A/N: Rogue's weapon on multimedia. 👆Malapit siya dyan.
Part 3: Tourney
Chapter 7.3: WarALAS onse y media, si Dessy ay nasa loob ng kwarto niya at naglilinis ng dalawang katana niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama at bihis na bihis na rin. Handang-handa na siya at kahit hindi pa man nananghalian ay hindi siya nakakaramdam ng gutom. Ang mabilis na pagtibok ng puso niya lamang ang napapakinggan niya at ang mabagal na ingay ng Wall Clock sa dingding ng kwarto niya. Naghihintay siya. Pinapakiramdaman ang paligid. Kung alerto na siya noon pa man ay mas alerto siya ngayon.
Minuto na lang ang hinihintay at mangyayari na ang matagal niya nang pinaghahandaan na laban.
Habang si Rogue naman ay nasa labas na. Nasa itaas siya ng isang puno sa Mini Forest nakapwesto. Sa magkabilang kamay ay nakasuot na ang armas niya. If Dessy uses katana, Truss is a gun user and Jia have knives, Rogue are into a claw weapons. It's leather alike gloves that covers his entire lower arm. Sa ilalim ng leather na 'yon ang mga mekanikong nagpapagalaw sa claw na lumabas pasok mula sa ilalim papunta sa knuckles niya. To make the claw go out, he just needs to clench his hands like a real life Wolverine of X-Men. The claw is sharp and deadly pero hindi 'yon ang totoong magpapanalo kay Rogue, ito ay ang angkin niyang bilis. He moves like a cheetah. Fast but cautious. Mapang-asar si Rogue at maloko na rin pero sa mga ganitong oras ay mapagmantiyag siya at maingat. Sa larong ganito, hindi sapat ang armas lang. You need speed. You need fast reaction. You need to use your brain.
At iyon ang gagawin ni Rogue.
Sa kabilang dako naman ay malapad na ngisi ang nasa mga labi ni Truss. Nasa pwesto na siya at pinagmamasdan na ang unang taong tatapusin niya. Si Jia na nasa harap ng bintana niya. Very unconscious that someone is eyeing her right now. Ang inosente niyang tignan. Animo'y bata sa gitna ng gira. Walang kaalam-alam. Kaya nagbago tuloy ang plano ni Truss. Imbes na agad patayin ang babae ay paglalaruan niya na muna ito. Pahihirapan at papaluhurin sa harap niya. Mas napangisi si Truss dahil sa naisip.
In that way, I'll have more fun. Isip niya.
Subalit, kung akala niyo lahat ay handa sa PM hours na mangyayari, sa isang kwarto ng Girl's Dorm ay may tatlong hindi. Katulad sila ni Glea. Wala dapat sa ganoong lugar. Hindi dapat isinalang. Hindi dapat inilaban imbes ay dapat salbahin.
Sila si Racquel, Melody, at Jean. Nagkaisa talaga sila at nagsama sa isang lugar para mas malaki ang chance nila na mabuhay. Sabi nga 'di ba? Two is better than one and three is much better than two. Sino nga ba ang magdadamayan kundi sila rin lang namang mga mahihina, 'di ba?
*TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING *TING
Ang maingay na tunog na 'yon ay nagmistulang kampana ni Kamatayan imbes kampana ng simbahan. Kung ang iba ay nagsaya dahil oras na ng patayan, sila hindi. Nagluksa silang tatlo.
"Ano na? Siguradong nagsimula na ang patayan sa labas!" sabi ni Racquel na ngayon ay natataranta na, kabado rin at kaunti na lang ay iiyak na siya.
"Ssh! Huwag kang masyadong mag-ingay. Siguradong mas mapapahamak tayo dahil dyan sa ingay mo." Kahit takot din ay sinusubukan pa rin ni Jean na kumalma dahil alam niya na wala silang maiisip na paraan kapag hinayaan nilang kainin sila ng takot.
"T-tama si Jean, Racquel. Calm down, okay? Tsaka huwag kang mag-alala. Wala naman atang mag-aaksaya ng oras na isa-isahin ang bawat kwarto rito sa dorm, 'di ba?" Katulad ni Jean ay sinusubukan din ni Melody na pagaanin ang sitwasyon nilang tatlo. Pilit pa nga siyang ngumiti para makatulong sa pagpakalma sa mga kasama niya.
Kaso ang hindi alam ng tatlo na sa labas pala ng bintana ng kwarto ng pinagtataguan nila ay nakangising pinapanood sila ni Hainah Primo. Primo, isa sa mga pamilyang may ilalaban sa larong ito. She came from Spain and she loves sneaking, a lot. Like this one.
BINABASA MO ANG
School of the Fittest (Hiatus)
ActionJia Zamora can be called as the Cat Burglar. A thief, a bad girl and surely, a criminal. Meanwhile, Glea Calaveras, her best friend, is an angel. Glea's very opposite of her but Glea didn't mind having her despite of it. Jia loves Glea like a true s...