Wakas

508 26 10
                                    

Sevendrouse Moritz Esquillo

Sa murang edad palamang ay namulat na ako sa katotohanang mahirap lang kami. Ang nanay at tatay ko ay nagtatrabaho sa hacienda ng mga Vergara. Isa sila sa pinagkakatiwalaan ng mag-asawang Vergara.

Mahirap lamang ang buhay namin, nakatira kami sa kubong malapit sa pinagtatrabahuan ng magulang ko. Kahit kailan ay hindi ko ikinahihiya ang magulang ko kahit na ganon lang ang trabaho nila. Masaya na ako sa kung anong meron kami. Kaming tatlo na magkakasama.

"Seven, anak saan ka nanaman pupunta? Makulimlim na baka maabutan kapa ng ulan." si Mama.

Ngumuso ako. Gusto ko kasing maglaro sa malapit na palaruan rito dahil ang sabi ni Agnes ay maganda raw ro'n.

"Mama, d'yan lang po ako sa malapit. Uuwi rin po agad ako."

Bumuntong hininga siya.

"Uuwi ka ng maaga, huh? Baka magkasakit ka kapag nagpaulan ka." aniya.

Masaya akong tumango. Sa wakas makakapunta na rin ako!

Masaya akong naglalakad dahil ngayon lang ako magkakapaglaro don. Hindi kasi ako minsan pinapayagang lumabas hindi ko alam kung bakit.

Buti nalang at nandyan si Agnes kahit papaano ay kapag pumupunta siya saamin ay may nakakalaro ako.

Halos magningning ang aking mata ng makita ang mga slides at iba pang mga pwedeng gawing laruan rito. Totoo nga ang sinabi ni Agnes na maganda rito sayang lamang at hindi ko siya naisama para kahit papaano ay may kasama akong maglaro.

Ngunit hindi ko na namalayan ang oras naramdaman ko nalang na may mga patak ng ulan ang bumabagsak sa akin. Binitawan ko ang nilalaro ko at tumakbo sa may silungan nang lumakas ang mga patak ng ulan.

Lagot ako nito kay nanay dahil ang sabi ko ay hindi dapat ako magtatagal.

"Y-Yaya bebeth, where are you na ba!"

"B-Bad ka yaya bebeth! Iniwan mo ako dito i-isusumbong kita kay M-mommy at Daddy!"

Tinignan ko ang batang hindi malayo sa akin. Umiiyak siya habang nagsisigaw. Hindi siya pamilyar sa akin rito saka yung pananalita niya ay hindi ko rin maintindihan.

Napagdesisyunan akong lapitan siya dahil kanina pa siya iyak ng iyak.

"Bata ayos ka lang?" tanong ko.

Natigil siya sa pag-iyak at tumingin sa akin. Dahil sa nag-angat siya ng tingin ay nakita ko ang maliit niyang mukha. Hindi ko alam pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Kakaiba ang kanyang mukha at para siyang anghel.

Pero nagulat nalang ako ng sigawan niya ako.

"Don't talk to me!" at muli siyang sumubsob sa braso niya.

Pero hindi ako nawalan ng pagasa. Ngumiti lang ako.

"Bakit ka umiiyak? Hindi dapat umiiyak ang isang magandang katulad mo."

Natigilan siya at muling tumingin sa akin.

"Really? Do I look beautiful in your eyes?"

Nag ngingiting kumamot ako sa aking ulo at nahihiyang ngumiti. Ayan namaman siya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Pasensya ka na hindi ko kasi maintindihan 'yung sinasabi mo e,"

Nagulat nalang ako ng biglang umiyak nanaman ito ng malakas. Natataranta akong tumayo.

"T-Teka wag ka ng u-umiyak."

"Katulad ka rin nila ayaw mo sa akin!"

"T-Teka hindi yan totoo.. Kung a-ayaw nila sa 'yo e-edi saakin ka nalang..." hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyom siguro para tumigil na siya sa pagiyak?

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon