Kabanata 3:La TrinidadNGAYONG araw ang pag alis ko dito sa Mansyon. Nagsisimula na akong magempake nga mga damit ko dahil paniguradong magtatagal ako sa Malayong Probinsya na iyon. I can't even imagine myself in that far away province.
Sa pagka-kaalala ko ay nakapunta na ako doon noong bata pa ako doon kami nagdiwang pasko at bagong taon dahil yon ang huling hiling ni abuelo at abuela may taning na ang buhay nila nung taong iyon.
Kaya naman napagpasyahan namin na sama-sama kaming magkakapamilya sa araw na iyon at kinabukasan pagkagising namin ay pumanaw na nga si abuela at abuelo. Malungkot ako nung araw na iyon dahil sobrang malapit ako sakanilang dalawa.
Hanggang ngayon ay hindi padin nagsi-sink in sa akin ang nangyayari sa akin ngayon. kung dati lang ay nakakalabas pa ako ng walang kasama ngayon ay hindi na dahil kalat na kalat na social media at laman na din ako sa mga newspaper. Madami nading nangbabash saakin na ang landi landi ko daw.
I didn't even know kung sino yung lalaking na sa picture! and I'm sure na set up lang ang lahat ng 'yon!
Nasa byahe na kami ngayon papuntang Airport kasama ko si Daddy at Mommy para ihatid ako. Ayoko na sana dahil baka umiyak nanaman si Mommy pero hindi siya pumayag na hindi niya ako ihahatid dahil paniguradong dudumugin ako ng mga tao kapag namukhaan nila ako. dahil nga isang mayamang businessman si Dad isang malaking kahihiyan kung magkakaroon ka ng anak na disgrasyada habang nasa loob kami ng sasakyan ay hindi nauubusan ng paalala saakin si Mommy.
"Sweetie, magpapakabait ka doon ha? Sabihin mo agad saamin ng Daddy mo kung may mananakit sa'yo don!" she said while wiping her tears
"Yes, Mom I'll be a good girl na po." I sincerly said and sadly smiled
Susubukan 'ko...
Dahil don ay lalong lumakas ang iyak ni Mommy. Habang si Daddy naman ay seryosong sa daan lang ang tingin.
"Wala na akong makakasamang magshopping every weekend dahil aalis na ang baby ko." sabi ni mommy habang humihikbi at nagpupunas ng luha
I smiled because what my mother said, every weekends we're always go to mall to shopping that's our bonding because mommy and daddy is busy every weekdays so I created a sched na dapat magkakasama kaming tatlo every weekends para makapagbonding kami.
Nang makarating kami sa Airport ay sinuot ko na ang hoodie ng jacket ko at ang facemask ko para walang makakilala saakin dahil mahirap na kung may makakilala man saakin dito baka dumugin ako ng mga tao.
Nang makalabas na kami ng sasakyan ay wala pang masyadong tao dahil masyado pang maaga. Humarap ako kila Mommy at Daddy at malungkot na ngumiti. ngayon lang ako mahihiwalay ng ganito sakanila. I think this is my karma because of my stubborness.
"Sweetie, maiingat ka ha? Yung mga paalala ko sayo wag mong kalilimutan! Mami-miss
ko ang paborito kong anak." emosyonal sa sambit ni mommy at niyakap ako ng mahigpit."Mom, remember ako lang ang nagiisa mong anak." natatawa kong sabi.
Natigilan siya don at nag iwas ng tingin.
Napabaling ako kay Daddy na nakapamulsa at diretso ang tingin saakin. inisang hakbang
ko ang distansya namin at mahigpit siyang niyakap.It's so embrassing to admit but I'm a Daddy's girl.
"Huwag mong iisipin na hindi kita mahal anak tandaan mo para sa'yo itong ginagawa ko ayokong nakikitang inaapi ka, kaya pinalaki kitang matapang. Tatandaan mo mahal na mahal ka namin ng Mommy mo." lintaya nito at mas mahigpit ko pa siyang niyakap parang hindi ko yata kayang umalis. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi tama