Kabanata 10:Casa AvenistaARAW ng Sabado, Maaga akong nagising para maghanda sa pag-alis namin papunta sa Casa Avenista mamaya. Iniisip ko palang na pupunta kami don mamaya ay na-e-excite na ako masyado. Hindi ko pa masyadong alam ang pasikot-sikot dito sa La Trinidad kaya pumayag ako sa naisip ni Amaris na magpunta sa Casa Avenista para naman may alam akong lugar dito kahit pa-paano.
Ang sabi ni Amaris, talagang dinadayo ang Casa Avenista dito dahil yon ang pinakasikat na Isla. May kalayuaan dito sa lugar namin pero kakayanin naman daw kung may dala kaming sasakyan kaya nagpresinta na ako na ang Van namin ang gagamitin. Aabutin nang limang na oras ang byahe Kaya naman sa sobrang excited ko hindi ako nakatulog nang maayos dahil iniisip ko ang mga dadalhin ko don dahil ayokong magpag-iwanan. Napagdesisyunan namin na sabay sabay na kaming pupunta sa Casa Avenista Nagplano din kami na doon na mag Tanggalian.
I took my small suitcase and put my two piece, make-up, my flipflop slippers, sunglasses, summer hat and my other necessities. Pagkatapos kong mag-imapake ng dadalhin ko patalon-talon akong naglakad pababa. Ngayon nalang ata ako natuwa ng ganito dahil makakagala na ako--sa ibang lugar nga lang at hindi katulad sa Maynila na nakasanayan ko na puro shopping.
"Magandang Umaga, Senyorita" bati sa'kin nang mga nadadaanan kong katulong.
Kumaway ako at ngumiti. "Magandang Umaga din!" bati ko.
Mukhang nagulat sila dahil ito ang unang beses kong batiin sila. I just shrugged my shoulder and turn my back on them. Tuloy lang ako sa paglakad habang may ngiti na nakapaskil sa aking labi. Napagdesisyunan ko munang dumiretso sa Garden para silipin ang mga bulaklak dahil baka malanta na ang mga yon. May kanya kanyang ginagawa ang mga katulong dito at minsanan lang nila madaanan ang Garden para diligan ang mga Halaman. Maliban nalang kung nandito si Seven para gawin yon.
Sumalubong saakin ang isang hubad na likod ng isang lalaki. Napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa pader.
Si Seven. May kupas na sumbrero na nakalagay sa ulo nito. Sa kanang kamay naman niya may hawak-hawak s'yang hose at dinidiligan ang mga halaman habang ang kaliwang kamay naman niya ay nakalagay sa baywang niya
Bakit kahit anong gawin niya ang perpekto niya pa ding tignan? Tulad ngayon, nagdidilig lang siya pero ang lakas na agad nang dating niya.
Buti pa yung halaman dinidiligan
Napalunok ako. Bakit pakiramdam ko nagiging manyak ako pag nakikita ko siya? Bigla 'kong hinablot at diniretsong inom ang baso ng tubig na nasa aking tabi. bigla nalang ako nakaramdam ng uhaw.
Gosh! Bakit parang biglang uminit?
Pinang-paypay ako ng aking dalawang kamay dahil ramdam ko na ang pamumula ng aking dalawang pisngi dahil sa init. Maputi ako kaya kapag natamaan kaagad ako ng sinag ng araw, mamumula nalang bigla ang mukha at balat ko. I got this from my mom, we have the same color of skin, except from my Dad. My Dad has a tanned-skin. My daddy grew up in the province before he met my Mom. Sanay na ang mga tao dito sa probinsya na magbabad sa init lalo na ang mga taong nagtatrabaho sa farm na talagang kahit mainit ay nakabilad sila.
"A-ah..." Mabilis akong napabaling sa nagsalita saaking tabi. May dalawang babaing katulong na may dala-dalang tray na naglalaman ng pagkain at Tubig. Parang pamilyar saakin ang mukha ng dalawang katulong na to.
Pilit kong inaalala kung saan ko sila nakita dahil pamilyar sila. Nanliit ang aking mata nang matandaan silang dalawa! Sila yung nakita kong nagdala ng cake at juice dati kay Seven nung pag dating dito, naalala ko nasa Veranda ako ng aking kwarto na ang view ay ang Garden.
Mga mahaharot.
Hinarap ko silang nakapamaywang "Anong ginagawa n'yo dito?"
"Ah.. S-senyorita..."