Kabanata 38

265 15 14
                                    

Sorry sa late ud, tsinempo ko talaga na ngayon I-published kasi birthday ko haha! Enjoy reading!

--

Kabanata 38: Avi, The Girlfriend

As I always do, I get up early to help with the households. Halos nasanay na rin ako sa halos isang buwang pananatili rito. Tuwing umaga gigising ako ng maaga para maglinis. Pag tanghali, tutulong ako sa kusina para maghanda ng tanghalian. Sa hapon naman ay walang masyadong ginagawa minsan. Kaya minsan ay sinasamahan ko nalang si Saint para kahit papaano ay hindi siya ma bored. At sa tuwing sasapit ang gabi ay ako ang nakatoka sa pag-aayos ng hapag.

I only see Seven often because he is always in his room. If not, he is on the patio to freshen up and after a few minutes he will return to his room. I really feel like I'm the reason why he rarely goes out of his room.

Dahil baka iniiwasan niya ako O baka masyado lang talaga akong assuming. Haynako Amara! Hindi kana nadala! Baka naman busy siya sa trabaho niya kaya naroon siya sa silid niya at nagtatrabaho!

Ang huli naming pag-uusap ay 'yung pagdalaw nila Levi rito. Masyado akong nahiya sa huli naming pag-uusap. Masyado ako naging feelingera kaya kung maari ay iniiwasan ko rin na maalala pa iyon dahil sa tuwing naalala ko 'yon, parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa sa sobrang hiya!

"Oh, ito ang listahan ng mga kailangan mong bilhin. Dapat lahat nang nandito ay mabili mo. May mag d-drive sa 'yo papuntang bayan kaya hindi na kita bibigyan ng pamasahe."

Tumango ako at pinunasan ang basa kong kamay bago tanggapin ang papel. Binuklat ko iyon ay sumalubong sa akin ang napakaraming kailangang bilhin. Pumunta muna ako sa silid namin nila Saint para magpalit. I was wearing a dirty white tshirt and a faded jeans. Matagal na rin itong damit ko kaya luma na rin. Pinartneran ko ito ng lumang converse na sapatos.

"Mama, Jollibee." Bulong niya at hinalikan ako sa pisngi. Ngumisi lang ako at ginulo ang buhok niya. Ilang araw rin bago kami magkabati ulit ni Saint. Tinignan ko muna siya bago isara ang pintuan.

Naglalaro lang siya nung binili kong dinasour. Masaya ako dahil nagustuhan niya 'yon.. Pa hard to get pa siya nung una tapos magugustuhan rin naman pala. Tss, manang-mana sa tatay, pabebe..

Nang matanaw ang sasakyan ay agad ko iyong tinakbo. Hinawakan ko ang handle ng pinto ng passenger's seat pero bigla nalang akong nagulat ng may makitang babaeng nakaupo ron. Miski siya ay nagulat rin pero mabilis iyong nawala.

Nginitian niya ako. "Hi! I'm Via! You're Amara, right?" magiliw niyang sabi.

Alinlangan akong ngumiti at unti-unting tumango. "U-Uh, yes.."

Via...

"Alam ba 'to ni Avi bro? Sumbong kita, ah!"

"Alam ba 'to ni Avi bro? Sumbong kita, ah!"

Suddenly what Levi said yesterday replayed in my head nonstop. Tinitigan ko siya.

She had a cheerful character, Also a sculpted figure which was twine-thin. Her waist was tapered and she had a burnished complexion. A pair of arched eyebrows looked down on sweeping eyelashes. Her delicate ears framed a button nose. A set of dazzling, angel-white teeth gleamed.

She's breathtakingly  beautiful indeed. Kaya siya siguro nagustuhan ni Seven. Walang-wala ako sakanya, ni hindi man lang ako umabot sa kalingkingan niya. Ang ganyang hitsura niya ay bagay na bagay para kay Seven. Samantalang ako.. Ibang-iba na ako. Hindi na ako 'yung tulad ng dati na pang fashionista. Ako 'yung tipong nalipasan na ng panahon. Wala naman akong pinagsisihan ron dahil binuhos ko ang atensyon ko kay Saint at sa trabaho ko.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon