Letter

82 17 45
                                    

Sa nirerespeto naming Ginoong Glenn Calaveras,

Binabati ka namin ng magandang araw at binabati rin namin ang iyong magandang anak ng isang maligayang kaarawan. Balita namin ay may pagsasalong magaganap sa inyong tahanan. Para sa panglabing-walong kaarawan ng anak niyo.

Magandang balita pero nakakalungkot na hindi mo kami inimbitahan. Sobrang nakakalungkot.
Ngunit huwag kang mag-alala, naiintindihan namin na hindi kami maaaring makihalobilo sa mga mabubuti niyong bisita. Sa mga mukhang anghel mong mga kaibigan. Lalo na't isa lamang kami sa mga maiitim mong sekreto. Isang sekreto na kahit anong tago mo ay lilitaw at lilitaw pa rin sa harap mo.

Alam naming alam mo na malapit na rin mangyari ang ika-dalawampu na kaarawan ng anak ng kasalukuyang mag-asawang Fittest. Alam namin na alam mo rin kung ano ang ibig sabihin no'n.

Panahon na ulit na tatawag kami ng isang kinatawan mula sa bawat pamilya, isang magpre-presenta na handang mamatay sa ngalan ng pangalan at dignidad ng pamilya niya. Isang kabataan na kakalaban sa kapwa kaedad niya. Isang kabataan na lalahok sa tradisyonal na laro ng mundo natin para mabigyan ng parangal, karapatan at kapangyarihan ang pamilya mo.

Kaya maghanda, magsaya, sumigaw at ipag-alam sa buong pamilya sapagkat heto na ang imbitasyon para sa anak mo.

'Mr. Glenn Calaveras, you may smile, you may frown, you may close your eyes or throw this letter away but the fact is still intact. Ms. Gleanne Calaveras is invited to participate in the 'School of the Fittest' at St.Valentines Academy located in the Girth Island, Philippines. Before June 4, 20**, your daughter will be fetch and assist by one of our facilitator.'

Ulit, sana maging maganda ang araw na ito para sa iyo. Kami'y nagagalak din na binigyan mo ng panahon ang pagbasa ng sulat na ito.

Hanggang sa muli.

Ang iyong kaibigan,
E. A The Head Facilitator

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon