Part 3: Tourney
Chapter 8.2: StealNAGISING ako dahil sa mabahong amoy na pumasok sa kwarto ko. Ibang klase ng baho, hindi mula sa basura, hindi galing sa septic tank, at hindi rin galing sa putok sa kilikili ng kung sino man.
Amoy ng bangkay.
Mukhang hindi inalis ng Facilitators at wala silang plano na alisin ang mga bangkay. Kasama ata ito sa pagtitiisan namin habang nagpapatuloy ang laro.
Hindi pa maliwanag sa labas at malamig pa ang simoy ng hangin pero bumangon na ako at dumiretsyo sa comfort room sa kwarto ko. Bahagya 'yon nakabukas at nang buksan ko ng mas malapad ang pinto...
Tsk! Kaya naman pala ang lakas ng amoy rito sa kwarto ko dahil may patay na nakasabit sa shower room. Kainis naman. Ang gandang magandang umagang bati naman nito. Nakatalikod mula sa akin ang bangkay kaya kinailangan ko pa itong ipaharap para makilala ko kung sino.
At nang nakaharap, hindi na ako nagulat na ang babaeng napagtanungan ko ng tungkol sa cards ang ando'n. Bakit hindi ako nagulat? Well, magugulat ka pa naman ba na may patay sa kwarto mo kung nasa loob ka ng larong ito kung saan ang pagpatay ay normal lang sa PM hours?
Kaya buong umaga akong naging busy sa kakalinis ng comfort room ko at pagdispatsya sa bangkay. Ibinalot ko sa kurtina ang bangkay at tsaka binuhat papunta sa katabing kwarto ko. Wala naman lock ang mga kwarto kaya nakapasok ako ng walang hassle. Bakante naman ang kwarto at kahit siguro may umo-okupa pa no'n ay itutuloy ko pa rin ang plano ko na ro'n itapon ang bangkay na dala-dala ko.
Nang matapos ay bumalik na ako sa kwarto ko pero bago ako makapasok ay nakita kong bahagyang sumisilip si Dessy sa pinto niya, inaalam siguro kung ano ang ginagawa ko.
"Ohayo," kahit papaano ay masaya ang bati ko kaso sinaraduhan lang ako ng Haponesa at iniwan akong nakatingin sa pinto niya.
"Bastos," hindi ko mapigilan masabi.
Dahil madumi na ako ay naligo na ako sa shower room ko na malinis na ngayon. Iba pala talaga ang amoy ng bangkay. Matagal-tagal na rin ng huli akong nakaamoy no'n.
Gising na rin naman ako kaya napagpasyahan kong pumunta na sa Canteen para makapagbukas ng Neutral at makakain. Sa labas, gulat akong napatingin sa daan papunta sa Canteen.
Umuulan rin pala rito. Dapat pala nagpadala rin ng payong si Manong Glenn. Well, may hood naman ang jacket ko kaya pwede na rin.
Hindi naman sobrang lakas ang ulan kaya tinahak ko na ang daan. Tumakbo ako para kahit papaano ay hindi ako sobrang mabasa at hindi rin naman gano'n kalayo ang Canteen kaya acceptable ang basang natanggap ko galing sa ulan.
Pagpasok ko ay dumiretsyo agad ako sa Neutral na may numerong 87 base sa card na nanakaw ko— I mean, card ko pala. I swipe it on the detector screen and after one minute, it open up. Kinuha ko na ang pagkain at akmang aalis na nang magkasalubong kami ni Truss.
Pareho kaming natigilan at nagkatitigan. Tapos naalala ko na naman kung ano ang nangyari kagabi kaya wala sa sarili akong napatingin sa labi niyang mapula na animo'y nilagyan ng lipstick.
Shemay lang, kailan ko maalis sa isip ko ang pangyayaring 'yon?
Nagulat ako nang umiwas ng tingin si Truss at nilagpasan lang ako ng wala kahit anong sinabi. Napasunod tuloy ang tingin ko sa kanya. Nangyari ro'n? Himala atang hindi ako pinansin. Sinaniban siguro ng mabuting elemento.
Tumigil siya sa harap ng isang Neutral. Alam ko na kung ano ang gagawin niya kaya umiling na lang ako ng isa at tumalikod na. Aalis na sana ako pero natigilan ulit nang marinig ko ang singhal ng lalaki.
"Damn it." Base sa boses niya ay sobrang naiinis siya kaya napalingon ulit ako. Nakita ko siyang kinakalkal ang laman ng coat niya at tapos biglang tumigil na para bang may napagtanto siya bigla. Kinalaunan ay tumingin sa akin ng sobrang sama. "You stole it, didn't you?"
Ang lamig ng pagkakasabi niya at sa tono niya ay siguradong-sigurado siya.
"Ang ano?" Hindi ko rin mapigilang magseryoso. May ideya na ako kung ano ang binibintang niya at hindi naman siya ang unang tao na nangbintang sa akin ng gano'n pero bakit parang nakakainis kapag galing sa kanya?
"My last card, you stole it." Humakbang na ang lalaki palapit at akmang aabutin ako pero nakaiwas ako.
"Hindi. Hindi ako, Truss." Siguro dahil sa seryosong tono ko ay natigilan din siya pero umiling din mayamaya.
"At sino pa ba? Ikaw lang naman ang kilala kong magnanakaw na nakapasok dito. Plus, you're the only one I encountered this morning. You also got the chance to do it last night, considering how close our body to—"
Hindi ko na siya pinatapos at lumabas na lang ako ng panibagong card. Ta'do na ito, may plano pa atang ipaalala sa akin kung ano ang nangyari kagabi at kung paano pumalpak ang secret weapon ko sa kanya.
"Oh, ito! Nang matigil na ang satsat mo pero sinasabi ko sayo, hindi ako ang nagnakaw ng card mo. Hindi ako gano'n ka-expert para manakawan kita." Inilahad ko na sa harap niya ang card at tinititigan niya muna ito bago marahas na kinuha mula sa kamay ko.
"Whatever." Tapos bastos ako nitong tinalikuran at hinanap ang Neutral number na nasa card na binigay ko sa kanya.
"Bastos." Dahil sa mismong sinabi ko ay naalala ko si Dessy.
Tsk, magpinsan nga sila. Walang duda.
Pagkatapos do'n ay bumalik na ako sa Girl's Dorm at sa kwarto ko na ako kumain. Around 7 AM ay papunta na ako sa assigned classroom namin pero sa corridor ay natigilan ako.
Nang naramdaman ko ang isang presensya mula sa malapit na siguradong pinagmamasdan ako.
Ito ang unang beses.
May mga camera naman sa paligid at pwede iyon ang nararamdaman ko ngayon pero sigurado ako, iba ang isa na ito. Pladents siya mismo at marunong magtago dahil hindi ko matukoy kung saan nanggagaling ang tingin niya.
Bukod kay Pareng Dude, ito ang pinakaunang beses na may nagparamdaman ng ganito sa akin. Iba ang tingin ng taong nasa malayo, hindi mo mararamdaman ang presensya no'n. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko napansin noon na pinapanood na pala ako ni Truss. Inaamin kong isa 'yon sa kahinaan ko.
Feeling the presence have a range and this one person that is intently watching me right now is within my range.
Pero ang nagpapakaba sa akin ay ang katotohanang hindi ko matukoy kung nasaan siya kahit nasa range ko lang siya.
Sino kang bwesit ka? Hays, ang pinakaayaw ko pa naman ay pinag-iisip ako.
*****
A/N: Thank you for reading! Please vote and comment. 😊
BINABASA MO ANG
School of the Fittest (Hiatus)
ActionJia Zamora can be called as the Cat Burglar. A thief, a bad girl and surely, a criminal. Meanwhile, Glea Calaveras, her best friend, is an angel. Glea's very opposite of her but Glea didn't mind having her despite of it. Jia loves Glea like a true s...