Kabanata 12:Wild Beast
"Amara, are you okay?"
Bigla akong napaayos ng upo at napabaling kay Amanda. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nasa gymnasium kami ngayon para manuod ng game. Hindi namin kasama si Amaris dahil may flu siya.
"Yes... I'm okay.." I answered.
But deep inside I'm not really okay. It's been three days since that incident happend. Ilang araw din akong laging tahimik at parang wala sa sarili. Kung nasa Hacienda naman ako ay hindi ako masyadong naglala-labas. Lalabas lang ako sa silid ko kapag kinakailangan.
Kung dati kapag wala akong masyadong ginagawa ay nagagawa ko pang maglibot-libot sa buong Hacienda ay para makita ang maga-gandang tanawin at makalanghap ng sariwang hangin, ngayon ay hindi na. Sa umaga gi-gising ako para mag almusal at pumasok. Pag-uwi ko naman galing sa School di-diretso agad ako sa silid ko at pagdating ng hapunan ay magpapahatid nalang ako ng pagkain.
She gasped.
"Omg, Amara! I almost forgot! Remember Holton and Fabio?" she exaggeratedly asked.
I nodded.
Sila yung dalawang lalaki na kaibigan nila ni Amaris bago kami magkakilala. Naalala ko nung sinabi ni Amaris na ipapakilala nila ako kay Holton at Fabio nung pupunta kami ng Casa Avenista kaso napurnada dahil hindi nakapunta si Fabio at Holton non dahil mayroon daw silang biglaang try-out si, Holton sa basketball. Si Fabio, naman kailangan siya ng ka band mates. Ito dahil nag-ba-banda daw ito sa mga bar.
"Si, Holton yung team captain ng Soaring Falcons yung representative ng STEM building!" lumapit ito ng kaunti sa akin na parang may ibubulong "Saka mag-ingat ka doon dahil babaero 'yon. Baka matipuhan ka, maganda ka panaman."
Namula ang pisngi ko dahil doon. Sanay naman ako sa mga pumupuri sa Hitsura ko nung nasa Manila pa ako. Ewan ko kung bakit parang nahiya ako kay Amanda nang pinuri niya ako.
"How 'bout Fabio?" I asked.
Ngumuso ito. "Hay naku! Busy 'yon sa pag ba-banda no'n! Mas priority pa no'n ang pagba-banda kaysa pag-aaral niya. Minsanan lang yon kung pumasok." Sumubo siya ng chips na hawak-hawak niya at nilipat ang tingin sa unahan "Hindi na nga makasama sa mga night outs namin 'yon dahil palaging nasa bar para kumanta." May himig ng pagtatampo na sabi pa nito.
"Hmmm, Malay mo baka may binubuhay si'ya. yung Pamilya niya." sabi ko.
Sa hirap ba naman ng buhay ngayon gagawin mo talaga ang lahat para magka pera ka para may mapakain ka sa pamilya mo. Lahat naman siguro ng anak kayang magsakripisyo para sa mga magulang nila. Meron lang talaga na mga taong hindi sinuwerte sa buhay at kahit mahirap ka-kailanganing kumayod.
"Sa bagay. Si Fabio, kasi siya 'yung tipo na ma-tiyaga talaga sa buhay. Hindi naman kasi sila mayaman, Eh." ramdam ko ang lungkot sa boses nito. "Kahit na nahihirapan na 'yon ngi-ngiti lang siya para gumaan ang loob namin."
Nagkuwentuhan pa kaming dalawa habang hinaantay ang game. Nagkuwento si Amanda kung paano silang apat nagkakilala. Masasabi kong para na talaga silang magka-kapatid. I envy them. Para tuloy akong commoner lang na nakikisali sa pagka-kaibigan nila.
I wonder why they want me to be their friend. Dahil ba kilala ang magulang ko dito sa La Trinidad? Madaming umiikot sa isip ko dahil ayokong magtiwala ulit sa maling tao. But Amanda made sure na nilapitan talaga nila ako dahil gusto nila akong maging kaibigan hindi dahil sa isa ako sa apo ng mga Vergara
Napansim daw kasi nila na masyado akong mailap lalo na sa mga kaklase namin at palaging nagi-isa kaya naisipan nilang lapitan ako para makipag kaibigan.