Part 4: 14.2

22 1 0
                                    

Part 4: Somersault
Chapter 14.2: Crasher

"SHET! It's a bullseye!" Iyon ang unang nabigkas ni Natty nang makita niya ang bangkay ni Dailey. Napayuko na lang si Careen sa tabi ng patay nilang kaibigan. "How far was McLain when he hit her?" tanong niya  kay Careeen habang lumalapit siya sa railings ng rooftop.

"See that fire exit on the side of the gymnasium?" Tumango si Natty. "Beside it. That's the exact location McLain stood and fired."

Panibagong mura na naman ang pinakawalan ni Natty. Pero mas malutong na ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi mapapamura kapag nakita mo kung paano kalayo ang pwestong tinutukoy ni Careen sa kanya? Tinalo siya ng lalaki. Pwede na nga ata itong matawag na agila kaysa sa kanya kung gano'n palang kaya nitong bumaril ng malayo kahit walang telescope o ano pa mang gadgets. That is f*cking extraordinary.

"I..." Napabaling si Natty kay Careen nang marinig niya itong magsalita. "I tried to tell her to stop shooting and just hide but... But she didn't listen, and the next thing I saw she was already falling on the ground."

Nagbuntong-hininga si Natty bago lumapit kay Careen at niyakap ang kaibigan niya. "It's not your fault, Reen. Like what you've said, you tried to warn her."

"B-But if only I—" Pinutol na niya ang sasabihin pa sana ng kaibigan.

"Shhh, it's not your fault. You're not the one who killed Dailey. Therefore, it's not your fault. It's McLain's. Understand?"

Tumango-tango si Careen. Mas kalmado na ito ngayon. Parang naalis na ang mabigat na bato sa balikat ng kaibigan at ang mabigat na bato na 'yon ay napunta na kay Truss.

"So what are we gonna do now? Dailey's dead. We're back to square one."

"Nope, we're not." Itinaas ni Natty ang bag na nilagyan niya ng mga balat na may tattoo. "With this we can hide for the time being and focus our minds in finding the hidden cards. That's our plan for the moment."

Nakombensi niya roon si Careen. "And what would we do with Dailey's body? And her tattoo?"

Malungkot na lumingon siya kay Careen. "What else? Her death will be in vain if we didn't use it."

Tumango na lang si Careen. Wala siyang argument laban doon.

SAMANTALA, ang taong kanina pa pinag-uusapan nina Natty at Careen na walang iba kundi si Truss ay maingat ang bawat galaw palabas ng gymnasium. Hindi dahil nag-iingat siyang may makasalubong na kalaban, kundi dahil nag-iingat siyang may makahalatang na may naiwan siya sa loob ng gymnasium. He looks like a lioness leaving her little ones after hiding them to get food for them. He hated that thought but that's exactly what he is doing right now. 

Sa totoo lang, hindi niya rin alam kung bakit siya nag offer ng tulong kay Jia. Baka nga dahil kay Glea, she's a child of a family friend after all. Baka nga talaga dahil kay Glea kasi nga, 'di ba may gusto siya rito? O baka naawa siya. Pride na rin siguro. Baka dahil wala lang. Trip niya lang tumulong, bakit ba?

Pero sino bang pinagloloko ni Truss? Kung pinsan niya nga ay ayos lang na makalaban niya at baka mapatay pa, si Glea pa kaya na minsanan niya lang nakakasalamuha noon? Tsaka gusto si Glea? Truss highly doubt that now. Pride and pity? Ma pride ngang tao si Truss pero hindi to the point na handa siyang maglaan ng maraming oras at effort. At kung awa man lang, edi sana siya na ang unang pumatay kina Jia, Glea at Wendel para tapos na ang paghihirap ng tatlo. Kung trip man lang, edi sana naghanap siya ng mas magandang trip. 

Kaya malaking palaisipan kay Truss kung bakit siya andito ngayon sa Canteen at naghahanap ng Neutral na may kaparehong number ng card na hawak niya. Siguro tsaka niya na iisipin ang dahilan ng pagbuo niya ng alliance kay Jia. Hindi iyon ang mas importante ngayon.

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon