A/N: Warning! Violence ahead!
Part 3: Tourney
Chapter 10.1: Half-sane"AAAHHH!"
Sa madilim na parte ng Mini Forest ay umalingawngaw ang sigaw na 'yon. Sigaw ng isang lalaki na buhay pa man ay pinuputulan na ng paa ni Cringe Leavitt, isang Russian. Malaking lalaki at bagay na bagay sa kanya ang armas niya na double-sided axe. Matalim, malaki at delikadong makalaban.
"I can't hear you~" sabi niya, umarte pa na hindi niya narinig pero ginaya ang tono ng boses ng kapitan na kumanta ng opening ng Spongebob Squarepants.
Ang kumikinang na mga mata at ang ngisi ni Cringe ang nagpasama pa ng pakiramdam ng lalaking biktima. Mukha siyang demonyo na tuwang-tuwa pa sa nakikitang sakit mula sa biktima at parang halimaw na nakawala pa sa hawla niya. Isang tao sa panlabas na anyo pero ang puso ay hindi alam ang salitang awa.
Marami nang tama ang lalaki sa katawan pero ang pinakakritikal ay ang mga putol nitong paa. Madugo na ang paligid nito kaya hindi na nagulat si Cringe nang nanlamig at hindi na gumalaw pa ang lalaki.
Nawala ang ngisi ni Cringe."It's over already? Boring~"
Tapos walang awa pa nitong pinatok ng pinatok ang katawan ng kawawang lalaki. Dahilan para mas lumala pa ang itsura nito. Ngunit wala lang 'yon kay Cringe. Kulang pa nga kung para sa kanya.
Kulang pa. Oo, kulang pa. Gusto niya pa ng mas malala. Kailangan niya ng mas malala. Gusto niyang—
"Wah!" Napahawak siya sa ulo niya ng sumakit na naman iyon. Heto na naman ang sakit niya. Sakit na tinatawag niyang konsensya.
"Sorry, sorry, sorry," paulit-ulit niyang sabi pero kinalaunan ay tatawa ng tatawa.
Baliw.
Oo, tama ka. Baliw nga siya. Twelve years old si Cringe nang hindi niya na nakayanan ang mga training na binibigay sa kanya ng pamilya niya dahilan para magkaroon siya ng pangalawang katauhan na tinatawag niyang konsensya. Pinapahirapan siya nito pagkatapos niyang makapatay pero kapag hindi naman makapatay ay magwawala ang totoong Cringe.
Iyon ang dahilan para ikulong siya sa sarili nila mismong Mental Hospital at itinuring na mabangis na buwaya na pinapainan ng mga civilian para patayin na siya ring matatawag na gamot niya, gamot na kinakaadikan niya and in the same time, kinakaayawan niya.
Magulo, oo. Magulo talaga si Cringe at ang konsensya sa loob niya.
Nakakapagtaka nga na nasusunod niya ang patakaran at pamantayan ng laro kahit may sakit nga siya sa utak. Siguro konsensya na mismo ang nagpapasunod sa kanya sa AM hours pero kapag PM hours, hindi na nito makontrol pa si Cringe. Tamang pakikialam na lang ang nagagawa nito sa kanya. Katulad ngayon.
'I don't really want to kill anyone.'
'No, you do.'
'No, I don't.'
'Bastard, you fcking do!'
'Please, stop'
'I need more. I want more. I—'
'No! Stop!'
"Shut up!" sigaw ni Cringe sa sarili niya mismo. Dahil sa tingin niya ay masyado nang nakikialam ang konsensya niya ay uminom na siya ng baon niyang gamot. Illegal drugs iyon, pampatahimik sa kaibigan niyang konsensya.
"So the famous wild crocodile is actually crazy," sabi ni Owan Kohler na galing sa Singapore. Isa siyang expert killer at kilala sa armas niyang humahaba, umiikli na spear. Ngunit ngayon ay naka-full length ang spear niya dahil alam niyang hindi basta basta ang makakalaban niya.
BINABASA MO ANG
School of the Fittest (Hiatus)
ActionJia Zamora can be called as the Cat Burglar. A thief, a bad girl and surely, a criminal. Meanwhile, Glea Calaveras, her best friend, is an angel. Glea's very opposite of her but Glea didn't mind having her despite of it. Jia loves Glea like a true s...