Kabanata 28

307 50 7
                                    


Kabanata 28: Hurt

True to his words, he really leave before I woke up. Nagising nalang ako na wala siya sa tabi ko. Parang walang bahid na may katabi ako kagabi dahil sa diretso at walang gusot ang tabi ko.

Nakaramdam ako ng konting pagkabigo dahil akala ko ay masisilayan ko siya. Pero sino ba ang niloloko ko? 'Di ba nga dapat ay masaya ako dahil sumunod siya sa usapan na aalis agad siya bago sumikat ang araw.

The atmosphere in dining was too quite. Nakayuko lamang ako habang hinihintay silang bumaba para sa agahan. Maaga akong ginising ng mayordoma dahil inutos daw sakanila ni mommy iyon para sabay-sabay kaming mag-agahan.

Ako ang unang nandito sa hapag at hinihintay silang bumaba. Maya maya pa ay nakarinig na ako ng  mga boses na pababa.

"Ang sarap po talaga ng tulog ko kagabi ma, pa. Pwede po bang sa tabi niyo ulit ako matulog mamaya?"

Boses iyon ni Amaris. Kung gano'n ay hindi siya sa silid niya natulog kundi kila mom at dad? Pero bakit?

"Of course, Sweetie.. Maganda nga iyon dahil mahimbing din ang naging tulog ko. Panigurado pati mamaya ay gano'n din, right, honey?"

"That's right. How about the four of us later, with Amara?"

"Po? pero Pa, pwede po bang tayo muna nila mama? Ngayon ko lang po kasi kayo makakasama. Atsaka matagal na kayong nakakasama ni Amara. Baka pwedeng ako naman po?"

"Alright. If that what you wants, Amaris.."

Humigpit ang hawak ko sa table napkin. Bakit iba yata ang dating sa akin no'n? Galit pa rin ba siya sa akin kaya ayaw niya akong makasama?

Tahimik lamang akong kumakain habang sila ay nag-uusap. Pakiramdam ko tuloy ay wala ako dito. Masaya silang nagk-kwentuhan na para bang walang nangyaring kaguluhan kagabi.

Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko si mom. Todo asikaso siya kay Amaris. Nilalagyan ng kanin at ulam ang plato ni Amaris. Si dad naman ay natutuwang nakatingin sakanilang dalawa.

Lagi kong katabi si mom kapag nasa hapag kami. Pero ngayon ay nasa tabi siya ni Amaris.

I totally felt left out. Only now have I felt like this. But I should be happy, right? Because mom and dad are also happy that Amaris is finally home at dapat gano'n din ako.

Amaris cleared her throat.

"Amara, gusto ko lang sanang humingi ng tawad dahil sa inasta ko sa 'yo kagabi. Pasensya ka na nadala lang ako ng galit."

Nagparte ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Dapat ba na ang sagot ko ay 'Ayos lang?' kahit hindi naman talaga ayos para sa akin. Nasaktan din ako sa sinabi niya sa akin na wala namang katotohanan.

Umpisa palang ay hindi ko alam na magkapatid kami. Kagabi ko lang nalaman na siya pala ang tinutukoy na kapatid ko.

I looked at mommy. She is looking at me with her hopeful eyes. Napaiwas ako ng tingin.

"Ayos lang. Naiintindihan ko.." I need to.

"Great! Buti naman. Ayaw kong mag-away ulit tayo lalo na't ikaw ang nakababata kong kapatid." ngumiti siya.

"Tama ba ang dinig ko? Mag-away ulit? Nag away kayo?" tanong ni daddy.

Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Amaris.

"Opo. pero alam ko naman pong kasalanan ko. Dapat ay nakinig ako sakanya." hinawakan niya ang kamay ni dad. "H'wag po sana kayong magalit sakanya, Pa."

Tumango-tango siya. "Okay. Pero ayaw kong nag-aaway kayo, maliwanag?"

"Yes, Dad." ako.

"Opo, Pa." si Amaris.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon