Part 2: 6.3

34 5 9
                                    

A/N: Supposed to be may mapa ang St. Valentine at nakalagay 'yon sa Pamphlet 5. Nahalata niyo ba? Na walang Pamphlet 5? That's the reason why. The thing is, the map is not ready yet but it is already been drawn sa planner ko nga lang. So for the meantime, gamitin na muna natin ang imagination natin para ma-lay out ang mapa sa isip niyo. I will try my best to narrate it clearly sa mini-chap na 'to. Happy reading 😊

Part 2: Advent
Chapter 6.3: Self-tour

INIWAN ko si Rogue roon sa assembly area katulad ng naunang plano ko. Mabilis ang pagtakas ko mula sa kanya kaya hindi niya na ako nahabol pa. Mula sa malayo ay nakita ko na lang itong napakamot sa ulo at pinapanood ako sa pagtakas ko. I just smirked at my success escapade.

Nang makalayo-layo at mawala siya sa paningin ko ay huminto na ako at kumalma. Hindi ko alam kung saang parte ako ng eskwelahan napadpad pero ayos lang dahil may mahiwaga akong guide na dala-dala. Hinubad ko ang isa kong doll shoe at mula roon ay tumambad ang pinunit kong bahagi ng pamphlet, ang page 5.

Ang mapa ng St. Valentine.

Hindi naman ako tangang magtitiwala sa facilitator ko na hindi nila pinakialaman ang gamit ko and I also guessed na sila nga ang magdadala ng gamit ko sa kwartong tutuluyan ko. Kaya pinangunahan ko na. Tsaka naisip ko rin na paano pala kung palabas lang nila idadala sa amin at hindi naman talaga? O pinakialaman nila ang gamit ko at kinuha ang pamphlet sa 'di ko alam na dahilan? Edi naloko na. Ayos lang din naman na hindi makapagpalit ng damit o mawala ang armas ko, kaya kong palitan ang mga iyon pero itong mapa ng eskwelahan ang siyang 'di ko kayang mahanapan ng pamalit. I have very slight possibility that other pladents brought their pamphlet along with them. Hindi ko iyon mananakaw kung gano'n. Chances are, they did not. Wala rin akong photographic memory na kaya itong i-memorya ng detalyadong-detalyado at hindi makakalimutan kaya tama lang na pinunit ko ito at itinago sa loob ng doll shoe ko.

Kinuha ko ang pahina at isinuot ulit ang doll shoe. Inunat ko ang pahina mula sa pagkakagusot nito at pinagmasdan muna ng saglit. Ang una kung hinanap ay kung saan ako napadpad.

The school are 10 hectares, as what the map said. Napapalibutan ito ng naglalakihang pader na katulad ng sa nasa Attack On Titan pero mas mababa lang siguro ng kaunti. Sa gitna ng eskwelahan ay isang highway na daan. Iyon ang unang parte ng eskwelahan ang makikita mo pagkapasok mo dahil para itong malaking pathway na humahati sa dalawang parte ng eskwelahan. From the both ends of the Highway ay ang gates o ang tanging labasan ng eskwelahan. Dalawa iyon at isa roon ang binuksan para makapasok kami.

Nahahati ang St. Valentine sa dalawang parte. Sa kaliwa ng Highway ay ang parteng puno ng naglalakihang school buildings at sa kanan naman ay ang Mini Forest at ang Open Field. From what I've observe, currently nasa Open Field ako. Nasa gilid ako kung saan may bench stone at landscape na puno. Ilang gano'n ang nando'n sa parehong side ng Open Field. Nagsasalitan ang bench stone at landscaped tree sa length sides ng lugar. Samantalang sa width side ay ando'n sa left ang isang stage na halos kapareho lang ng stage na nasa sa labas. It's also nude and just plain gray. Pero hindi katulad ng nasa labas ay sementado ito at permanente na. May bubong din ito na sementado rin at sa taas ay may design na pakahon na sementadong pader. Two feet lang ata ang taas ng pader na 'yon pero I wonder kung pwedeng pagtaguan. May flagpole sa tabi ng stage at nakataas ang bandira ro'n ng Pilipinas pero nakabaliktad. Pula ang nasa itaas nito, imbes na asul. Hindi ko tuloy mapigilang pagmasdan ito. May isa pang bandira ang nakataas do'n kasunod ng Pilipinas. Plain black ito pero may kumikinang din na kaunting puti pero dahil mataas at hindi gaano litaw ang puti ay hindi ko matukoy kung anong klase ng imahe ang ando'n. Sa isa pang width side ng Open Field ay ang Highway na. Walang puno o bench stone ang nakaharang do'n. Hindi katulad ng nasa length sides.

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon