Kabanata 5:RuinedPADABOG akong naglalakad sa pauwi sa Hacienda dahil sa pagkabwisit ko sa apat na yon. This is suppose to be my rest day! but because of them my rest day is now ruined! and I really hate them for ruining my day!
Pero ang hindi ko maintindihan ay ang bigla nilang pagyakap saakin ng malaman nila ang pangalan ko. Those freaking weirdos! They're all good looking but base on their actions towards me is really creeping me out! Kapag naaalala ko nangyari kanina ay talagang kinikilabutan ako!
Ilang oras na akong naglalakad ngunit napapansin ko na parang iba na itong dinadaanan ko. Diretso lang ang lakad at sinusubukang alalahanin ang dinaanan ko papuntang batis.
Nagumpisa na akong kabahan habang naglalakad dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung saan patungo ang paglalakad ko. Kasalanan 'to ng apat na unggoy na 'yon e! Kung hindi nila ako ininis kanina edi sana nakauwi na ako ngayon at hindi naliligaw!
"Geez, ang malas naman!"
Huminto ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng pagod. Sumandal ako sa isang malaking puno at mariing napapikit. I think nawawala ako Kung minamalas ka nga naman talaga!
Napapitlag ako ng biglang kumulog ng malakas halos malaglag ang puso ko dahil sa sobrang pagkagulat. Ilang saglit pa ay bigla nalang may pumatak na tubig sa balikat ko. Napatingala ako sa langit ng biglang maging sunod-sunod ang pagpatak. Dumidilim na din ang bawat paligid at sa palagay ko ay nagbabadya na ang malakas na ulan
Umalis ako sa pagkakasandal sa malaking puno at nanginginig na gumawa ng malalaking hakbang. Dahil sa pagmamadali ko kanina na makaalis sa harap ng apat na 'yon basta ko nalang sinuot ang cover up at nakalimutan kong magpunas ng katawan dahil sa pagmamadali.
Bawat hakbang na aking ginagawa ay pabilis ng pabilis ang pagpatak ng ulan kaya naman mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Habang tumatakbo ako ay bumaba ang tingin ko saaking suot. Dahil nga sa basa na ako ay lalong humapit saaking katawan ang suot ko kaya naman kitang kita na ang hindi dapat makita.
Masyadong mataas ang damo na nadadaanan ko kaya naman nahihirapan akong hawiin ito habang tumatakbo ako. Sa pagtakbo ko ay may natanaw akong hindi kalakihang puwedeng masilungan. nagmamadaling tumakbo ako sa kinaruruunan no'n at sumilong.
Nilibot ko ang tingin sa pinagsisilungan ko. Hindi to masyadong mataas kaya kinakailangan kong yumuko ng kaunti. Naanggihan padin ako ng ulan dahil hindi naman ito ganong ka secured. Pero mabuti na rin ito kaysa naman sa tumakbo takbo ako sa gubat na ito ay baka mas lalo pa akong mawala.
Dahan-dahan akong dumausos paupo at pinagdikit ang dalawa kong binti. Pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko at tumingla sa langit. Panay pa din ang buhos ng malakas na ulan na para bang galit na galit ang langit sa lakas ng buhos ng ulan. Unti-unti akong napangiti at itinaas ang kamay ko at dinama ang bumubuhos na ulan sa palad ko.
Bata palang ako ay hindi ko naranasang maligo man lang sa ulan dahil hindi ako pinapayagan ni Daddy at Mommy dahil madali akong magkasakit kapag nabasa ako ng ulan. Pero dahil nga matigas ang ulo ko kahit sinabi nilang bawal akong maligo sa ulan ay sinuway 'ko sila
Matamis akong napangiti ng maalala ko kung paano ako pagalitan ni Mommy at Daddy dahil kamuntikan na akong mawala sa playground na lagi kong tambayan nung bata pa ako kapag nandito ako sa La Trinidad. at sa playground ding 'yon nakilala ko ang lalaking tumulong sa'kin...
Ang Buong Pamilya ng Vergara ay nasa Probinsyang La Trinidad para doon ipagdiwang ang disperas ng pasko at bagong taon. Habang abala ang mga tao sa paglalagay ng palamuti sa malaking mansyon para sa nalalapit na pasko ay nasa palaruan naman ang batang si Amara para maglaro.