Kabanata 43: Together
Happiness doesn’t happen out of anywhere it has to be worked on the decision to be happy. The procedure is quite simple, believe it or not. One must have a conviction to be happy no matter what trouble life throws at them. Sometimes, life can undoubtedly disrupt a person’s happiness, getting in the way of them enjoying every day of it, with all the countless and never-ending mishaps and suffering.
"Mama, gusto kong katabi si papa!" masiglang sinabi sa akin ni Saint.
I froze. I looked at Seven. He's sitting on the floor while Saint is in his lap. Saint wants to sleep next to him what should I do? I started to panic. Paano 'to?
"You can sleep in my room do you want that?" malambing na sinabi niya kay Saint.
Nakitaan ko ng tuwa sa mata si Saint dahil sa inalok niya.
"Malamig po ba ron sa kwarto mo, Papa?"
He nodded. "Hmm. Malambot at malaki rin ang higaan ko. Kasya tayo ron."
"Gusto ko po! Gusto ko po!"
Napamaang ako. Talaga lang Saint porket nandyan na ang papa mo ay iiwan mo na ang mama mo? I sigh. Kung ganon pala ay mag-isa lang akong matutulog dito sa silid na 'to.
"Mama?" tawag niya sa'kin, hinihingi ang permiso ko.
"K-Kung ayos lang sa papa mo, edi sige.."
"It's okay with me."
Nagulat ako dahil ang bilis ng sagot niya na parang pinag-isipan niya talaga.
"Kung ganon ay sige... P-Pumapayag na rin ako."
Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Saint para alalayan sa pag akyat dahil malalaki ang hakbang sa hagdan. Napapahabol ng tingin si Saint sa mga bagay na nakikita niya. Hindi ko siya masisisi dahil ganon rin ako nung unang tungtong ko rito.
"Ang ganda po ng bahay mo, Papa." manghang sabi niya.
He chuckled. "This is your grandpa's house not mine. But I'm planning to buy a mansion."
He... He is planning to buy a mansion? For what? Sobrang laki naman ng bahay nila rito bakit kailangan niya pang bumili?
Ngumuso si Saint. Mukhang napansin iyon ni Seven dahil tahimik si Saint.
Huminto siya sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako dahil hawak ko si Saint. Tahimik lang ako dahil nahihiya akong sumingit sa usapan nila.
"What's the matter, son?"
Mas lalo siyang ngumuso. Humarap sa'kin si Saint at binaaon ang mukha sa tiyan ko. Mukhang alam ko na. Ganito siya minsan kapag tinuturuan ni Aling Nenita.
"Hindi kasi siya masyadong nakakaintindi ng ingles kaya kung maari ay mag tagalog ka kapag kausap mo siya. Nakakaintindi siya pero hindi masyado." paliwanag ko.
Nagsalubong ang makapal niyang kilay bigla tuloy akong kinabahan. "Doesn't he go to school?"
Umiling ako. "Hindi. Ang huli niyang pasok ay nung kinder pa siya sa Manila. Pero ngayon ay hindi muna dahil hindi.. hindi ko pa kaya at hindi alam ng mga tao rito na may anak ako." mahina kong sinabi.
He let out a deep sighed. "If that's the case tomorrow I will let Daddy and everyone here at the hacienda know and about Saint. I will also enroll him in one of the big schools here in La Trinidad so that he can be properly focused.." mahabang lintaya niya.
"Parang masyado atang mabilis.."
He frown. "Masyadong matagal nawalay sa'kin ang anak ko. Ito lang ang hinihingi ko sa 'yo pero ayaw mo? Para rin sa anak natin 'to."