Kabanata 46

298 17 2
                                    


Kabanata 46: Visitor

"Amara.."

My breathing hitched. Anong ginagawa nila rito?

Agad niyang tinakbo ang aming distansya at mahigpit akong niyakap. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Ni hindi ko ngang magawang yakapin siya pabalik dahil sa gulat.

"I missed you!"

Maraming pumapasok na katanungan sa isipan ko ngayon na kaharap kona sila. It's been years since we saw each other. Hindi ko inaasahan na hahanapin pa nila ako dahil ang huli kong balita sakanila ay sila ng dalawa at masaya ako kahit na pakiramdam ko ay pinagtaksilan nila ako.

Pero wala naman akong karapatan nung mga panahon na yon dahil kaibigan lang ako...

"Roxanne... Rocky.. W-What are you doing h-here?" I stuttered.

Rocky stand beside Roxanne. Hinapit niya ang bewang ni Roxanne. Bumaba ron ang tingin ko.

"Baby, who is that..uh, hey?"

Sumulpot sa likod ko si Seven at tumingin kila Roxanne at Rocky.

"Amara, we came her personally to talk to you." si Rocky.

Naramdaman ko ang kamay ni Seven sa bewang ko.

"What do you need from my wife?" 

"W-What? May asawa kana, Amara?" tanong ni Roxanne.

"Wal--"

"Is that even necessary to ask?" masungit na sinabi niya.

"Seven." mahina kong saway.

"I-I didn't know... I'm Roxanne Cruz-Sullivan, Amara's friend."

Roxanne Cruz-Sullivan..

Kung ganon ay kasal na sila. Kinapa ko ang aking dibdib kung may nararamdaman ba akong poot ngunit wala.

"Pasok kayo." mahina kong sinabi at naunang pumasok.

"Iwan mo muna kami. May paguusapan lang kami."

His forehead creased. "Hindi ba pwedeng kasama ako? Tahimik lang ako promise." aniya at tinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.

I rolled my eyes. Hindi ako naniniwala.

"Samahan mo nalang muna si Saint sa taas. Gawin niyo 'yung assignment niya." utos ko.

He sighed in defeat. "Okay, fine.." suko niya at umakyat na sa itaas.

"Upo kayo." ani ko.

Umupo sila sa harap ko. Seriously, wala na akong nararamdaman ngayong kaharap ko na sila. Dati talaga ay nakaramdam ako ng tampo dahil wala silang paramdam sa'kin. Matagal na panahon na ang lumipas at nawala na ang tanpong iyon.

Honestly, I liked Rocky before. Iba na ngayon. Masyado akong obssesed sakanya no'n na talagang hinaharang ko ang mga babaeng na li-link sakanya. That's the old Amara. Childish, brat.

"Amara, I wanted to say sorry.." kinagat niya ang ibaba niyang labi.

"Hindi ako pinapatulog ng konsensiya ko dahil sa ginawa ko."

This time ay tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay at umiyak.

"Don't cry, babe...makakasama sa baby.." alo ni Rocky.

"Anong ibig mong sabihin?" diretsa kong tanong.

"Ako.. Ako ang may kasalanan kaya ka umalis sa Manila. P-Pero hindi ko naman g-gustong gawin 'yon, E.. I-Inipit nila ako.." mas lalo pa siyang humagulgol.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon