Kabanata 39

284 20 11
                                    

Kabanata 39: Hold back

I never opened my mouth again to speak. As soon as the car stopped outside, I immediately got out with the eco bags and ran to the entrance of the big door. Hindi ko na ininda ang masakit na kamay dahil sa bigat. Parang namanhid na ang lahat sa akin.

Nang makarating sa kitchen ay agad kong ibinaba sa lamesa ang mga eco bags. Tinukod ko ang dalawang kamay at nagpakawala ng malalalim na hininga. Tumutulo ang butil ng aking pawis sa bawat gilid ng aking pisngi.

Am... Am I really that heartless?

Of course! In his eyes you're fucking heartless!

That time.. I can't r-really do anything! I'm so fucking torn! My family or him? Oo, mahal ko siya! Pero bago siya ang pamilya ko ang una.. My family before anyone else! I didn't  regret that! I don't regret going with my family that time.. because that was the last time we all got together!

Imagine I never imagined that that would happen to my parents and my sister. 'Yun ang huling ala-ala ko sakanila.. 'Yun ang araw na huli ko silang nakasama..

Kaya kong sikmurain ang galit niya sa'kin pero paano naman si Saint? Gusto kong.. gusto kong makilala niya ang tatay niya dahil alam kong sabik na sabik na siya! Pero may parte sa akin na sobrang natatakot. Paano kung kuhaiin niya sa akin si Saint? Alam kong kayang-kaya niyang gawin iyon lalo na ngayong nasa itaas na siya.

Bigla akong umayos ng tayo at pinunasan ang pawis ko nang may biglaang tumikhim. Manang Cecil eyes darted on me. Tahimik siyang lumapit sa akin at inalis ang mga pinamili sa eco bags. I swallowed hard.

Tahimik akong lumakad sa ref para kumuha ng tubig. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko at nadagdagan pa iyon sa biglaang pagsulpot ni Manang.

"Ang problema inaayos para agad na masulusyunan hindi tinatakbuhan.. Dahil kung puro takbo at pag-iwas ang gagawin mo ay wala kang patutunguhan." Bigla akong nabulunan dahil sa lintaya niya.

"A-Ano pong ibig niyong s-sabihin?" Kabado kong tanong.

Humarap siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya. Parang may nais siyang iparating sa akin.

"Sinasabi ko lang sa iyo. Babae rin ako kaya marunong akong makaramdam." Parang biglang nag sitayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya.

"Kaduwagan ang tawag sa taong parating tinatakbuhan ang problema. Kung tatakbuhan mo lang ito mas lalo lamang la-lala. Kailangang solusyunan upang mawala ang katanungan sa isip at puso."

Binasa ko ang ibaba kong labi. Tumatak sa akin ang iniwang mga salita ni Aling Cecil. Sa pagsasalita niya kanina ay parang alam niya ang lahat. Halos hindi ako nakasagot sa mga sinasabi niya.

Pero... bakit niya sa akin sinasabi ang mga iyon? I sigh. Sa lahat nang narito ay hirap ako kay Manang Cecil na basahin ang nasa isip niya. Parang laging may mga nakaharang sakanya.

I looked at Saint who was now bubbly eating what I had bought. He was so excited to see me buy her his favorite. Hindi naman kasi araw-araw siyang nakakain niyan, minsanan lang dahil ayaw ko siyang sanayin sa mga ganyang pagkain.

"Good boy ka ba habang wala si mama? Baka naman pinagod mo si Tita Annabelle.."

Agad siyang umiling. Punong-punong ketchup ang matambok niyang pisngi. "No po. Nakatingin lang po ako doon." sabay turo niya sa bintana.

"Tapos may kumatok po kanina sa pintuan..pero nung pagbukas ko naman po wala naman pong tao. Tapos nakita ko po 'to sa sahig!" Excited niyang kwento at inangat ang maliit na laruang sasakyan.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon