Kabanata 31: Adopted
I've been preoccupied this past few days. I often lock myself in my room and only come out when I'm eating. I also haven't noticed Amaris much since our last conversation. Minsan ay nahuhuli kong sumusulyap sulyap siya sa akin. I don't know what is running on her mind. Maybe she's plotting something bad.
Also, ever since the day that mom and dad flew back to Manila they haven't called yet. At nag-aalala ako. Usually kapag umaalis sila ay tumatawag naman sila kahit pa-paano. Pero ngayon ay ilang linggo na ang nagdaan ngunit wala pa silang paramdam.
I was back to reality when someone sudden knock on the door. My forehead creased. Sino naman kaya iyon? Wala naman akong naalala na pinatawag na katulong. Tumagilid ako at inangat ang kumot hanggang leeg ko.
"Come in."
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Si Aling Tessa kaya ito? Suminghot ako. I'm not really feeling well. Medyo masakit rin ang ulo ko at parang wala akong ganang kumilos. Madalas na rin kasi akong magpuyat at babad sa laptop para tapusin ang outline ko.
"Aling Tessa, ano pong kailangan mo?" I asked, not facing her.
Kumunot ang noo ko nang hindi siya sumagot.
"Aling Tessa?"
"Aling Tessa is downstairs."
Napamulat ako nang hindi marinig ang boses ni Aling Tessa. Sa halip ay magaspang na boses ang narinig ko. Agad akong napaupo sa kama.
It's Seven!
Nakatiim bagang siyang nakatingin sa akin. Salubong ang makapal na kilay.
"W-What are you doing here?" tanong ko gamit ang nanghihina kong boses.
"You didn't eat. Hindi ka bumaba kanina para kumain. Masamang nagpapalipas ng gutom." he said.
I rolled my eyes. Biglang nag-init ang ulo ko. "Kakain ako kung kailan ko gusto. At wala kang pakialam kung hindi ako kumain."
He cursed. "That attitude of yours is really annoying."
I scoffed. Ang lakas ng loob niya! Nandito ba siya para inisin lang ako?
"Excuse me? Sa ating dalawa ikaw ang mas nakakainis. Masyado kang pakielamero."
He heavied a sigh. Tumingala siya habang nakalagay sa bewang niya ang dalaw niyang kamay. His adams apple went up and down.
He looked at me. "What do you want to eat?"
Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba kailangan niya pang tanungin iyon? Hindi ba dapat galit din siya sa akin dahil sa inaasta ko sakanya.
Magsasalita na sana ako nang makaramdam ako ng kakaiba sa ilong ko. Suminghot ako nang maramdamang basa ang loob ng ilong ko. Shit! Bakit ngayon pa ako sinipon!
"Are you sick?" he worriedly asked.
"Sinisipon lang may sakit na agad? Hindi ba pwedeng trip ko lang suminghot?" I sarcastically said.
"Can you please stop being sarcastic? You're not feeling well yet you didn't even tell us?" inis niyang sinabi. "If you don't want to tell me at least tell to your sister or the maids."
"Kapag sinabi ko ba sainyo gagaling ako?" tamad kong sabi. "At pwede ba? Kahit mamatay ako dito hinding-hindi ako hihingi ng tulong kay Amaris." matigas kong sinabi.
Napamaang siya.
"Why are you being like that to your sister? She's worried! I thought you love her?"