Part 1: 5.2

35 5 23
                                    

Part 1: Preamble
Chapter 5.2: Baka

MALAYO na ang kinaroroonan ng yate na sinasakyan nila. Hindi na rin kita ang lugar na pinagmulan nila at kahit ang lugar na pupuntahan. Kalawakan na lang ng asul na dagat ang makikita. Ang malakas na ihip ng hangin na kasabay ng malalaking alon. Ang ingay ng yate at ang pagbagtas nito sa mga alon.

Doon nakaharap si Dessy habang nakahawak sa railings. Ang hangin ay tumatama sa mukha niya at ang mahaba niyang itim na itim na buhok ay tinatangay nito. Nililipad din at niwawala sa ayos ng hangin ang bangs niya. Gayon pa man ay dinamdam ni Dessy ang lugar, dinamdam ang buong paligid mula sa kinakatayuan niya. Nakapikit siya at dumilat lang nang maramdaman niyang dumating na ang kanina pa niya hinihintay.

"Ibang klase." Sigurado siyang boses iyon ng babae pero dahil malalim, nagduda siya ng kaunti pero hindi pa rin niya hinarap ang kakarating pa lang. "Pagkatapos mong gawing katawan ng kahoy at inukitan ng C-O-M-E ang mukha ng assistant ko ay nagawa mo pang pumikit dyan at magpa-relax relax? Tsk! Ibang klase."

"As expected. You care when it comes to your constituent," sabi niya. Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya.

"Syempre naman. Kapag hinayaan kong mapatay 'yon, sino na ang mag-aasikaso sa akin mamaya? Sa pagdaong natin? At pati na rin do'n sa venue mismo? Mabuti sana kung may plano kang mag-share ng facilitator mo."

Napailing si Dessy. Napailing siya dahil tama nga ang hinala niya. Hindi naman talaga mabait si Gleanne Calaveras. Tama ang hinala niya na mabait lamang ito sa labas na anyo pero kapag nakaharap muna at masolo ay lalabas ang tunay na kulay nito. Kung sana narinig ni Tobio kung ano ang narinig niya mula mismo sa bibig ng hinahangaan nitong babae, ang babaeng hinahangaan nito na kahit siya ay handa nitong hindi pakinggan at saktan.

"Ano? Wala kang planong harapin ako? Akala ko ba ay gusto mo akong makaharap? Bakit nakatalikod ka dyan?"

Because I'm containing and controlling myself from killing you this instant moment. Sagot ni Dessy sa isip niya lang. Napayukom siya ng mga kamay at rinig mo ang reklamo ng metal na railings dahil sa higpit ng pagkakayukom niya dito.

"Why didn't your father use the Beguile Agreement? Gano'n ba siya kakampante na makakalabas ka ng St.Valentine ng buhay?"

Alam ni Dessy ang tungkol sa Beguile Agreement. Ang totoo nga ay gusto sanang gumamit no'n ang Mom niya kaso dahil may nauna nang ninuno ng mga Schulz ang gumamit no'n ay wala nang natira sa kanila. Ayos lang naman 'yon para sa kanya. Handa siyang pumatay ng marami at handa na rin siyang mamatay kung saka-sakali man pero ang mas naging nagpahanda sa kanya? Walang iba kundi ang balita na si Gleanne Calaveras ang sasabak sa laro na plano niyang panalunan. Ang makitang naghihingalo ang dalaga ang isa sa pinakamalaking pangarap niya sa buhay.

"Beguile Agreement?" Natigilan bigla si Jia. Iniisip niya na dapat siguro ay hindi siya magpahalata na walang alam sa kung ano mang agree-agreement ang tinutukoy ni Dessy. "I-I mean, syempre naman! Malaki ang tiwala no'n sa akin kahit gano'n iyon si Dad."

Ngunit ang pagiging clueless ni Jia ay hindi pansin ni Dessy. Patuloy pa rin siyang nakatingin sa paligid. Nagtitimpi na huwag hugutin ang katana na nakasabit sa beywang niya at putulan ang babae ng ulo ngayon mismo.

"Then your Dad is baka. He don't know how dangerous it will be if you're in the game."

"Manong este my Dad is not baka!" agap ni Jia. Hindi niya kasi naintindihan ang salitang 'baka' sa sinabi ni Dessy. Akala niya ay baka as in cow ang tinutukoy nito. Seryoso rin ang pagkakasabi ng haponesa kaya naisip din ni Jia na baka ikinukumpara lang nito sa isang baka si Manong Glenn niya dahil sa katangahan nito. Naging proud pa siya sa sarili niya dahil sa naisip niyang 'yon. "Tao ang Daddy ko at hindi baka. Baka ikaw ang baka dyan, baka!" Umirap pa sa ere si Jia.

Habang si Dessy naman ay kumunot ang noo dahil hindi niya nasundan ang sinabi ni Jia. Masyadong marami na kasing 'baka' ang narinig niya. Humarap siya sa kausap at kasabay sana ng pag-ikot na 'yon ay ang salitang 'What?' lang pero ang lumabas sa bibig niya ay…

"Who the—baka." …nang makita niya na hindi mukha at hindi si Glea ang kausap niya pala.

Kilala niya si Glea, hindi sa boses pero sa mukha. Laganap na ang internet ngayon kaya hindi niya napigilan na hanapin at alamin kung sino ang Gleanne Calaveras na tinutukoy ng minamahal niya. Doon niya nalaman ang mukha nito, ang mga talent at mga kinakaabalahan sa buhay. Nalaman niya rin na anak pala ito ni Glenn Calaveras. Nasa angkan din ng Calaveras family na nasa mundo nila. Marami ang mga litrato sa internet ni Glea na malinaw, malapit at walang filter kaya sigurado siyang hindi si Glea ang nasa harap niya.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?"

Ang Beguile Agreement. Sabi sa isip ni Dessy. Bakit hindi niya naisip na gagamitin nga 'yon ng Dad ni Glea. Halata naman kasi na mahal na mahal  nito ang anak at hindi nito hahayaang mamatay ang kamamahal nitong anak ng gano'n gano'n na lang. Ang tanga niya. Ang tanga-tanga niya dahil naisip niyang hindi gagamiton iyon ng Calaveras. Dahil ba kay Truss? Siguro. Matagal niya nang nababalitaan na gusto ng mga magulang ni Truss na ang makatuluyan nito ay si Glea at mukhang interesado rin ang pinsan niya. Iyon ata ang bumuo sa utak niya ng imahe na hahayaan nga ni Glenn si Glea na sumali sa laro kahit delikado.

At ngayon ay nalaman niyang hindi. Hindi handang sumugal ang Daddy ni Glea para sa kapangyarihan at ranggo ng mundo nila.

Ang kaninang excitement, galit at adrenaline ay nawala sa sistema ni Dessy. Naging wala. Her whole system became dull and bored. Naging normal sa kanya ang lahat, pati na rin ang pagiging hindi interesado sa kaharap niyang babae, kung sino man siya.

Si Jia naman ay nakusot ang mukha. Sa itsura kasi ni Dessy ay halatang dismayado nang makita siya. Iniisip niya kung bakit? Dahil ba inaasahan nito na hindi siya maganda? O dahil inaasahan nito na nakadamit panlaban siya? Ah, iyong huli nga ata. Kausap niya sa sarili.

Nawalan na ng gana si Dessy. Napaiwas na lang ito ng tingin at suminghal ng "Lucky bitch," Tsaka nagsimulang maglakad paalis. Bumangga pa nga ito sa balikat ni Jia na naguguluhang pinanood naman ang haponesa. Kaso kinalaunan ay may naalala.

"Teka!" habol niya. Napahinto naman si Dessy. "May plano ka bang patayin si Truss? Wala ka naman atang planong asawahin ang pinsan mo, 'di ba? Incest 'yon, incest! Kaya patayin mo na lang, tutulungan pa kita."

Parang bata na nang-aalok ng laruan si Jia. Kaya mas nawalan ng interes si Dessy at umalis na lang ng walang sinasabi. Habang si Jia ay napakamot sa ulo gamit ang hawak niyang kutsilyo.

*****

A/N: Thanks for reading. Please vote and comment ;)

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon