Kabanata 11

530 160 8
                                    

Short UD muna for now.

---

Kabanata 11:Realization

PALINGA-LINGA ako habang naglalakad sa dalampasigan. Habang naglalakad ako sumasabay sa hangin ang aking buhok. Hinahayaan ko lang sumabay ito sa hangin at dinadama ang hangin. Ngayon nalang ata ako nakapag relax nang ganito dahil masyado akong naging abala sa mga schoolworks ko.

Kung dati ay pa chill, chill lang ako dahil kahit mababang grades ang nakukuha ko ay nagagawa kong pumasa sa tulong ni Daddy. Pero ngayon ay iba na. Kailangan kong pag butihin ang pag-aaral ko dahil napag-isip isip ko din na ngayon ay malayo na ako kila Mommy at Daddy ito na ang oras para tumayo ako sa sarili kong mga paa.

Kailangan kong makakuha nang magandang marka na ipagmamalaki ko na ako ang tumulong sa sarili ko na hindi tulad dati na mas inuuna ko pa ang pag mo-modelo ko kaysa saking pag-aaral. Kung babalik man sa dati ang buhay ko mas pipiliin ko nang unahin ang pag-aaral ko.

Sabi nga nila Ang Edukasyon ay ang tanging yaman na kailan man ay hinding-hindi Mananakaw sa atin ninuman. Kung ang pagmo-modelo nga talaga ang para saakin darating yan sa tamang panahon sa ngayon pag-aaral ko muna ang uunahin ko.

"Nasaan na ba kasi 'yon?" bulong ko sa sarili ko.

Halos libutin ko na ang buong Isla pero hindi ko pa din siya mahanap. Malalim akong napabuntong hininga at nagpasyang dumiretso nalang sa Hotel.

Hindi naman siguro siya aalis diba? Inutusan siya ni Daddy na bantayan ako kaya dapat lagi siyang nasa tabi ko para bantayan ako pero bakit ako ngayon ang naghahagilap sakanya?

I decided to just go back to my suite. As I walk towards my suite. I stopped walking. I suddenly remembered something. I feel like I have something I forgot to bring with me. I'm always like this if I feel like something is missing from my belongings, I will stop and think what is missing from my belongings.

Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa Parking lot ng Hotel. Humahaba ang aking leeg para hanapin kung saang number naka park ang sasakyan medyo madilim na din kasi dito dahil nasa pinakababa itong Parking lot.

Nang mahanap ko kung nasaan nakapwesto ang sasakyan ay lakad takbo akong pumunta sa direksyon no'n. Pero napahinto ako sa nakita ko. Parang mayroon biglang humaplos na mainit na kamay sa aking puso. Biglang nawala ang inis ko kanina dahil sa nakikita ko.

Seven, wearing his usual outfit when his around Hacienda. A white tshirt, an old jersey short and his also old slippers that were obviously worn out, He obviously just patched his slippers.

The door of a van is open. May maliit na upuan sa harap niya at may nakapatong don na tupperware na may lamang kanin habang nakatukod naman ang kanyang dalawang siko sa kanyang tuhod. May hawak siyang tupperware habang kumakain ng naka-kamay.

My forehead creased when I saw a white small cat infront of him. The cat meowed and drank the water in the cutout bottle. I saw, Seven's slightly smile and caressed the cat's head, the cat bowed it's head, as if enjoying, Seven's caress. Bumalik ulit si Seven sa pagkain at hinayaan ang pusa sa harapan niya na kumain.

Pamilyar sa akin ang kinakain niya dahil nakikita kong kinakain din yon ng mga katulong sa Hacienda. Napakagat ako ng aking labi ng alalahanin yon.

It's called... Uh.. Dried fish?

Pinapanood ko lang siyang kumain hanggang sa matapos siya. Nandito ako nakatago sa gilid ng sasakyan malapit kung saan naka park ang van. Kasalukuyang nagliligpit na ito ng kinainan niya. Nilagay niya sa iisang supot ang pinagkainan niya.

Nag-aalangan ako kung lalabas pa ba ako sa pinagtataguan ko o wag nalang. Pero may parte sa akin na gustong lumabas at mag pasalamat sa ginawa niya kanina sa may fast food chain.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon