Kabanata 30

296 27 4
                                    


Kabanata 30: Saint

Why life seems to be unfair? Why can’t we get the things we want the most? Why do we suffer even though we don’t deserve it?

Some things just don’t seem right, like they shouldn’t be. They say that everything happens for a reason but does it really? It had felt like the universe was against me when I had my heart completely broken.

I thought “What did I ever do to deserve this?” and everything just seemed so unfair, that it would happen to me at that particular time. It felt like there was no way out.

We suffer a lot because we only think about how life is unfair to us, ask a lot of whys, compare ourselves to others, we don’t want to accept it and just move on. Everyone in this life has a place they stand, orchestrated by the laws of the universe. You need to fight for yours. Don’t ever compare yourself.

Today we live in a cash-for-trash world. Anyone can stand up and say anything unkind, unfair or completely untrue about you, and then they are rewarded financially for it… because life is unfair.

Sometimes I ask myself why such things happen to me. Ginawa konaman ang makakaya ko para maging isang mabuting anak. Naging kapatid ako. Nagmahal lang naman ako. Wala naman akong tinatapakan na kahit sino pero bakit? Bakit hindi patas ang mundo?

"Amara! Aba dali-dalian mo ang kilos mo! Bawal ang ku-kupad kupad rito!" Agad kong ibinaba ang hawak kong tray at nagmamadaling pumunta kay aling Pasing.

Halos umusok na ang ilong niya sa galit.

"Dalhin mo ito ron sa mga estudyante! Dalian mo dahil kanina pa kita tinatawag para kanamang bingi!"

Napakagat nalang ako ng pang-ibabang labi nang basta nalang niyang ibinigay sa akin ang tray na puro mga sabaw. Natapon ang ilang mainit na sabaw sa braso ko. Agad akong dumiretso sa table ng mga lalaking estudyante.

Base sa uniporme nila ay sa pribadong paaralan sila nag-aaral. Kanina pa sila rito at puro sila hiyawan. Nang makalapit ako sakanila dala ang order nila ay nagsitahimikan sila dahil base sa labi nila, nakatikom iyon. Nanginginig ang kamay kong inilapag ang sabaw.

"Miss, nanginginig ka. Ayos kalang?" Dahil sa gulat ay nahablot ko ang kamay ko. Natapon ang sabaw sa katabi niyang babae.

"Oh my gosh! Ang tanga mo naman! Tignan mo ang ginawa mo! Nabasa ang Gucci bag ko! Hindi mo ba alam na mas mahal pa 'to sa buhay mo?" she shrinked. Kinuha niya ang baso na may lamang juice at binuhos niya sa mukha ko.

Naalarma ako. Baka mabasa ang bagay na nasa tenga ko!

Akala ko tapos na siya ngunit napapikit ako nang hablutin niya ang buhok ko. Sobrang sakit nang anit ko dahil sa pagkakahila niya kaya napatili ako. Inawat siya nang mga kaibigan niya kaya nabitawan niya ang buhok ko.

"Tama na po! P-Pasensya na talaga, Ma'am.." naramdaman ko ang kamay ni Jessica sa braso ko na marahang hinihimas.

"Bwisit! Ang liit na nga ng kainan niyo dito tapos ang bobo pa ng waitress niyo!"

Umiiyak na yumuko ako at kinuha ang pamunas sa bulsa ko para punasan ang sahig. Hanggang ngayon ba naman Amara tanga tanga ka pa rin? Bakit ba ang malas ko!

"Naku! Pasensya na ho dito sa babaeng ito! Bingi kasi kaya sana pagpasensyahan niyo na.." si Aling Pasing at hindi magkandauga-gang punasan ang bag nung babae.

Wala akong nagawa kundi umiyak. Ganito naman talaga 'di ba? Kapag mahirap ka wala kang karapatan na magsalita. Lagi kang nasa ibaba nang mga taong nakatataas sa 'yo.

"Pasensya kana, Miss.."

Kahit na hindi ko masyadong narinig ay tumango nalang ako. Kaya sa huli ay ako ang nagbayad ng mga mangkok na nabasag. Nanghihinayang man ay wala akong nagawa. Tinignan ko ang laman ng luma kong wallet.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon