Kabanata 41: VisitHinihingal na naghiwalay ang labi namin. Habol habol ko ang aking hininga dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin.
"Hmp!" He, again pressed his lips against mine. Agad ko siyang tinulak para makahagap ng hangin. Nang akmang hahabulin na naman niya ang labi ko ay agad kong pinitik ang labi niya.
"That hurts.." ungot niya at hinawakan ang labing pinitik ko. Inirapan ko siya. Ito nanaman siya... nagpapabebe nanaman.
"Maybe you can kiss my lips so it won't hurt anymore.." he huskily said and his lips was about to come closer to me again but I immediately got up from the bed and put on my panties.
Making out? Hanggang don lang ang nangyayari sa amin. Hindi ko pa kayang ibigay ang buo kong sarili dahil sa nangyari sa akin dati.
I heard him groaned. Time passed quickly. Sometimes I get annoyed with him because he is so clingy. Sometimes he would suddenly pull me over and take me to his room and suddenly grab me with a kiss!
"Hindi mo dapat ako basta-bastang hinihila dahil baka may makakita!" I hissed.
He moved so the blanket went down to his waist. His perfect body shown up. Umiwas na agad ako ng tingin bago pa siya tumayo. Inayos ko ang silid niya habang nag s-shower siya. Ang kwarto niya ay halos doble ang laki ng silid namin sa ibaba.
Iginilid ko ang makapal niyang kurtina para pumasok ang sinag ng araw. Mula dito ay kitang-kita ko na ang magandang view ng hacienda. Tahimik at maaliwalas. Naalala ko tuloy ang hacienda namin dati. Kamusta na kaya iyon? I sighed. Marami kaming naiwan dito na hindi ko na naayos pa simula nang mawala ang pamilya ko. Hindi na ako nag abalang umuwi rito noon dahil alam ko namang wala na akong uuwian. Baka nga wala na rin don ang mga katulong at kusa ng umalis dahil wala namang nagpapasahod sakanila ron.
Sayang dahil iyon ang natitira kong ala-ala sa pamilya ko. Ipinatayo 'yon ni abuelo at doon sila nanirahan ni Abuela. Nanghihinayang ako dahil alam kong importante iyon lalo na kay daddy dahil don siya lumaki bago nakilala si mommy at bumuo ng pamilya.
I was startled when I felt a hand encircled around my waist. May mga butil pa ng tubig na tumutlo sa balikat ko. He smells so expensive.
"What are you thinking?"
"Naalala ko lang 'yung hacienda namin.." I said.
He hummed and started to sway our body. "Want to visit it?" he asked.
My eyes widened. Oh my god! Agad akong humarap sakanya.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko.
He pinched my nose. "Really."
Halos itapon ko na ang sarili ko sakanya dahil sa sobrang saya. Dahil sa sobrang saya ko ay mabilis kong dinampian ng halik ang labi niya. Naestatwa siya. Later on, he smirked like a fool.
"Isa pa.." ungot niya.
I rolled my eyes at him. Nang matapos na ako sa paglilinis ng silid niya ay binuksan ko na ang pintuan para bumaba. Nagsusuot palang siya ng short ng iwan ko siya sa loob ngunit nanlaki ang mata ko nang makita si Annabelle sa labas ng silid ni Seven. She looks shocked too when she saw me.
Bubuka na sana ang bibig niya para magsalita ng bumukas ang pintuan at bumungad si Seven na walang pang-itaas na damit at biglang nilagay ang kamay niya sa aking bewang.
"Why did you leave me alone inside? Let's go down together.."
Nanlaki ang mata ni Annabelle at nagpabalik balik sa aming dalawa ang tingin niya. Napamaang siya at bumaba ang tingin sa kamay ni Seven na nakalagay sa bewang ko.