Part 3: 8.3

28 5 2
                                    

Part 3: Tourney
Chapter 8.3: Breaker

ILANG minuto lang at nawala rin ang presensya at tingin na 'yon. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago tuluyang humakbang ulit. Dahil hindi ko talaga nahanap kung saan 'yon nanggagaling ay hindi ko na binigyan ng malaking pansin pa. Kapag naulit na lang siguro.

Pumasok na ako sa loob ng classroom at umupo sa malayong parte na inupuan ko ng nakaraan. Mas malayo kay Truss, mas mabuti at mas tatagal ang buhay ko. Hindi ako nakatulog ng mabuti dahil sa pangyayaring 'yon kagabi at ginising pa ako ng maaga ng mabangong amoy na 'yon kaya hindi ko napigilan makaidlip sa desk ko.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa likod ko.

"Out of 10 people you've killed, you only got four cards? How come..." Boses iyon ng babae. Naka-upo ata sila sa upuan na nasa likod ko at nagtsi-tsismisan.

"Yeah. Pinahirapan ko pa nga ang iba bago ko sila patayin para mahanap lang kung saan nila tinatago ang mga cards nila but they all answered me the same thing, that it was stolen from them."

Unang rinig ko sa sinagot ng babae sa likod ay nangilabot agad ako. Nagngi-ngitngit kasi sa galit ang tono niya.  Hindi naman sa guilty ako pero parang gano'n na rin.

"Stolen? During the PM hours?"

"No, more like during AM hours," galit pa rin ang tono ng nahuli.

"But how...? Rule breaker?"

Rule breaker? Mas na-curious ako dahil sa narinig kaya hindi ko napigilan na pasimpleng sumilip para makita ang mukha ng nag-uusap. Sa gulat ko nang makita ko na pareho pala silang nakatingin sa akin.

"Do you know what I hate the most, Trinity?" seryosong tanong ng babaeng may panglalaking gupit ng buhok habang nakatitig sa akin.

"What is it?" tugon naman ng babaeng  katabi nito na halatang Indian dahil sa angking ganda at laki nito.

"Mga taong katulad niya. 'Yong nakikinig sa usapan ng ibang tao," pinanlisikan pa ako ng tingin nito.

Dahil sa tingin ng babae ay napalunok ako ng laway pero sinubukan kong ngumiti ng pangkaibigan. Hindi ko naman kaya sinasadyang makinig. Kasalanan ko bang nasa likod ko sila? But anyway, I need to change that expression of them. Baka sila pa ang dahilan ng pagkamatay ko mamayang PM hours.

"Hi!" Kumaway pa ako. Parang Dora na ngumiti. "Jia nga pala."

"Jia?" Mabuti at mukhang interesado iyong mukhang Indian na babae. "Trinity here." At kumaway rin siya at ginaya ang ngiti ko.

"Gleanne talaga ang buong pangalan ko at may nickname ako na Jia or Glea pero mas gusto ko ang pangalan na Jia. Simple lang kasi." At 'yon talaga ang totoo kong pangalan eh, palusot ko lang 'yong isa. Ngunit hindi ko na 'yon idinagdag pa.

Tumango si Trinity sa sinabi ko. "Anyway, how many have you killed last night? Do you experienced the same thing Hainah had experienced last night?"

Hindi ako nakaimik agad. Napagtanto ko kasi na parang ang normal lang sa kanila ang pagpatay. They didn't felt sorry or guilty at all. Mukhang nasayahan pa nga sila. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Manong Sebastre.

Iba na nga talaga kapag nasa loob na ng laro.

"H-Hindi...um, ano... Wala akong napatay kagabi eh, tamang tago-tago lang." I said that like a joke but it seems like I just did a wrong move. Mas naging intense kasi ang tingin sa akin Hainah.

"Oh..." Kuminang ang mga mata ni Trinity. "That's great then! If you've survived last PM hours, that means you're really good in hiding. That will be a great test for Hainah. Let's see how good she is in hunting and how well you are in hiding. Game, Hainah?"

Pero hindi sumagot si Hainah at patuloy lang akong pinagmamasdan. Hindi ko tuloy mapigilang mailang sa tingin niya. Mistula kasi'y hinahalungkat niya ang lahat ng sekretong tinatago ko.

"You didn't kill someone last night and yet, I still saw you coming out from the Canteen with freshly opened Neutral food," kalaunan ay nagsalita rin siya.

Pareho kaming natigilan ni Trinity dahil sa sinabi bigla ni Hainah. Tapos bigla ay pati si Trinity ay nawala na rin ang ngiti sa mukha. Nawalan ng emosyon at halos pareho na ang tingin nila sa akin ni Hainah.

"You know what," nakakagulat kong paano nagbago ang tono at ekspresyon sa akin ni Trinity nang dahil lang sa sinabi ni Hainah na hindi pa nga siya sigurado kung totoo ba o kasinungalingan lang. Gano'n ba kalaki ang koneksyon nilang dalawa? Sino ba ang dalawa na 'to? Magkakampi ba sila? Kung oo, inform ba sila na hindi pwedeng pareho silang manalo?

Aish. Hindi ko talaga gets ang mga tao sa loob ng larong ito. May kanya-kanya silang ka-abnormalan.

"Ah, hindi ko nga alam eh," I tried another joke para maalis ang tensyon na namumuo sa paligid pero wrong move na naman ata, mas pinalala ko lang ang sitwasyon ko.

"Rule breakers don't belong here. Rule breakers are weak and weakness don't have a room in School of the Fittest," patuloy ni Trinity, inignora ang sinabi ko.

"Kaya kung sakali mang mapatunayan ko na ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng nakawan ng mga cards," Hainah leaned closer. Her face almost touched mine. "Hindi ako magdadalawang isip na unahin ka sa listahan ko."

Shet, nasa listahan niya na agad ako? E, ngayon lang naman kami nagkita ah? Ang bilis naman. May kalahi rin pala rito si Truss eh. Mukhang marami pa nga sila.

"Bakit nangbibintang na agad kayo? Nangbabanta pa. May patunay ba kayo na totoo ang mga pinagsasabi niyo?" Sumeryoso na rin ako. Hindi pwedeng dumagdag ang gustong pumatay sa akin. Malaking kalaban na si Truss, ayaw kong dagdagan ng dalawang mukhang bigatin din sa pagpatay. "Hindi niyo man lang ba naisip na baka tumitipid lang ako kaya hanggang ngayon ay may tira pa akong cards? Grabe naman kayong mambintang niyan. Tsaka rule breaker? Kung totoo ngang ako 'yon, edi sana tinapos na ako ng mga Executors, 'di ba? Paanong buhay pa ako ngayon kung gano'n?"

Biglang pumalakpak si Trinity at ang madilim niyang mukha ay bumalik sa palakaibigan katulad na lang kanina. Napatingin ako sa paligid kong may naagaw ba siya ng pansin pero good thing at kanya-kanyang trip ang mga co-pladents namin. Ang iba ay nakikinig sa patuloy na klase kung saan may video na pinapalabas at may instructor kuno na nagtuturo ng iba't ibang klase ng armas. Ang iba naman ay tulala lang sa kawalan katulad ni Dessy. Pero sina Truss at Rogue na parehong nakatingin sa banda ko.

"So we have a newbie right here. She didn't know about the Rule breakers." Tapos ngumisi pa ito ng malapad. "I think you really should hunt her down later, Hainah. She don't deserve to be alive at all."

Tang...na? Anong pinagsasabi ng mga taong 'to?

"Same thought, Trinity. Mukhang kailangan niya na ngang mamatay mamaya," akma sana akong hahawakan sa pisngi ni Hainah pero sa gulat ko ay natapik ko palayo ang kamay niya. Umalingawngaw ang tunog no'n sa buong classroom, dahil siguro sa lakas ng pagkakatapik ko. Kinain pansamatala ang tunog na nanggagaling sa video sa unahan. "And it seems like I'm gonna enjoy it also. I mean, hunting you down."

At opo, imbes na makalusot ay mukhang nakahanap ako ng panibagong maghahanap sa akin para patayin ako. Mukhang mas kailangan kong magtago ng mas maigi mamaya.

And what's with the words 'rule breakers'. Ano 'yon? Dahil lang sa 'di ko raw alam kung ano ang totoong kahulugan no'n ay napunta na ako sa top list ni Hainah?

What the hell, right? Wala na bang mas lalala pa sa sitwasyon ko?

*****
A/N: Parang gusto kong i-binge update ito. Para makarating na agad do'n sa paborito kong part. Hehe. Skl.

Next week, start ng chapter 9.

School of the Fittest (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon