Kabanata 15:Underwater"Ano ba 'yan Levi, butas ba yang kamay mo!?" sigaw ni Atticus.
Nandito kaming pito ngayon sa court. Sinundo nila ako kanina para samahan silang magbasketball. If I know gagawin lang nila akong tagabitbit ng tubig nila. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako sumama sakanila.
Nagulat nalang ako nang pag-gising ko ay nasa baba na sila at prenteng nag aalmusal.
"Ang bobo mo kasing bumato, E!" sigaw ni Levi.
Nakasuot sila ng kulay Pink na jersey. Personalized 'yon dahil ako ang gumawa. Magkaiba ang suot nilang jersey kapag naglalaro sa school. May nakasulat na Sacheverell sa likod ng jersey nila at ang kani-kanilang number.
Ang cute nga nilang tignan dahil kulay pink yung jersey nila plus 'yung head band, waistband na ginawa ko rin. Ayaw pa nga nilang suotin noong una pero nung hindi ko sila kinausap ay pumayag na sila.
Dumarami na rin ang mga nanonood. Nung punta namin dito kanina ay may kakaunting naglalaro dito. Umalis lang sila dahil pinaalis ni Levi. feeling may-ari ng court.
"Sean, sa'kin!" umaktong ipapasa ni Sean ang bola kay Levi ng bigla nitong shinoot ang bola sa ring.
Panay naman ang tilian ng mga babaeng nanonood. Sa bawat talon nila ay halos humiwalay na sakanila ang dibdib nila na ikinatutuwa naman nila Levi.
"Don't worry, Levi you can touch my two balls here!" sigaw nung babae.
The fuck?!
"Touch mo raw, p're!" humalakhak si kuya Caleb na sinabayan rin ng apat.
"Touch na may kasamang pisil!" nagtawanan sila sa sinigaw ni Atticus.
Naiiling na nakangisi naman si Levi habang marahan ang takbo papunta sa gawi ko.
"Elli, tubig." parang bata na utos nito. Napairap ako.
"Oh," abot ko sakanya ng bottle water.
Ngumuso ito. " 'Di mo man lang binuksan."
"Bakit wala kabang kamay?"
"Diba gano'n sa mga palabas? Pinagsisilbihan ng babae ang lalaki pagkatapos ng laro." sabi nito.
"Bakit ano bang ambag mo? Puro kalang naman takbo tapos dimo pa mai-shoot yung bola."
Nagtawanan sila kuya Caleb sa narinig. Ang mga babae sa gilid ay nakataas ang kilay sa akin. Ang isa pa ay inirapan ako, siya yung babaeng sumigaw kanina kay levi. Touch daw. Tss. Mukha namang gawa lang 'yung dede niya. Lakas ng loob.
"Malakas kasi 'yung hangin kaya pagsinusubukan 'kong i-shoot 'yung bola, lumilihis!" palusot nito.
Naiiling-iling ako. He's still the six years old Leviticus that I know. Walang pinagbago. Isip bata pa rin.
"Ano palang balak mo, Elli? bakasyon, ah." tanong ni Raf. Nakaupo kaming anim sa bleachers habang nagpapahinga. Maya-maya 'din ay uuwi na kami.
"I dunno. Siguro dito pa rin sa hacienda." sagot ko.
Sa totoo lang hindi ko rin alam. Hindi naman ako pwedeng umuwi muna sa manila dahil wala pang balita sa akin si Dad tungkol sa nangyayari sa kaso. Hindi pa rin nahahanap 'yung nagpakalat nung picture.
Sila Amanda kasi ay pupunta ng Davao para doon magbakasyon at si Holton naman ay lilipad papuntang USA para dalawin ang magulang niya. While Amaris.. well wala pa akong balita tungkol sakanya. Simula nung nag cutting siya ay hindi pa siya nagpapakita sa amin.