Kabanata 4:SevenNANG dahil sa nangyaring kahihiyan kahapon buong araw akong nandito sa kwarto ko kung kakain man ako ay magpapatawag lang ako ng katulong para maghatid ng pagkain at mga kailangan ko.
I'm just here in my room laying in my bed and thinking what should I do next?
Inabot ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table at naglaro nalang ako mga games na nakainstalled sa cellphone ko dahil hindi pa ako pwedeng makagamit ng social media.
Nang mapagod ako kakalaro ay pumunta ako sa gallery at doon tinitigan ko ang mga pictures ko dati kung saan malaya pa ako at kung saan hinahangaan ako ng lahat. but because of my recklesness I'm here at the province where no one can recognize me as the Amara the bitch,that's what people are now saying because of that fucking picture.
Well, dito sa La Trinidad they only know me as the only daughter of Don Alfonso Vergara and Melissa Anne Vergara ang mga tinitingala at hinahangaan ng mga tao dito sa La Trinidad.
As I scroll through the pictures I stopped when I saw our picture. it was me Roxanne and Rocky in one picture halos abo't langit ang ngiti namin sa picture na to this picture is taken when we're in collage napapagitnaan namin si rocky habang nasa kaliwa ako at si Roxanne ay nasa kanan.
Mapait akong napangiti ng maalala ko ang collage days naming tatlo ABM ang kinuha
kong course dahil pagdating ko sa tamang edad ay ako na ang magmamana ng business namin while rocky took the STEM because he said he wants to be a great engineer and also he said that someday he wants build her own house with his own family, and Roxanne took HUMMS dahil gusto niyang maging isang teacher at bumalik sa Casa Constella para doon magturo dahil doon naman daw siya pinanganak at gusto niyang matulungan ang mga batang gustong matuto dahil madaming tao ang gustong makapag-aral doon pero dahil sa kahirapan ng buhay ay hindi na nila nagawang makapag-aral kahit na gustuhin pa nila.Malalim na napabuntong hininga ako dahil wala na talaga akong ibang magawa dito sa kwarto ko sa sobrang bored ko nga nilinis ko kanina tong kwarto ko kahit na hindi ko talaga gawaing maglinis ng sarili kong kwarto nung nasa maynila pa ako ang mga katulong namin ang gumagawa no'n para saakin dahil hindi talaga ako sanay gumawa ng gawaing bahay.
Napagpasyahan ko nalang na bumaba makalipas ang limang minuto dahil parang mababaliw na ako sa loob kung magkukulong pa ako dahil sa kahihiyan ko kahapon.
Duh, 'di ba dapat wala akong pake ako kung nahuli man niya akong nakatingin sa kanya kahapon, akala naman niya ang ganda ng katawan niya! feeling niya! madami na akong nakitang mga lalaking naka topless sa manila at si rocky talaga ang magandang katawan ang pinakahinahangaan ko.
Not until I saw that Seven's body.
I shook my head, the hell? where was that coming from Amara?! always remember na si rocky lang at wala ng iba! napatango ako sa iniisip ko tama si Rocky lang dapat.
--
Sumapit ang hapon ay halos mabaliw na ako kakagulong sa kama ko. bumaba ako kaninang tanghali para kumain ng tanghalian luckly hindi ko nakasalubong o nakita ang seven na iyon kaya nakahinga ako ng naluwag at malayang nakakain at pagkatapos no'n ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko para magpahinga
At ngayon ay nab-bored na naman ako dito at gusto kong lumibot man lang. narinig ko kanina sa mga katulong dito na maganda daw ang batis dito sa La Trinidad at madami ang dumadayo pero sa pagsapit ng ganitong araw ay bihira na ang nagpupunta don dahil lahat ng tao ngayon ay abala sa pagtatrabaho.
I wore my red string bikini at pinatungan ko ng white smock dress na abot hanggang itaas ng tuhod ko.
Lumabas na ako ng aking silid at bumaba. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbaba ng makita ko ang pagkukumpulan ng mga katulong sa may swimming area. napansin ko din na nagtitili sila at nagpapaluan ng balikat at hindi mapakali sa tinitignan nila.