Kabanata 26

431 109 13
                                    

Kabanata 26: Thank you

Happiness.. It is difficult to talk about happiness. For every person the word happiness has its own special value and is associated with the way of life. What is happiness and how to achieve it? Is it a feeling of lightness, joy, peace? Is happiness being measured by human achievements? Each defines it for himself, and it is the only general recipe of how to be happy.

Happiness doesn't happen out of anywhere it has to be worked on it has to be produced, created, discovered, built from the ground up. And it has to be a decision in one's mind the decision to be happy.

At ngayon dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Doble ang kaba ko kanina at talagang kinabisado ko ang speech ko. Nagpalak pakan sila nang maidaos ko ng maganda at malinaw ang speech ko.

"Congrats bebe kwah!" matunog akong hinalikan ni Colton sa pisngi na ikinangiwi ko.

"Hoy! Alis nga d'yan!" pumagitna saamin si Amanda. "Bakit ka nandito aber? Hindi ako nainform na kaklase ka pala namin."

Ngumisi si Colton. Matagal na din bago kami nagkausap. May sarili din naman kasi siyang buhay na kailangang gawin. Kaya minsan kapag hindi namin siya kasama kaming dalawa lang ni Amanda ang laging magkasama.

" 'To naman! Selos agad 'tong bebe number 2 ko. Ayos lang 'yan, makakasali ka din sa with honors galingan mo lang 'yang pag tulog mo sa klase at balang araw ay magiging top 1 ka sa pagtulog."

Napaigik siya ng sikuhin siya ni Amanda sa sikmura.

"Sakit no'n, ah!" reklamo niya.

Itinaas ni Amanda ang kamao niya. "Mas masakit kapag ito ang tumama sa 'yo! Kaya pwede umusog ka nga!"

Nakangusong umusog naman si Colton at umirap sa hangin. Napailing ako. Hanggang ngayon pa rin talaga para silang aso at pusa.

"Nandito si Mom at Dad, pakilala ko kayo."

Bawat nadaraanan ko ay puro papuri ang natatanggap ko. Masarap pala sa pakiramdam yung napupuri ka dahil sa bunga ng pinaghirapan mo.

Hinila ko sila papunta sa direksyon nila Mom at Dad. Agad nila akong sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Were so proud of you, Sweetie.."

My smile widened. Even I am proud myself. It's my first time. First time maging top 1 sa klase. Kung dati ay puro line of 8 ang nakikita ko sa card ko ngayon ay halos tadtarin ng line of 9 ang card ko.

"Mom, Dad.. this is Amanda and Colton, my friends."

"I'm Amanda De Silva po," magalang na pakilala ni Amanda.

"Colton po boyfriend ni, Amara." tinulak pa ni Colton si Amanda para makasingit at naglahad ng kamay sa magulang ko. umirap si Amanda.

Mommy gasped. Daddy's brow furrowed.

"Boyfriend?" mariing saad ni Dad.

"Opo." ngising sagot ni Colton.

"May boyfriend ka, Amara?" tanong ni Dad. " 'Di ba ang sabi ko ayaw 'kong mag boyfriend ka muna." he said firmly.

Mommy awkwardly laughed. "Honey.." she caressed Dad's arm to calm him down.

Si Colton ay mukhang naguguluhan sa nangyayari. Tinignan ko si Amanda. Mukhang nakuha naman niya ang nais 'kong iparating. Pasimpleng siniko niya si Colton sa tiyan at pinandilatan.

"Makinig ka hijo. Layuan mo ang anak ko dahil hindi ako pumapayag na magka nobyo siya."

"N-Nobyo?!" gulat na banggit ni Colton.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon