Part 1: 4.3

36 7 25
                                    

Part 1: Preamble
Chapter 4.3: Dessy Schulz Tadashi

NAGING maikli ang naging byahe. Mabuti na lang at hindi trapik ang daang tinahak ng kotse ng facilitator. Animo'y alam na alam nito kung saan ang kalsada na walang gaanong mag-aantala sa byahe nila. Sa buong byahe na iyon ay tahimik lang si Jia habang ang facilitator naman ay nakatuon lang ang pansin sa pinagmamaneho. Hindi nakakailang ang katahimikan imbes ay mas naging komportable pa iyon kay Jia.

Ang inaasahan na airport ay naging seaport. Doon siya dinala ng facilitator at inihatid pa sa harap ng isang yate. Hindi naman kalakihan pero sigurado si Jia na hindi siya mag-isang sasakay ro'n. May makakasama siya at iyon ang nais niyang malaman kung sino at ano sila.

"That's your last ride, Miss Gleanne. Sa yate may panibagong facilitator ang aalalay sayo. Siya ang aasikaso sa kwarto at mga gamit mo. Idadag mo na rin ang mga pagkain at iba mo panh kakailanganin." May lumabas na lalaki pero hindi iyon ang panibagong facilitator na tinutukoy ng facilitator na kausap niya dahil kinuha lang nito ang dalang maleta niya at dinala sa loob ng yate.

"Hindi mo ako ihahatid sa loob?" Sa wakas ay umimik din sa kausap si Jia. Nagtataka kasi siya kung bakit kailangan pang may panibagong facilitator kung ngayon ay pwede na rin naman ito na lang.

Umiling ang lalaki. "My job is just fetching. Assisting is the other facilitator's job. So I guess, 'til next time, Miss Gleanne?" Naglahad pa sana ito ng kamay pero 'di lang iyon pinansin ni Jia. Napahiya tuloy na binawi ng lalaki ang kamay niya pero pumilit pa ito ng mabait na ngiti. Pinalampas na lang siguro ang pagiging snob niya rito.

"May kasama ako, sino?" Simple lang ang tanong ni Jia pero ginulat no'n ng sobra ang facilitator. Nakuha agad nito ang tinutukoy niya at kung ano ang ibig sabihin niya. Na ang tinutukoy ni Jia ay ang hindi simpleng makakasama at magiging kasabay niya papunta sa isla at pati na rin papasok ng eskwelahan. Kasama na kalaban. Kasama na dapat niyang ikabahala.

Ngumisi ang lalaki. "As expected sa anak ng isang Calaveras."

"Sagutin mo ang tanong ko." Matalim. Sobrang talim ang pagkakasabi ni Jia kaya nawala sa mukha ng facilitator ang ngisi niya. Imbes ay tumuwid ng tindig at lumunok ng laway.

"Dessy Schulz Tadashi. Isang haponesa. Isang samurai. Iyon lang ang pwede kong ipaalam sayo."

Walang emosyon na tumango si Jia. Nakahinga naman do'n ng maluwag ang facilitator. Hindi nito ata kayang may makaaway na anak ng isang angkan na expert sa pagpatay ng tao.

Habang sa loob-loob naman ni Jia ay gusto niya nang upakan ang lalaki. Kanina pa kasi ito namumuro sa kanya pero pinipigilan niya lang. Una ay noong hinalikan siya nito sa kamay. Hindi lang nito alam kung gaano siya nagpigil para 'di niya ito masapak sa harap ni Manong Glenn. Ngayon naman ay ngumingisi-ngisi pa. Aba't gusto atang mamatay ng maaga. Isip niya.

Hindi na inisip pa ni Jia ang walang kwentang lalaki at sumakay na lang sa yate. Hindi rin naman ito ang ang unang beses na nakasakay siya sa ganoong klase ng sasakyan pandagat. Isang beses no'n ay inanyayaan siya ni Glea na mag-outing sa isang isla at yate rin noon ang sinakyan nila. Noon mukha siyang tanga na wow ng wow sa bawat parte ng yate pero ngayon ay hindi na. Hindi na dapat dahil nakakahiya na kung oo pa. Lalo na't hindi na si Glea ang kasama niya sa loob kundi isang tao na ayaw o gustuhin niya man ay makakalaban niya sa laro.

Habang sa kabilang banda ay nasa loob ng cabin niya si Dessy. May hawak na isang katana kung saan ay tinitignan niya kung gaano ito katalim at kung ilang ulo kaya ang mapuputol nito.

Nakuha ang atensyon ni Dessy nang may kumatok sa pinto niya ng tatlong beses, sinyales na tinuro niya  bago pumasok ang may pakay sa kanya. Iniluwa ng pinto ang assigned facilitator niya.

"Dumating na siya, Miss Dessy," nakayuko, malumnay ang boses at mahinang sabi ng babaeng matanda lang ng ilang taon sa kanya.

Matunog ang pagkakasara ni Dessy ng kaluban ng katana niya. Tunog na muntikan pangmagpatalon sa kausap niya.

"Gleanne Calaveras?" tanong niya. Tumango naman ang kausap niya. "Okay. Tell her I'll meet her later. Pwede ka nang umalis."

Yumuko ng isang beses ang babae bago dahan-dahang umaatras at tuluyan nang umalis sa kwarto niya. Nang makalabas ay parang dumaang hangin lang ang pagkakahugot ni Dessy ng katana niya sabay atake sa isang flower vase na nakatayo sa kaharap niyang mesa. Ngayon ay nahati 'yon. Clean cut. Walang ibang pisak kundi ang idinulot ng katana niya. Tsaka bumagsak sa sahig ang kalahati at tuluyan nang nabasag habang ang nasa ilalim na bahagi ay nanatiling nakatayo at hindi nagalaw sa pwesto nito.

Itinago ulit ni Dessy ang armas niya sa kaluban nito tsaka tumayo at dumungaw sa maliit na bintana ng kwarto niya. Ang kalmadong dagat ang tumambad sa kanya.

Tahimik lang ang buong kwarto. Sarado ang bibig niya pero sa isip ni Dessy ay umaalingawngaw ang sobrang ingay. Maraming umiikot sa ulo niya. Maraming maliliit na boses. Maraming dapat pakinggan.

Isa na ro'n ang isang alaala na nagpayukom sa mga kamay niya.

"Her name is Gleanne Calaveras." Naalala niyang sabi sa kanya ni Tobio Sarunomiya. Ang kaisa-isang lalaki na sobrang minahal niya. Ang best friend niya. Ang tumuro sa kanya kung paano gumamit nang maayos ng katana. Ito rin ang nagbigay sa isa sa dalawang katanang hawak niya. Si Tobio na gagawin niya ang lahat mapasakanya lang.

"Who?"

"Gleanne Calaveras. An intelligent lady. Very talented and also so kind. She's the one I wanna marry so…" Nagkibit-balikat si Tobio. "I can't be with you, Dessy."

"Baka," Bulalas ni Dessy sa sarili niya. Inaalis sa isip ang masakit na alaalang iyon. Ang alaalang paghahawakan niya para mapatay ang Gleanne Calaveras na tinutukoy ng minamahal niyang Tobio.

"Just wait. I'll give her head to you myself."

*****

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon