Part 1: 1.3

50 14 78
                                    

Part 1: Preamble
Chapter 1.3: Gleanne Calaveras

NAKAHINGA ng maayos si Glea nang makita niyang umalis na ang huling grupo ng mga tao na bisita niya. Sa wakas, tapos na rin ang engrandeng birthday party niya. Pwede na siyang pumunta sa kwarto niya at magpahanda ng pagkain nila ni Jia na alam niyang darating na anumang oras. Iisipin niya pa lang na makakasama niya na ulit ang kaibigan niyang nakakatawa ay hindi niya na mapigilan ma-excite sa mangyayari mamaya.

"Nice party." Halos mapatalon na si Glea dahil sa boses na bumulong sa mismong tenga niya. Mali pala siya. May natira pang bisita at mukhang wala pa itong planong umalis anumang oras.

Lumayo siya sa lalaki. Kay Sebastruss McLain, anak ng family friend at kakauwi pa lang galing Amerika. Truss ang nickname nito at iyon ang tawag niya dito. Kanina pa nagpapakita ng interes sa kanya si Truss kaso hindi talaga siya interesado sa lalaki. Kaibigan, pwede pa pero ang pinapahiwatig nitong relasyon, iyon ang huwag na lang. Mas gugustuhin pa niyang si Jia na lang ang pagtuunan ng pansin kaysa mag-aksaya ng oras kasama ito.

"T-Truss. I hope you'd enjoyed it."

"Of course, it's your party. Hindi naman pwedeng hindi ko ito magustuhan." Maayos ang pagkakasalita ni Truss ng tagalog kahit wala sa dugo nito ang pagiging Pilipino. Tinuruan na kasi siya simula pa noong bata. Hindi alam ni Glea kung bakit pero may kutob siyang tradisyon sa pamilya ng McLain na matuto ng tagalog.

"M-mabuti kung gano'n. Dito ba kayo magpapalipas ng gabi?" Maghahating gabi na kasi at unti-unti na din nagliligpit ang mga katulong nila pero nandito pa rin ito. Hindi rin naman problema kung dito ito magpalipas ng gabi pero huwag lamang okupahin ang oras niya dahil may inaasahan pa siyang espesyal na bisita sa taas.

"I think so. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas sina Mom and Dad sa office ng Daddy mo. Mahaba pa ata ang pag-uusapan nila."

"Oh." Hindi man gustong maging bastos ni Glea ay hindi niya napigilan ang pagka-disappoint sa isipin na kailangan niya pang samahan sa baba ang natitirang bisita na ito.

"So that left us alone together. Pwede bang samahan mo akong magpahangin sa garden niyo?" Inosente ang itsura ni Truss. Halatang wala siyang ideya na ayaw na siyang samahan pa ni Glea. Ngunit kahit gano'n ay walang nagawa si Glea kundi ang tumango at sumama sa lalaki.

"BEING in the Philippines is a fresh air for me. Plus, it's also peaceful and friendly in here. Very opposite of the world I'm living in," sabi ni Truss habang nakatingin sa langit na punong-puno ng mga bituin. Malamig ang hangin at tahimik ang buong lugar. Tamang-tama ang pinili nitong topic dahil nakuha niya ang atensyon ni Glea na nasa balkonahe ng kwarto niya.

Tinitignan niya kasi kung dumating na si Jia pero pasalamat siya at hindi pa naman. Parehong nakaupo sila ni Truss sa wood bench na nasa gilid ng garden. Nasa ilalim iyon ng puno na madalas gawing daan ni Jia palabas ng bakod nila. Nasa madilim-dilim na parte pero may ilaw pa rin naman.

"Bakit? Ano bang klase ang Amerika?" Mahinhin ang pagkakatanong ni Glea.

"Hindi ang Amerika ang problema, Glea. Mundo ko mismo ang ibang-iba sa mundo mo. I think you'll never want to be in there."

May iba sa pagkakasabi ni Truss na nagpatulala kay Glea sa kanya. Iba na para bang banta. Iba na para bang paalala. Iba na para bang ibang-iba.

May itatanong pa sana si Glea pero sa saktong pagbukas ng bibig niya ay siya namang pagsakop ng mga labi ni Truss sa mga labi niya.

Gulat. Takot. Kaba.

Iyon ang nangibabaw agad sa kaniya. Sinubukan niyang kumawala at tulakin ang lalaki palayo pero kinulong lamang nito sa pagitan nila ang mga kamay niya tsaka hinapit pa palapit ang batok niya at mas siniil pa siya ng halik. Marahas ang mga labi ng lalaki at hindi siya makapaniwalang na gawa nitong ipagpilitan ang sarili sa kanya.

Nawawalan na siya ng hangin. Para na siyang kinakain ng buo ni Truss. Kaya parang Knight and Shining Armour ang bumagsak kay Truss dahilan para mapakawalan siya nito at umikot-ikot sa bermuda grass ng garden nila.

Ang una niyang nakita ay ang taong naka-jacket na itim na may hood. Sunod ay ang pag-ibabaw nito kay Truss sabay sapak ng ilang beses dito. Huli na niyang napagtanto na si Jia na pala iyon!

Agad na napatayo si Glea at lumapit kay Jia na nagwawala na. Kahit mahirap ay hinila niya ito paalis sa ibabaw ni Truss kaso kumawala lang ito at sinalubong ulit ang kakatayo pa lang na Truss ng side-kick sa mukha. Dahilan para matumba ulit si Truss at makahanap ng tiyempo si Jia para masipa ang lalaki sa gitna nito.

"Shet!" bulalas ni Truss. Habang pulang-pula na ang mukha.

"Hala!" reaksyon ni Glea habang gulat na gulat.

"Che!" taas-noong singhal ni Jia.

"What the hell is happening here?" Lahat ay napalingon kay Glenn, Reina at Sebastre na ngayon ay hindi makapaniwala sa nakikita nila ngayon.

*****

Vote and Comment

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon