Part 4: 15.2

19 2 0
                                    

Part 4: Somersault
Chapter 15.2: Sister

"If she got killed, I'm going to kill you."

Hindi si Glea ang her na tinutukoy ni Truss. Hindi rin si Gon ang kausap ni Truss nang sabihin niya 'yon.

Iyon ang sigurado ni Gan.

Kita mo sa tono niya at kung kanino siya nakatutok habang sinasabi niya ang nakakatakot na linya na iyon.

Is the child a girl? Hindi tuloy mapigilan ni Gan magtanong sa sarili. Pero base sa damit at postura ng bata ay sigurado siyang lalaki ito. Oo nga't in that stage, mahirap pang i-differentiate ang mga bata sa gender nila kasi hindi pa lumalabas ang mga traits na nagsasabi na lalaki o babae ba sila. But Gan knew and he's sure, Truss is also not referring to the child.

It's not the child and it's not Glea.

Then who the heck is the her Truss is referring to?

Well, isa na lang ang babae na natitira rito. Isa na lang ang posibilidad at sanhi ng galit ni Truss. Galit na hindi lang simpleng galit. Galit na handang pumatay. Galit na may panggigigil. It's the kind of anger that is destructive.

And the cause of all of that is...

Napatingin si Gan kay Jia na hindi rin nakaimik pagkatapos sabihin 'yon ni Truss. Napapaibabawan niya ito at kitang-kita niya ng malapitan ang itsura ng babae.

If it wasn't for her boyish get up, you can consider Jia beautiful. Although it cannot be denied that Glea is like an angel if we are talking about appearance. However, Jia have this unique charm that can trap any men.

Any men... 

Men like him, or Gon, or Gin, or even the heart stone McLain.

Si Jia ang dahilan ng galit ni Truss. Si Jia ang her na tinutukoy ni Truss.

Ngunit sino naman ang you na handa niyang patayin? Kung si Jia ang dahilan ng galit, sino ang pagbubuntungan ng galit na 'yon? Is it Gon kasi dito ito nakaharap? O baka si Gin kasi natututukan nito si Truss? O baka siya mismo dahil napapaibabawan niya si Jia?

The you part is what confuses Gan. He can't help but ask dozens of questions. Kasi base sa tinitignan ni Truss ngayon, hindi mo masasabi na si Gon nakadirekta ang galit niya dahil hindi ito ang tinitignan niya ng masama.

Napatingin naman si Gan kay Glea na namumutla na ngayon. Hindi rin umaaalis ang tingin sa direksyon ni Truss. Mukhang hindi na rin siya humihinga pa dahil sa sobrang takot. Na para bang may halimaw na handa na siyang sakmalin ngayon. Na para bang at that very moment, a wild lion is preying on her. Mas mukhang takot pa siya ngayon kaysa kanina na tinawag niya si Jia.

That gave Gan a clear clue, the you is none other than Glea.

But why? Hindi ba't pinoprotektahan nila ang babae? Pero bakit parang handang-handang patayin ni Truss si Glea? Although we could say that what the girl did is pure stupidity and any allies will be pissed by what she caused, hindi naman dapat umabot sa point na papapatayin na 'yong kasama.

Unless if Jia was the her sole protector and Truss' civilian was actually the kid. Maaring dahilan din 'yon kung bakit galit na galit ito ngayon. But the her is Jia. That was a contradiction.

Anyway, kahit ano pa man ang sanhi ng galit at kung sino ang pinapagalitan ngayon ni Truss ay hindi na importante. Ang importante ngayon ay nabaliktad nila ang sitwasyon.

Gan was almost stab by Jia. Hindi niya makalimutan ang nakita niyang mga mata ni Jia nang sasaksakin siya nito. Her eyes were glowing. A glow that shows no hesitation to kill. Kahit papaano nang makita niya 'yon ay kinabahan si Gan. Hindi rin nanginginig ang kamay ni Jia. Tanda na kung hindi dumating si Glea ay ang last resort niya na lang kanina ay ang maiiwas na maisaksak ni Jia ang kutsilyo sa mismong puso niya. But that means he will have a wound in his chest that will burden them. It's still fatal.

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon