patayan. Matira matibay. Mabuhay ang papatay. Buhay mo o buhay ng iba. Ang matira sa larong ito ay siyang mahahalal na pinakamataas at ang kanyang pamilya ang mangunguna sa mundo nila.

Ang bawat pamilya ay kailangan magpadala ng kinatawan na siyang lalaban sa ibang representative ng ibang pamilya. Ang mananalo na babae at lalaki ay matatawag na Mr. and Mrs. Fittest at mapapalitan lamang kapag ang panganay nilang anak ay dumating na sa edad na dalalwangpu na kung saan ay mangyayari ang panibagong 'School of the Fittest' na kanyang pangungunahan.

Ulit, kung sino man ang matirang mabuhay ay ang matatawag na panibagong Mr. and Mrs. Fittest, anak man siya ng dating nanalo o hindi. Paulit-ulit lamang mangyayari ang lahat ng ito sa bawat dalawangpung taon na lumipas.

Sa pinakamadaling salita, ang School of the Fittest ay isang pangalan ng laro sa mundo ng mga masasama na siyang naging batayan ng ranggo ng bawat pamilya sa bawat 20 years na darating.


Page No.2

ANO ANG IBIG SABIHIN NG MR. AND MRS. FITTEST?

Parang pageant lamang ito. Ang matitira sa pangkat ng mga lalaki ay siyang matatawag na Mr. Fittest at gano'n din naman pagdating sa pangkat ng mga babae.

Maaaring magtulungan ang babae at lalaki sa pakikipaglaban sa iba. Maaari rin huwag pumatay ng babae ang isang lalaki at hintayin niya na lamang kung sino ang matitira, iyon ay kung wala siyang pakialam sa magiging asawa niya.

Kapag may natira na ay matatawag na silang Mr. and Mrs. Fittest. Misis dahil awtomatikong ikakasal silang dalawa sa ayaw at gusto man nila. Pagkatapos, kailangan makabuo ng isang anak o higit pa ang dalawa. Ang panganay nila ay ang mangunguna sa susunod na School of the Fittest, mapababae man o lalaki.

Hindi maiiwasan ang problema sa isang laro kaya kapag nagkataon na may mangyaring gano'n, ang facilitator na ang bahalang gumawa ng paraan dito.


Page No.3

SINO-SINO ANG LALAHOK SA LARONG ITO?

Ang lalahok sa laro ay membro ng bawat pamilya na malapit sa edad na dalawampu, higit o mababa. Mapababae man o lalaki, bakla o tomboy, basta malapit ang edad sa dalawampu.

Ang facilitator mismo ng laro ang magbibigay ng imbitasyon sa bawat pamilya. Doon nakalagay ang pangalan kung sino ang imbitado.

KAILAN BA MAGAGANAP ITO?

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon