Kabanata 35

260 18 7
                                    

Kabanata 35: Party

Unang araw ko dito sa hacienda ay sobrang pagod agad ang nakuha ko. Sa sobrang laki nang hacienda-ng 'to ay halos lahat ay dapat linisin. Pakiramdam ko ay nasa loob ako nang mall dahil sa dami nang pasikot-sikot dito.

Tuwing oras nang trabaho ko ay iniiwan ko si Saint sa silid na tinutuluyan namin. Kaming tatlo ang naglalai ron. Si Annabelle, ako at si Saint. Nakakahiya nga dahil nakikisiksik pa kami sakanya nang silid.

Ang alam kasi nila ay ako lang at walang kasama. Kaya kailangan kong itago si Saint. Kapag kakain naman ay kinukuhaan ko nang sobrang pagkain sa plato ko para ibigay kay Saint. Naawa ako sa anak ko dahil hindi ko siya magawang maalagan nang masyado dahil palagi akong nasa labas para magtrabaho. Babalik lang ako sa kwarto para samahan siya kapag oras na nang pahinga ko.

Kaming tatlo lang ang nakakaalam na may kasama akong anak. Kailangan ko talagang mag-ingat dahil hindi ko alam kung saan kami pupulutin kapag nalaman nilang nagsisinungaling ako. Nailalabas ko lang si Saint kapag gabi na. Hinahayaan ko siyang magtakbo-takbo sa may hardin pero sandaling oras lang dahil baka may makakita.

"Pinapatawag tayo nila Manang. May importanteng sasabihin raw." Masungit na sinabi sa akin ni Annabelle at umalis.

Binaba ko ang pinupunasan kong plato at tumango. Akala ko talaga nung una ay iba ang trato niya sa akin. Masungit kasi siyang tignan at laging nakataas ang kilay sa akin. Pero napatunayan kong mali pala ako. Minsan kasi ay nakikita ko siyang inaabutan nang pagkain si Saint at nung isang gabi ay nakita ko siyang kinumutan si Saint. Kahit ganon siya ay alam kong malambot ang puso niya.

"Gusto kong ipaalam sainyo na sa tatlong taong pananatili nang dalawang senyorito sa Amerika ay napagdesisyunan na nilang umuwi dito sa pilipinas para dito manirahan kasama ang Don," si Manang Cecil.

"At dahil d'yan magkakaroon nang party na gaganapin bukas nang gabi. Ibig sabihin may mga bisita kaya bago mag alas kwatro dapat gising na kayong lahat para mamili nang mga dekorasyon at mga rekados dahil mas gusto ng senyorito na luto natin kaysa mag pa cather." Paliwanag niya.

Hindi ko alam pero lumakas ang kabog nang puso ko. Pero bakit naman.. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at kumilos na. Madami pa akong kailangang gawin ngayon.

"Hoy! ke bago bago mo rito ang bagal mong kumilos!" sigaw nang isang katulong rin. May hawak hawak siyang hamper sa gilid nang baywang niya.

"Oh, eto labhan no naman nang may magawa ka." Halos mapasigaw ako nang basta nalang niyang hinagis sa akin ang hamper na punong-puno nang damit. Sapul ang mukha ko dahil ron.

Halos mapaiyak ako sa sakit. Akala ko kapag nakaalis na ako sa Maynila ay aayos na ang buhay ko. Pero hanggang dito pala sinusundan parin ako nang kamalasan.

"Arte nito! gaan gaan lang niyan, e! Dapat maayos ang pagkakalaba mo niyan, ha! Kapag 'yan may mga mantsa pa isusumbong talaga kita kay Manang." banta pa niya.

Sa takot na maisumbong ay ginawa ko nalang ang sinabi niya. Halos magsugat sugat na ang kamay ko kaka-kuskos nang mga damit. Dahil iyon ang sabi sa'kin. H'wag ko raw gamitin ang washing machine dahil baka masira ko daw.

Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na gusto niya akong pahirapan. Ilang taon na akong namumuhay na walang katulong kaya alam ko naman gamitin ang washing machine kahit papaano dahil nakikigamit ako no'n kay Aling Nenita.

Nang matapos akong mag sampay ay halos hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa sakit nang likod ko at ang kamay ay nanakit. I put my hand on my back and slightly stretched my body.

Pagsapit nang ala sais ay abala nanaman ako sa kusina dahil ako ang naatasang mag luto nang hapunan. Sinadya 'kong mag luto nang fried chicken dahil paborito iyon ni Saint. Nang matapos mag luto ay agad akong kumuha nang tupperware at naglagay nang pagkain nang matapos ay agad ko iyong tinabi.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon