Kabanata 34: Back
"Mag-ingat kayo doon, hija.. Basta may susundo sa 'yo roon sa terminal. H'wag kayo basta-basta umalis doon at baka kayo'y maligaw! Malaki pa naman ang lugar nang La Trinidad."
Maligaw... kung alam mo lang Aling Nenita.. Alam na alam ko na ang lugar na iyon.
"Opo, maraming salamat sa kabaitan sainyo ni Jessca, Aling Nenita, kundi d-dahil sainyo baka walang-wala na kami ni Saint ngayon..."
"Ano kaba bestfriend ayos lang! Basta tumawag ka, ha? Baka naman kalimutan mo na ko niyan..." Ngumuso siya.
"Malabong makalimutan kita." I chuckled.
Paano ko naman siya malilimutan kung siya ang dahilan kung bakit nandito pa ako sa mundong 'to. Malaki ang pasasalamat ko sakanya kaya malabong makalimutan ko si Jessica..
"Hija, mami-miss ko kita.. Lalo na si Saint, parang apo kona ang batang iyan.." Pinunasan niya ang gilid ng kanyang mata.
Ibinaba ko ang hawak kong malaking bag at kinuha ang kamay niya. Hinaplos ko iyon.
"Mami-miss ko rin po kayo. Lalo na si Saint paniguradong lagi kayong hahanapin no'n.. Maraming salamat po talaga. Hinding-hindi ako magsasawang m-magpasalamat.."
Pinahid ko ang luha ko at niyakap silang dalawa. Parang nanay na rin ang turing ko kay Aling Nenita at kapatid naman kay Jessica. Sayang nga lang at hindi man lang ako nakapag sorry kay Amaris bago niya lisanin ang mundo. Alam kong masyado akong naging matigas sakanya. Hindi ko man lang nasabi sakanya na swerte ako at naging kapatid ko siya.
Mom, Dad, Amaris... I really missed you.. Gabayan niyo po sana ako sa pagdating ko sa La Trinidad..
Nagpaalam na kami sa isa't-isa at binuhat si Saint para makasakay na sa bus papuntang La Trinidad. Madaling araw palang kasi nang gisingin ko si Saint para ayusan dahil iniisip ko na baka maraming tao kapag masyado kaming nagpahuli.
Buong byahe ay nakatanaw lang ako sa bintana habang si Saint naman ay nakasandal sa akin. Halos apat na oras na rin kaming bumibyahe. Ginising ko lang si Saint nang kakain na para sa tanghalian.
"Ma.." tawag niya. Kinukusot-kusot pa niya ang mata at nakanguso ang mapupulang labi.
Cute.
Pinisil ko ang tungki nang ilong niya at hinalikan ang kanyang pisngi.
"Kain na tayo, be?"
Luminga-linga siya habang kinukusot pa rin ang mata.
"Lola Nena..." He's about to cry. Bigla akong nataranta. Ang sabi niya kasi sa akin kanina ay kung sakaling makatulog man siya ay gisingin ko siya bago kami makasakay nang bus dahil gusto niyang personal na magpaalam kay Aling Nenita kaso ayaw naman ni Aling Nenita dahil iniisip rin niya na baka mahirapn kami kapag gano'n.
I cupped his cheeks. I gently smiled at him. "Sorry, nak 'di na kita nagising kanina. Tulog na tulog kana kasi.. atsaka pinapasabi ni Lola Nena mo na mami-miss ka niya.. Tatawagan ka raw niya kapag nakarating na tayo don." Pampalubang loob ko.
Suminghot siya at pinunasan ang sariling luha. Ngumiti ako.
"Hindi mo kailangang itago sa akin ang luha mo nak.. Pogi ka pa rin naman kahit naiyak." I teased.
He pouted and crossed his arms. Sumandal siya sa upuan at sumalubong ang kilay. "Hindi naman umiiyak si Saint, Mama.. saka pogi naman po talaga ako." he whispered.
I chuckled and messed up his hair. "Ano nga ulit ang turo ni mama?"
His lips protruded even more. "It's owkay for boys t-to cry, woo.." bulol niyang sabi.